CHAPTER 28

271 29 0
                                    

Dinalaw ako nang antok kaya natulog ulit ako. Nag dasal ako para ipagdasal na sana okay lang si Kulit kung na saan man siya ngayon. Sana nga ay ayos lang siya kung nasaan man siya.

Belle POV

Nagising ako ng maaga, ewan ko rin pero nagigising nalang ako bigla. Nauunahan ko na yung alarm ko, anyways pumunta muna ako sa cr para maghilamos, pagtapos ay pumunta ako sa kusina ko, dalawa kasi kusina dito sa kwarto ko, 'yung isa sa'kin 'yung isa sa secret room. Hindi ko naman na nagagalaw 'yung kusina ko dahil may maid kami at tinatamad akong magluto.
Aba ganon talaga kung minsan, tatamarin ka tsaka masarap magluto ang mga kasambahay namin, lalo na si Manang. By the way, hindi basta basta yung kusina ko, para siyang hidden kitchen ganon pero iba sa secret room. Yung kitchen ko kasi sa kwarto ay may pihitan siya, may collection kasi ako ng books and kapag pinihit mo pababa yung libro ay lalabas bigla yung buong kitchen, kaya kapag hindi ko ginagamit eh nakatago lang siya tsaka para na rin maluwag yung kwarto ko.

Yun nga kumuha ako ng limang itlog, magic sarap, paminta, sibuyas at bawang, may pagkain naman sa baba kaya makakakain si Kuya. Mainitin ang ulo ni Kuya kaya dapat nakahanda na yung pagkain niya, nakakainis no? Akala mo siya ang hari ng bahay namin, pero mabait naman si Kuya. Gusto kasi non laging organized ang lahat, perfectionist ampotek. Akala mo ay ikinagwapo niya ang pagiging maarte niya, mukha namang siyang kulugo HAHAHAHA. Kidding aside pero gwapo naman ang kuya ko, maarte nga lang. Malay ko ba don? Siguro kasi sa nangyari sa kaniya no'ng Junior Highschool days niya. Kwento ko ba? Sige na nga HAHAHAHA.

~~~FLASHBACK~~~

Grade 6 ako noon at Grade 8 naman si kuya. Dito lang 'di sa school namin , naglalakad kasi ako noon sa garden ng school dahil nga tapos na ko sa quiz, sabi kasi ng teacher namin, kung sino mang makatapos ng quiz ay makakalabas na para mag recess. Basic lang naman ang quiz sa Math kaya tinapos ko agad hehe. Nasa garden ako no'n nang makita ko si kuya with a girl.

Pinuntahan ko sila, nagtago ako sa isang poste at narinig ko ang pinag uusapan nila.

"Bakit ba hindi mo ako magustuhan ha Mark? Maganda naman ako hindi ba?" Pagmamakaawa ni ate gurl.

Hays nako, hindi na bago sa akin ang ganito. Marami ng nareject si kuya, minsan nga ay ako pa ang nagrereject sa mga girls na nagkakagusto sa kaniya sa elementary. May mga schoolmates din kasi akong mas matanda sa akin. Mga students na huminto or hindi na makaalis sa elementary.

"How can I like a girl like you? You're gross and look at your nose you have ewww!!!" Hindi mapakaling sabi ni kuya na ikinatawa ko ng palihim.

Potek! Nakalabas kasi yung kulangot ni ate girl eh HAHAHAHHA LT!

Biglang nahiya si ate girl kaya dali daling tumalikod si ate girl at kinuha yung kulangot niya tas pinunas sa sa isang bato. Humarap siya kay kuya at hinawakan niya yung kamay nito na ikinabigla ni kuya. Sobrang LT no'n kitang kita ko yung reaksyon ni kuya na diring diri.

Agad niyang binitawan yung kamay ni ate girl at nag alcohol.

"Yuckkk! So gross! Stay away from me!" Sigaw ni kuya na ikinabigla ni girl at ako rin nabigla.

Sa sobrang gulat nong girl tumakbo nalang siya palayo. Umalis naman ako sa pwesto ko at tinawanan si kuya na naiinis pa rin yung mukha.

"HAHAHAHA buti nga, kinarma kuya HAHAHAHA!" Halakhak ko pang sabi.

"Shut up! Or isusumbong kita kila Mom na nanuntok ka na naman ng schoolmate mo." Pagbabanta nito kaya napatahimik ako.

~~~END OF FLASHBACKS~~~

So ayon, kaya lalong lumala yung pagiging maarte at malinis ni kuya dahil sa kahihiyang nangyari sa kaniya. Kahit ako naman ay mandidiri, hindi man lang nag alcohol bago humawak sa kamay ni kuya pero Lt talaga yung nangyari.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now