CHAPTER 46

175 22 0
                                    

Habang nakayuko may naramdaman akong yumakap sakin.

"Tahan na mahahanap natin sya,wag ka nang umiyak,nahihirapan ako pag nakikita kang umiiyak,diba sabi mo sakin hindi ka susuko,kakayanin mo diba kaya tahan na."sabi ni kyle

Tumayo at lumayo ako ng konti sa kanya,pinunasan ko yung luha ko at tumingin sa kanya.

"Salamat kyle,salamat kasi lagi kang andyan kahit na may nagawa kang kasalanan,inamin mo naman kaya ok na,salamat talaga kyle,namimiss kona kasi sya."sabi ko habang umiyak"Sobrang hirap pala talaga ang ganito,hindi ko alam kung pano ko sisimulang hanapin sya,naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang napansin na plinano pala nila yun para makuha sakin yung pinakamahalagang tao para sakin."

"Hindi naman natin hahayaan na magtagumpay sila sa plano nila.syempre ikaw pa malakas ka sakin eh kaya tahan na,wag kang magpadala sa mga ganyan nila,tutulong kami sa paghahanap."sabi nya

"Salamat talaga,salamat dahil andyan ka,andyan kayo,nagpapasalamat ako dahil dumating kayo sa buhay ko."sabi ko

"Sige na tahan na,makikita natin sya at hindi na kayo maghihiwalay pa."sabi ni kyle

Kinuha ko na yung binigay ni ping,kinuha ko na din yung he's into her books,tinulungan ako ni kyle sa pagdala ng gamit,nakita kung andon parin sila kaya sabay sabay na kaming lumakad papuntang parking lot.

Pinasok ko na yung mga gamit sa kotse ko.

"Sige guys ingat kayo,tawagan nyo lang ako kung may clue kayo kung nasaan si dylan."sabi ko

"Sige ingat din belle kaya mo yan."sabi ni kurt

"Tutulungan ka namin belle."sabi ni pein

"Salamat guys sige aalis nako."sabi ko

After two years,January 5 2023.

Sabi nila bagong taon bagong buhay,hindi ko ginunita ang bagong taon sa paghahanap kay ping,lagi akong naglalasing sa gabi.

"Anak sumuko kana,hindi na natin sya mahahanap."sabi ni mom

"Hindi mom ayoko hindi,hindi ako titigil hanggang sa mahanap ko sya,kaya nga ako nagdrop out dahil hahanapin ko sya mom,ayokong tumigil."sabi ko

"Pero anak dalawang taon na,di na natin sya mahahanap,tumigil kana nak plss lang,pinahihirapan mo lang ang sarili mo."sabi ni mom

"Mom mahahanap ko sya mom ayokong sumuko mom,diba sabi nyo wag akong sumuko dahil mahahanap ko sya,hindi ako susuko mom,makakasama ko ulit si ping mom,ayokong sumuko."umiiyak na sabi ko

"Pero anak-"

"mom hindi nyo mababago yung desisyon ko,hahanapin ko sya kahit anong mangyari"seryosong sabi ko umalis ako at hinanap ulit si ping

Halos gawin kong araw ang gabi mahanap lang sya,wala na ba talaga?

Ayokong sumuko ayokong mabaliwala ang pangako ko kila tita,di ko na alam kung saan pupunta halos lahat napuntahan kona.

Pinaandar ko yung kotse ko at pumunta sa bundok.

"Ping!!!Asan kana ba?!!!!Plss bumalik kana!!!!"sigaw ko at lumagok ng alak"Ping ano ba bumalik kana!Miss na miss na kita ping!Plss naman bumalik kana!Dalawang taon na oh,kung pinarusahan moko sige tatanggapin ko bumalik ka lang ulit sakin!Awayin moko,sigaw sigawan wala akong paki basta bumalik kana plsss!Miss na miss na kita ping!"sigaw ko habang umiiyak

"Miss ok kalang ba?May nangyari ba sayo?May hinahanap kaba?Bakit ka umiiyak miss?"tanong nong lalaki pero kilala ko yung boses nya kaya nilingon ko sya


Kinusot kusot kopa muna yung mata ko bago sya tignan at natuwa ako dahil sya nga!

"Ping!Ikaw nga ping!Salamat gising kana,dalawang taon kitang hindi nakita,dalawang taon kita ipinahanap ngayon nakita na kita!Salamat lord!"sigaw ko at asta syang yayakapin kaso bigla lang lumayo kaya nawala yung saya sakin

"Ahhh miss lasing ka ata,hindi ping ang pangalan ko,i'm Tobi Dylan Sanjose."sabi nya

"Hindi Fernandez yung apelido mo,ikaw si ping bakit di moko maalala?"tanong ko parang tinutusok yung puso ko sa sinasabi nya"Ako to si kulit yung niligtas mo noon,may kumidnap saki-"

"Hon let's go!"sigaw ng kung sino

"Ahhh sige miss hinahanap nako ng asawa ko,sana ok kalang."sabi nya tumakbo nalang

Asawa?!Sinong asawa ba yung tinutukoy nya?

"Sandali ikaw si ping!Ping pakinggan moko!"sigaw ko

Sinundan ko sila hanggang sa nakarating ako sa malaking bahay malapit sa bundok amaya.

Lumabas si ping kasama yung babaeng pamilyar sakin.

Pumasok sila sa bahay,nakita kung masaya sya,inalala ko kung sino yung babae at tama ako si merriel yun,bakit hindi ako naaalala ni ping?

Tama naalala kona,dahil sa pagkatama ng matigas na bagay sa ulo ni ping kaya sya nagkaroon ng amnesia,kaya hindi nya ako nakilala dahil sinabi ni merriel sa kanya na mag asawa sila.

Kaya ba nya kinuha sakin si ping ng dalawang taon dahil dyan sa pagiging ambesyosa sya?

Napakawalang hiya nya talaga,wag naman sanang may nangyari sa kanila dahil hahabalusin ko silang dalawa kapag nagkataon.

Pinaandar ko ulit yung kotse at pumunta sa headquarters.

Dylan POV

Nagising ako sa isang kwarto,bakit ako andito?

"Buti naman at gising kana,nag alala ako sayo."sabi nang babae

"Sino ka?Asan ako?Sino bako?"tanong ko

"Wait isa isa lang,hon hindi mo ba ko natatandaan,ako to yung asawa mo,may anak tayo."sabi nya

"Asawa?Ikaw?Sino bako?May anak tayo?"tanong ko

"Ahhhh ikaw si Tobi Dylan sanjose,two month kang comatose dahil sa car accident akala namin ng anak mo hindi kana magigising pa pero milagro dahil nagising kana."sabi nya

"Sino ka pala?Asan yung anak natin?"tanong ko

"Ahh ako si dain san jose ang asawa mo,dadalaw dito mamaya yung anak natin."sabi nya"Oh kain na susubuan kita."

Kumain nako at tinitigan sya.

"Wag mokong titigan matutunaw ako."sabi nya

Bigla nalang sumakit yung ulo ko.

"Aray!Ang sakit ng ulo ko!"sigaw ko

"Wait tatawagan ko si doc."sabi nya

Honeybabe!
H

oneybabe!
Honeybabe!
Honeybabe!

Tulungan moko.

Tulungan moko.

Ping!

"Aray ahhh!"sigaw ko hanggang sa mawala na lahat ng liwanag

To be continued.....

Plss vote and follow~♥~

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now