CHAPTER 6

536 40 5
                                    

Sa Office...

"Bakit mo ginawa ‘yun?" seryosong tanong ni Sir.

Nangunot naman ang noo ko. Ano bang meron do'n sa babaeng 'yun at ganyan sila makaasta? Nakakainis kaya 'yung pag mumukha no'n.

"Eh, Sir tatanga tanga siya, eh." natatawang sagot ko naman kay sir.

"Anak ng butiki naman! Fernandez, di mo dapat ginawa ‘yun! Hindi mo kilala si Gomez. Hindi siya tulad ng inaakala mo, itigil mo ang ginagawa mo na 'yan, dahil baka 'yan pa ang ikapahamak mo." galit na sabi ni Sir.

"Tsk! Sir nagawa ko na eh, wala na kayong magagawa, kung hindi naman siya nakialam edi sana ayos kami." sabi ko.

Sino ba kasi 'yung babaeng 'yun? Tch akala mo siya ang boss dito para sabihin nila sir 'to. Isa lang naman siyang nerd.

"Masyado ka kasing mapang buyo, alam mo Fernandez, hindi ka naman niya pinakialamanan eh. Ayaw niya lang may nang bubully dito at kaibigan niya pa ang binuyo nyo, hay na'ko ka Fernandez. Ikaw pa naman ang Captain ng basketball team tapos ay ganyan ka, akala ko ba ay mag babago kana?" naiinis na tanong ni Sir.

Siya kasi ang coach namin sa basketball at mapeh teacher namin, kaya alam niya at kilalang kilala niya ako dahil tulad ng sabi niya ako ang captain ng basketball team ng SU.

"Wala na po kayong magagawa dahil nangyari na." bagot na sabi ko.

Parang nanay naman to si Sir, sermon ng sermon, daig pa si Mom.

"Okay, sige. Bibigyan kita ng chance. Pag hindi mo tinigilan si Gomez, bahala ka na. Mag tigil kana." sabi ni Sir. "Makaka-alis ka na."

Lumabas na ako at pumunta sa room. Nandoon na iyong apat niyang kaibigan pero siya wala. Pumunta ako sa upuan ko at umupo tumingin ako kay Yuri.

"Uyy pre, si Kurt saka si Kyle?" tanong ko.

Asan ba 'yung dalawang 'yun?

"Ah, pumunta si Kurt doon sa clinic. Si Kyle nandoon din, 'di siya pumasok noong gen math." sabi ni Red. "Ikaw asan ka kanina?"

Tch! Ano namang ginagawa no'ng dalawang 'yun do'n? Talagang sinamahan pa nila si nerd do'n huh. Yari nga sa'kin ang mga 'yun mamaya.

"Kinausap ni Sir. Kilala niyo ba ang pagkatao no'ng babaeng 'yun?" tanong ko habang kunot ang noo.

"Eyyy Hindi mo naman sinabi na Interesado ka kay Belle?" nang aasar na sabi ni Red.

"Baka gusto mong sapakin kita ngayon dyan? Tumigil ka nga pre naiinis ako sa tanong mo." sagot ko tsaka ibinalik ang paningin sa harap.

Bwesit! Nagtatanong ako ng maayos tas gaganyan siya, parang tangi.

"Aba malay ko sayo dyan, mag kakasama tayo pre tas sa'kin mo itatanong kung kilala ko ba si Belle, nahahatdog kana ba?" natatawang tanong niya.

"Sagutin mo nalang, dami pang sinasabi." inis namang sabi ko.

"Na'ko pre ahhhh, kung ako sayo mag review ka may quiz tayo bukas sa math, sabihan ko na rin 'yung dalawa para alam nila." sabi niya.

Tumango lang ako habang nagdi-discuss si Miss sa science lutang ang isip ko. Hays! Bahala na siya diyan wala akong paki sa babaeng ‘yun. Masyadong pamesteryosa hindi naman maganda!

weeeeee,  kaya pala nagandahan! Wow!  Pinagsasabi mo dyan? Yak!

Belle POV

KINABUKASAN~

"Panget, bangon na!" pag gising na sabi ni Kuya.

Tsk! Parang pagod pa rin ako! Buti nalang hindi na masakit 'yung mukha ko. Tinignan ko naman ang mukha ko sa salamin at asual maganda pa rin hehhehe, kahit nakapikit ay kita ko pa rin ang maganda 'kong mukha.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now