CHAPTER 22

302 29 0
                                    

Belle POV

Nagising ako sa ingay nang paligid. Tsk ang aga aga ang iingay nila, buti nga at wala akong ibang kasamang patient dito. Oo nga pala exclusive room pala 'tong kinuha ni Dylan, tsaka bakit nga ba nasa ospital ako?

Sinasabi ko palagi kina Charles ay kahit sa Hide out nalang nila ako dalhin, dahil ayaw ko sa ospital. Napailing nalang ako sa aking naisip.
Nakita 'kong nakatingin lang sa’kin si Dylan habang ‘yung apat nagha-harutan pero teka nasaan si Kyle?

Tsk ano bang tinitingin tingin niya? Naiilang tuloy ako, naramdaman ko namang may kamay na nakahawak sa kamay ko. Tinignan ko naman iyon na magkahawak pa rin kami ng kamay.

Eh?! Magkahawak pa rin kami ng kamay?! Simula kagabi hanggang ngayon?!

Agad akong bumitaw sa pagkakahawak sa kamay niya kaya nagulat siya.

"Oh good morning! Buti naman gising kana, grabe ayaw mo ako bitawan kaya hinayaan ko nalang. Nagrereklamo pa 'tong tatlo dahil magka holding hands tayo heehehhe" kinikilig niyang sabi.

Blanko lang ang mukha mo dahil ayoko ipahalata na kinilig ako, ewan ko nga at ang lakas ng kamandag ng kagwapuhan nitong lalaking ito at pati ako ay hindi ko mapigilan.

"Tsk, baka ikaw ang ayaw bumitaw. Tsk pupunta lang ako ng cr para mag toothbrush tsaka mag hilamos." sabi ko at dahan dahang tumayo.

Agad naman akong tinulungan ni Dylan, tinignan ko iyong apat at parang wala silang nakita, naglalaro lang sila at parang mga baliw. Tsk may nangyari ba at ganyan sila?

Kukunin ko na sana iyong dextrose stand nang kunin 'yun ni Dylan.

"Aalalayan kita." nakangiting sabi niya.

"Pati sa Cr? Papasok ka?" nagtatakang tanong ko naman dahilan para mapatawa siya at mapatingin samin ang apat.

"Tsk, tinitingin tingin niyo?"tanong ko sa kanila.

"Gusto mo Belle ako nalang mag alalay sayo?" tanong ni Kurt.

"Anong ikaw? Ako dapat, tabi nga dyan Dylan." sabi ni Yuri sabay hawak sa stand.

"Tumingin ka dyan Yuri, baka may nakakalimutan ka?" sabi ni Dylan at tinanggal ang kamay ni Yuri na nakahawak sa stand. "Tumigil ka Red, alam 'kong magsasalita ka rin, tara na Belle." sabi niya sabay hawak sa bewang ko.

"Wag mo nga akong hawakan tsk!" sabi ko sabay singhal kaya natawa naman siya.

"Aalalayan lang kita, masyadong maarte. Ok lang dahil ikaw si Belle." nakangiting sabi niya.

"Tsk, kaya 'kong maglakad." sabi ko sabay kuha ng stand sa kaniya, natawa lang naman siya.

Pagpasok sa cr ay agad 'kong kinuha ang naka balot pa na toothbrush sa kabinet. Binuksan ko iyon at hinugasan muna bago gamitin, habang nag toothbrush ay nakita ko sa repleksyon ng salamin ang nakatingin na si Dylan. Nakangiti siya na parang inienjoy ang nakikita.

"Pati ba naman pag toothbrush ko ay kailangan mong panoorin? Daig mo pa ang multong may pagnanasa." pilosopong sabi ko pagtapos mag toothbrush.

"atleast sayo lang, grabe ka Belle. Pati pag sisipilyo ay ang ganda mo." sabi niya sabay lapit sa akin.

May pagka manyak ba itong lalaking 'to? Hindi ko siya pinansin at naghilamos na, pagtapos ay nagpunas ako gamit ang bigay niyang towel.

"Hay grabe ang ganda ng magiging girlfriend ko." birong sabi niya habang nakangisi sa akin.

"Magtigil ka at baka mamaya makatulog ka." banta ko tapos ay lumabas na ng cr.

Umupo ako sa kama at inayos ang buhok ko, nakita 'kong lumabas na rin ng cr si Dylan at deresto upo sa upuan doon sa pwesto niya kagabi.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now