Madaming nangyari sa’min hindi ko alam kung tumigil na ba sila o may plano na naman sila. Nandito kami ngayon sa room nagli-lecture, katabi ko si Ping habang nagsusulat kami
magkahawak ang mga kamay namin. Pagtapos maglecture umalis na si Sir Jeff. Dumating naman bigla si Miss."Okay, class may bago kayong kaklase,” wika niya saka bumaling sa labas.
“Pasok ka, hija. Magpakilala ka.""Hi! I'm Princess Diana Santiago." sabi noong babaeng nakatingin kay Ping.
Tumingin ako kay Ping at aba naman nakatingin din, kumikislap pa ang mata."Matunaw ‘yan," sikmat ko saka binitawan ang kamay niya.
"Ah... hindi naman ako nakatitig, honeybabe!" sabi niya at ibinalik ang kamay naming magkahawak.
"Siguraduhin mo lang dahil baka mapatay ko kayong dalawa." Mariing bulong ko.
Nabaling ulit kami kay Miss.
"Okay, Princess find your sit."
Habang naglalakad siya kay Ping lang siya nakatingin. Aba naman talaga! Sapakin ko kaya ‘tong babaeng ‘to! Umupo siya doon sa likuran ni Red. Nagdiscuss na si Miss at pagtapos ay niyaya ko silang kumain na, tahimik lang ako habang kumain.
"Belle, ba’t ang tahimik mo dahil ba doon?" tanong ni Pein tumingin naman sila sa’kin.
"Ahm, masakit lang ang puson ko."
"Bakit di mo sinabi!? Ano, sobrang sakit ba?" nag-aalalang tanong ni Ping.
"Medyo lang naman, honeybabe, kaya ko naman."
"Ito, kain ka lang. Aalagaan kita."
"Salamat, honeybabe." sabi ko at tumingin doon sa babae.
"Aray! Talaga, nilalanggam na ako. Sana all may jowa." Parinig ni Pein.
"Haha. Kyle, jowain mo na kasi para manahimik." sabi ko.
"Luh! Parang ano ka, Belle, kumain ka na lang diyan." sabi ni Pein.
Pagtapos kumain pumunta na kami sa room, nakita kong nakatingin na naman ‘yung Princess kay Ping. Hinayaan ko na lang may tiwala naman ako kay Ping kaya okay lang ‘yan. Umupo na kami ni Ping saka ako tumingin sa kanya.
"Honeybabe, wala naman tayong gagawing activities baka gusto mong gumala tayo. Doon ulit sa resort tutal friday naman ngayon," turan ko.
"Sige ba, honeybabe, sama natin sila Kurt." Pagpayag ni Ping.
"Yes! Excited na’ko, honeybabe. Mukhang magiging masaya ‘yun."
"Nga pala, honeybabe, may balita pa ba kay Selena saka kay Merriel?" tanong ni Ping.
"Sabi sa’kin ni Charles may nagpiyansa daw kay Selena. Si Merriel naman tumakas daw noong
nasa ospital. Nagulat na nga lang daw ‘yung nurse dahil bigla daw nawala si Merriel tapos hindi pa pala bayad ‘yung hospital bill." Mahabang sabi ko."Honeybabe, pag bumalik ‘yun ako na ang makakalaban noon pag sinaktan ka niya, lalo na si Selena." Aniya.
"Tandaan mo din na mas malakas ako sa’yo pero hindi ako mananalo sa’yo dahil ikaw ang kahinaan ko." bulong na sabi ko.
"Shit ka, honeybabe, kinikilig ako ‘wag mo’kong pakiligin dito, honeybabe." bulong niya,
namumula ang tainga."Haha. Nababakla ka din," asar ko.
"Haha. Gusto mo maging bakla ako?"
"Oo, basta sa’kin ka pa rin.""Oh, possessive." Aniya.
"Mas may ima-manyak pa ba ako, eh ikaw lang naman manyak sa’tin puro ka halik."
"Okay lang, atleast ikaw ‘yung mamanyakin."
"Uy, anong manyak-manyak ‘yang pinaguusapan niyo?" singit ni Red.
"Haha, wala. Doon ka na nga, bebe time. Wala ka namang bebe kaya doon ka na." ani Ping.“Bebe time, bebe time landi niyo." sabi ni Red.
"Haha. Tumigil na nga kayo, nandyan na si Miss Gonzales." sabi ko.
"I love you honeybabe to the stars and moon." bulong niya.
"I love you too honeybabe to the stars and moon." sabi ko.
Nagdiscuss na si Miss. Pagtapos nang klase nagusap muna kami sa room.
"Pein, doon ulit tayo sa resort niyo namiss ko ‘yun wala naman tayong projects, eh." sabi ko."Sige, guys, bukas." sabi ni Red.
"Ako din, game ako." wika ni Yuri.
"Ako din, gusto ko ulit pumunta doon. " si Kyle.
"Mas lalong ako." si Kurt.
"Okay. So, kompleto na tayo? See you bukas. Tara na, honeybabe, ipapaalam kita kina Tita" sabi ni Ping.
"Sige Pein, ingat. Tara na, honeybabe." sabi ko.
Habang naglalakad ay nakasalubong namin ‘yung babae, nakatingin siya kay Ping. Tingin na parang nang aakit na tingin.Bigla ko namang inalis ‘yung kamay ko kay Ping kaya napatingin siya sa’kin at binalik ‘yung pagkakahawak sa kamay namin. Napatingin ako doon sa babae at tinaasan siya ng kilay at inirapan siya. Pagdating namin sa parking lot binuksan niya ‘yung pinto ng kotse at pinapasok ako, si Knight ay pinauwi
ko muna miss na daw niya ang uncle ko na papa niya."Honeybabe, excited na ako. Maliligo tayo tapos pwede na ako uminom ng alak."
"Ako din naman, I'm happy to be with the strongest and beautiful girl pero hindi ka pwedeng uminom."
"Ay, ayon! Nilanggam na’ko sa sobrang sweet mo. Kahit kaunti lang, eh."
"Haha, oo na. Nandito na tayo. Tara, ipapaalam na kita." sabi niya.
Bumaba sya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Salamat. Ang gentleman ng gwapo kong boyfriend."
“Ako pa ba!? Gwapo naman talaga ako, honeybabe." Aniya saka naglakad papasok sa bahay
namin."Good evening Tito, Tita, Mark." Bati ni Ping.
Bumati din ako sa kanila. "Good evening Dad, Mom, Kuya."
"Good evening Ping, Sweetie." sabi ni Dad.
"Oh, Ping dito ka na magdinner, nagluto si Manang ng masarap na dinner." Yaya ni Mom.
"Sige po, Tita. Nga po pala, pwede po ba kaming gumala kasama naman po namin sila Ashley Pein." sabi ni Ping
"Oo naman, basta mag-iingat lang kayo." sabi ni Dad.
"Saan pala kayo gagala? Sama niyo na lang si Mark." ani Mom.
"Ayoko, Mom. Gagala din kami ng girlfriend ko." protesta ni Kuya Mark.
"May girlfriend ka na? Hindi halata, ah.""Tumahimik ka diyan, panget, mas maganda pa girlfriend ko sa’yo." Angil ni Kuya.
"Thank you Tito, Tita. Tama na ‘yang away na ‘yan." Saway ni Ping.
"Oh, sige kain na tayo. Magbihis muna kayo dito ka naman matutulog." sabi ni Mom kay Ping.
"Sige po, Tita." sabi ni Ping.
Tumingin muna sa’kin si Ping at kumindat. Umakyat na kami sa taas. Pumasok ako sa kwarto at nagbihis ng mabilis sabay pa kaming lumabas ni Ping kaya sabay din kaming bumaba.
To be continued......
YOU ARE READING
I'm With The Five Badboys[Under Revision]
Teen FictionWhen you met a Five Badboys in the University and you see that they bullying a girl so you decided to protect her. She Maribelle Luis Gomez the Transferre in GU or Gomez University. She met so many students there and the other she became friends. Su...