CHAPTER 40

199 23 0
                                    

"Sige po, uuwi na po ako. Dylan, ‘wag ka ng maglasing buti na lang at ako ang may-ari ng bar na ‘yun. Sige na po, good evening po pala." rinig kong sabi ni Sheilla.

Pagkaalis ni Sheilla ay tinulungan ako ni Mom humiga sa kama ko.

"Wag ka ng maglalasing kung may problema ka magsabi ka hindi ‘yung sinasarili mo. Matulog ka na at bukas tayo mag-uusap." Ani Mom.

"I'm sorry, Mom."

"It's okay, sige na matulog ka na. Ako ng kakausap sa Daddy mo. Good night."

Pag alis ni Mom ay umiyak lang ako dahil ayokong malayo ulit kay Belle. Hindi,pupunta ako doon! Ayokong wala ka Belle, please, sorry!

Belle POV

Nandito lang ako sa kwarto nagku-kulong, nag iisip, kung itutuloy ko bang umuwi papuntang Japan. Habang nag-iisip bigla na lang may kumatok.

"Sweetie, kain na. Ito favorite mo ‘to, oh." alok ni Mom sa’kin.

"Mom, ayoko kumain."

"Maribelle Luis, kumain ka na please, hindi ka pa kumakain simula kagabi alam kong may problema kayo ni Ping pero sana naman kumain ka kahit kaunti."

Tinignan ko lang siya. "Mom, uuwi po ako sa Japan." sabi ko na ikinagulat niya.

“Bakit ka uuwi sa bahay ng lolo mo, anak?" tanong ni Mom pero hindi ako sumagot, "Dahil ba sa kanya? Hindi mo naman kailangang umuwi."

"Mom, gusto ko lang mag-isip saka hindi ko pa siya kayang harapin. Naaalala ko pa rin ‘yung
kahayupang ginawa niya."

"Pero anak, hindi solusyon ang pag-alis." Aniya.

"No mom, buo na ang desisyon ko siguro magba-bakasyon muna ako ng isang buwan o kahit ilang taon basta makalimutan ko lang ‘tong sakit dito." sabi ko.

"Bahala ka, anak, basta bumalik ka. Mami-miss kita gusto man kitang pigilan pero hindi naman
kita mapipilit na hindi umalis."

"Mom, ‘wag mo sasabihin ‘to kay Ping, ayokong pigilan niya ako baka hindi ko pa matuloy ‘to. Buong-buo na ang desisyon ko."

"Sige, siya kain na pagtapos kumain maligo at matulog. Sige, good night. Ibo-book na kita bukas ka na umalis."

"Thanks, Mom. I love you." sabi ko.

"I love you too, mamimiss ka ni Mommy" aniya bago isara ang pinto.

"Mamimiss ko din kayo." Wika sa kawalan. Kinain ko muna ‘yung pagkain ko pagtapos kumain
nag empake ako at naligo saka natulog.

Dylan POV

Kinabukasan maaga akong pmunta kila Belle. Gusto ko siyang kausapin, gusto kong magkaayos na kami kaya pinuntahan ko siya. Nagdoorbell ako at pinagbuksan naman ako ni Tita.

"Hijo, ang aga mo naman ata? Kumain ka na ba?"

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.

"Ahm, okay lang po Tita. Si... Belle po? Gusto ko na po kasi siyang makita?"

"Ah... ano, kasi... Ping, umalis na siya kaninang madaling araw pa. Ayaw niyang sabihin sa’yo kasi baka daw hindi daw sya makaalis pag pinigilan mo siya." sabi ni Tita.

"Saan po siya pumunta, Tita?" mangiyak-ngiyak na tanong ko.

"Sa Japan, hijo. Umuwi ka na. Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Tita.

"Tita, baka nag bibiro lang kayo, papasok na po ako.”

"Wala nga siya dito, Ping, maniwala ka. Intindihin mo siya, kailangan niya lang mag-isip hindi ka niya iiwan babalik siya kapag nawala na ‘yung sakit na naramdaman niya." mahabang sabi ni Tita.

"Pero bakit? Bakit kailangan niya pang umalis!" sigaw ko.

"Shh... tahan na, Ping. Umuwi ka na please, kailangan mong magpahinga alam kong puyat ka, alam kong nahihirapan ka pero mahirap din para kay Belle ang lahat kaya umuwi ka na muna." sabi ni Tita.

"Bakit, Belle? Bakit mo na naman ako iniwan?!" sigaw ko at pinagsusuntok yung damo.

"Hijo, sige na please... nahihirapan din kami! Intindihin mo na lang si Belle, please, sige na."

"Sige po, Tita." sabi ko at umalis na lang.

“Belle, bakit? Belle?" umiiyak na tanong ko.

Ramdam kong ang lakas na ng tama ko kaya umalis na’ko at pinaandar ang kotse ko, pumunta ako ulit sa bar at nagpakalasing. Pagabi na ng magpunta ako sa bahay nila Kyle.

"Kyle, lumabas ka diyan! Hay*p ka!" sigaw ko.

Pinigilan ako nang maid nila. "Sir, kagabi pa po kayo nagsisigaw dito, bukas na lang po."

"Wala akong paki! Ipakita niyo sa’kin si Kyle!"

"Oh, anong ginagawa mo dito? Sasapakin mo na naman ako katulad ng ginawa mo kagabi?" tanong ni Kyle.

Sinugod ko siya at pinagsusuntok. "Hay*p ka! Nilagyan mo ng gamot ‘yung ininom kong alak. Dahil sa’yo iniwan ako ni Belle."

"Tama na! Ikaw naman may kasalanan! Akin dapat si Belle pero kinuha mo siya sa’kin!" ganting
sigaw niya.

"Walanghiya kang gag* ka!"

"Enough! Dylan, just go home you’re drunk!" ma-awtoridad na sabi nang tatay ni Kyle.

"Pasalamat ka,” masama ang tingin ko sa kaniya, “babalikan kita."

Umalis ako at pinaandar ang
kotse. Umuwi ako at doon ko tinuloy yung pag-inom.

"Sweetie, tama na ‘yan. Babalik naman si Kulit saka tingnan mo nga ‘yang mga sugat mo?"sabi ni Mom.

"Mom, ang sakit... inulit na naman niya akong iwanan. Mom, hindi niya ba ako mahal? Ginawa ko naman lahat, eh, bakit wala pa rin?" umiiyak na tanong ko kay Mom.

"Shh... may dahilan si Belle kaya siya umalis. Maghintay ka, babalik ‘yun sa’yo. Gusto lang noon magpalamig."

"Magpalamig ba ‘yung iwan ako sa ere, Mom?"

"Hindi ka nga niya iniwan napalamig lang siya dahil sobra siyang nasaktan, intindihin mo naman
sya, Tobi anak."

"No, Mom! Hindi ko siya maiintindihan... dahil lang doon aalis na naman siya? Ano ba ako sa
kanya?!" galit na umakyat papasok sa kwarto. Naghubad ako at naligo, unti-unti akong nababasa
ng tubig kasabay noon ay ang pagtulo ng mga luha ko. "Belle, miss na kita. Bakit mo’ko iniwan?" nanghihinang sabi ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit mo’ko iniwan, Belle? Hindi
ko maintindihan? Wala ka bang tiwala sa’kin? Siguro nga ay wala."

Pagtapos ko maligo kinuha ko ‘yung cp ko at idinial ang number niya.

"Sorry, the number you have dial is now unattended. Please, leave a message after a beep."

"Honeybabe, bakit mo’ko iniwan? Bakit hindi mo sinabi na aalis ka? E di sana sumama ako, bakit Honeybabe? Hindi mo na ba ako... mahal? Honeybabe, kahit tawag lang sagutin mo na miss na miss na kita. Gusto na kitang yakapin, gusto ko nang marinig ‘yung boses mo... please, honeybabe."

Humiga na ako sa kama, umiiyak parin ako naaalala ko lahat ng masasayang ginawa namin ni
Belle. Halos araw-araw akong nag voice message. Araw-araw kong hinihiling na bumalik na
siya. Pero wala, siguro hindi na siya babalik pero hindi... maghihintay pa rin ako hanggang sa bumalik siya.

To be continued.......

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now