CHAPTER 41

185 20 0
                                    

Dylan POV

Isang taon ko na syang hindi nakausap,naaalala ko na naman nong iniwan nya ako ng walang pasabi halos gabi-gabi akong naglalasing at umiiyak dahil iniwan nya ako.

Flashback.....

Kinabukasan maaga akong pmunta kila Belle. Gusto ko siyang kausapin, gusto kong magkaayos na kami kaya pinuntahan ko siya. Nagdoorbell ako at pinagbuksan naman ako ni Tita.

"Hijo, ang aga mo naman ata? Kumain ka na ba?"

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.

"Ahm, okay lang po Tita. Si... Belle po? Gusto ko na po kasi siyang makita?"

"Ah... ano, kasi... Ping, umalis na siya kaninang madaling araw pa. Ayaw niyang sabihin sa’yo kasi baka daw hindi daw sya makaalis pag pinigilan mo siya." sabi ni Tita.

"Saan po siya pumunta, Tita?" mangiyak-ngiyak na tanong ko.

"Sa Japan, hijo. Umuwi ka na. Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Tita.

"Tita, baka nag bibiro lang kayo, papasok na po ako.”

"Wala nga siya dito, Ping, maniwala ka. Intindihin mo siya, kailangan niya lang mag-isip hindi ka niya iiwan babalik siya kapag nawala na ‘yung sakit na naramdaman niya." mahabang sabi ni Tita.

"Pero bakit? Bakit kailangan niya pang umalis!" sigaw ko.

"Shh... tahan na, Ping. Umuwi ka na please, kailangan mong magpahinga alam kong puyat ka, alam kong nahihirapan ka pero mahirap din para kay Belle ang lahat kaya umuwi ka na muna." sabi ni Tita.

"Bakit, Belle? Bakit mo na naman ako iniwan?!" sigaw ko at pinagsusuntok yung damo.

"Hijo, sige na please... nahihirapan din kami! Intindihin mo na lang si Belle, please, sige na."

"Sige po, Tita." sabi ko at umalis na lang.

“Belle, bakit? Belle?" umiiyak na tanong ko.

Ramdam kong ang lakas na ng tama ko kaya umalis na’ko at pinaandar ang kotse ko, pumunta ako ulit sa bar at nagpakalasing. Pagabi na ng magpunta ako sa bahay nila Kyle.

"Kyle, lumabas ka diyan! Hay*p ka!" sigaw ko.

Pinigilan ako nang maid nila. "Sir, kagabi pa po kayo nagsisigaw dito, bukas na lang po."

"Wala akong paki! Ipakita niyo sa’kin si Kyle!"

"Oh, anong ginagawa mo dito? Sasapakin mo na naman ako katulad ng ginawa mo kagabi?" tanong ni Kyle.

Sinugod ko siya at pinagsusuntok. "Hay*p ka! Nilagyan mo ng gamot ‘yung ininom kong alak. Dahil sa’yo iniwan ako ni Belle."

"Tama na! Ikaw naman may kasalanan! Akin dapat si Belle pero kinuha mo siya sa’kin!" ganting
sigaw niya.

"Walanghiya kang gag* ka!"

"Enough! Dylan, just go home you’re drunk!" ma-awtoridad na sabi nang tatay ni Kyle.

"Pasalamat ka,” masama ang tingin ko sa kaniya, “babalikan kita."

Umalis ako at pinaandar ang
kotse. Umuwi ako at doon ko tinuloy yung pag-inom.

"Sweetie, tama na ‘yan. Babalik naman si Kulit saka tingnan mo nga ‘yang mga sugat mo?"sabi ni Mom.

"Mom, ang sakit... inulit na naman niya akong iwanan. Mom, hindi niya ba ako mahal? Ginawa ko naman lahat, eh, bakit wala pa rin?" umiiyak na tanong ko kay Mom.

"Shh... may dahilan si Belle kaya siya umalis. Maghintay ka, babalik ‘yun sa’yo. Gusto lang noon magpalamig."

"Magpalamig ba ‘yung iwan ako sa ere, Mom?"

"Hindi ka nga niya iniwan napalamig lang siya dahil sobra siyang nasaktan, intindihin mo naman
sya, Tobi anak."

"No, Mom! Hindi ko siya maiintindihan... dahil lang doon aalis na naman siya? Ano ba ako sa
kanya?!" galit na umakyat papasok sa kwarto. Naghubad ako at naligo, unti-unti akong nababasa
ng tubig kasabay noon ay ang pagtulo ng mga luha ko. "Belle, miss na kita. Bakit mo’ko iniwan?" nanghihinang sabi ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit mo’ko iniwan, Belle? Hindi
ko maintindihan? Wala ka bang tiwala sa’kin? Siguro nga ay wala."

Pagtapos ko maligo kinuha ko ‘yung cp ko at idinial ang number niya.

"Sorry, the number you have dial is now unattended. Please, leave a message after a beep."

"Honeybabe, bakit mo’ko iniwan? Bakit hindi mo sinabi na aalis ka? E di sana sumama ako, bakit Honeybabe? Hindi mo na ba ako... mahal? Honeybabe, kahit tawag lang sagutin mo na miss na miss na kita. Gusto na kitang yakapin, gusto ko nang marinig ‘yung boses mo... please, honeybabe."

Humiga na ako sa kama, umiiyak parin ako naaalala ko lahat ng masasayang ginawa namin ni
Belle. Halos araw-araw akong nag voice message. Araw-araw kong hinihiling na bumalik na
siya. Pero wala, siguro hindi na siya babalik pero hindi... maghihintay pa rin ako hanggang sa bumalik siya.

End of flashback....

Pumunta ako kila Tita Maria at nawala sa isip kong tanungin kung anong address ni Belle.
Nakalimutan ko dahil ang nasa isip ko lang noon ay iniwan ako ni Belle, pupuntahan ko siya, isang taon ko na siya hindi nakikita. Dali-dali akong nagmaneho papunta kila Belle, nagdoorbell ako agad.

"Oh, Hijo kamusta na? Napadalaw ka?" tanong ni Manang.

"Ah, Manang nandyan po ba si Tita?" tanong ko.

"Oo tara pasok."

Pumasok na’ko at naabutan ko si Tita sa kusina.

"Tita," sabi ko at yumakap.

"Oh, napadalaw ka? okay ka na ba?"

"Ahm... Tita, alam niyo po ba ‘yung address ni Belle? Pupuntahan ko po siya."

"Ping, babalik siya, Ping. Pwede bang maghintay ka na lang?" pakiusap ni Tita.

"Hindi na’ko makakapagantay pa, isang taon na hindi pa rin siya bumalik."

"Hay! Bahala ka, isusulat ko." Sinulat na ni Tita at binigay niya sa’kin yung papel.

"Sigurado ka bang handa ka nang makausap siya?"

Tumango ako, "Opo tita, salamat po."

"Sige hijo mag iingat ka." sabi ni tita.

Umalis na’ko at umuwi sa bahay at nagimpake.

"Oh, sweetie okay ka na ba? Saan ka pupunta?" tanong ni Mom.

"Mom, pupuntahan ko si Belle sa Japan. Gusto ko na siyang makita."

"Pero anak, okay ka na ba?" tanong ni Mommy.

"Opo, Mom. Okay ako, gusto ko lang siyang makita."

"Sige i bo-book na kita."sabi ni Mom

"Thanks, Mom. You’re the best." sabi ko.

"Oh, siya sige na. Flight mo ay 10:50 am." Aniya.

"Okay, Mom. Thank you again." pasalamat ko.

"Nga pala pasalubong, huh."

"Okay, Mom." natatawang sabi ko. Inayos ko na lahat ng gamit ko, gusto na kitang makasama, Belle.

To be continued......

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now