CHAPTER 36

235 23 3
                                    

Natawa ako, "Haha, oo. Sige na, balik ka na sa kwarto mo at matulog."

"Eh, dito na lang ako." nakangusong sabi niya.

"Hay! Nanliligaw ka palang, papagalitan tayo ni Dad." saway ko.

"Okay, fine. Basta labas tayo bukas, huh?"

"Sige, sige. Pag magaling na’ko."

"Magaling ka na dahil nandito ako. Matulog ka na bukas gagawa tayo baby." biro niya.

"Puro ka biro. Sige na, goodnight."

"Goodnight... sana ako ang panaginip mo."

"Pwede naman," sabi ko.

Hinalikan niya ako sa noo saka sya lumabas sa kwarto. Hindi pa rin
ako makapaniwala dahil ‘yung hinahanap ko nakilala ko na pala.

Merriel POV

"Nasaan ako?" tanong ko.

"Ma'am, nandito po kayo sa ospital. Okay na po ba ang pakiramdaman niyo?" tanong nang nurse.

Inisip ko lahat ng nangyari. Hay! hindi ka pa namatay, Belle!

"Kailangan kong umalis dito."

"Nurse, kuha mo naman ako ng pagkain. Gutom na’ko, eh." sabi ko.

"Ahm... sige po Ma'am babalik po ako. Tatawagin ko na rin po si Doc para matingnan kayo."

"Sige, Nurse. Pakibilisan lang." sabi ko.

Lumabas na siya, tinanggal ko yung dextrose saka nagmamadaling binuksan ang pinto. Wala masyadong tao kaya lumabas ako habang tumingin sa paligid kung may sumusunod sa’kin pero wala kaya tumakbo ako sa hagdan. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makauwi ako.

"Dad, si Selena?" tanong ko.

"Nasa kulungan."sabi ni Dad.

"Hays! Dad, anong gagawin natin kay Belle? Bulok yung plano ni Selena."

"Maghintay ka! Ang tatanga niyo kasi isang babae lang hindi niyo kaya!" sigaw ni Dad.

"Sorry Dad may mga kasama kasi siya." sabi ko at umalis na.

Bakit ba ganyan si Dad naiinis na ako sana nandito na lang si Mom para hindi ganito ang buhay ko.Papalamigin ko muna ang sitwasyon, kailangan ko ng bago at matinding plano para sa’yo Maribelle Luis Gomez.

Belle POV

After a month niligawan ako ni Ping o Dylan. After two weeks sinagot ko na siya hindi naman kasi ang panliligaw ang pinapatagal dapat ang relasyon.

"Honeybabe, doon tayo, oh!" turo ko sa claw machine.

"Sige, honeybabe, anong gusto mo? Kukunin ko." sabi niya.

Pumunta kami doon at naghulog ng token.

"Yung baymax, honeybabe. Gusto ko yung baymax."

"Honeybabe, kukunin ko yung baymax na ‘yon para sa’yo." Aniya.

Sinubukan niyang kunin ‘yun at nakuha niya.

"Yey! Thank you, honeybabe. Ang galing-galing mo talaga." sabi ko.

"Lets go! Doon tayo sa ferris wheel."

Gabi na kasi, gusto niya atang makita ‘yung stars. Sumakay na kami doon. Nong huminto ang pag-ikot tiningnan ko ang mga stars. Ang gaganda
nila, may shooting star pa.

"Gusto mo kunin ko ang stars para sa’yo?" tanong niya kapagkuwan.

Tumango ako at ngumiti.

"Pumikit ka," aniya. Sinunod ko na lang siya. "Pwede ka ng dumilat."

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now