Dylan POV
Nalulungkot din ako dahil dalawang taon ko pinaniwala na asawa ko si merriel at anak ko si harvey.
Akala ko totoo na ang lahat pero mali ako,nalulungkot ako dahil hindi ko nakilala si belle nong nakita nya ako sa mt amaya.
Hindi ako naniwala sa mga sinasabi nya,nalulungkot ako dahil wala ako non ng mga panahon na nalulungkot sya at hinahanap ako.
Sinisisi ko ang sarili ko dahil umalis ako agad don sa japan dahil akala ko hindi na ako mahal ni belle at si kyle na ang mahal nya.
Gustong gusto kona syang makita,gusto kona syang mahawakan,mayakap,mahalikan at makasama.
Pag alis nila kurt ay nakahiga nalang ako dito.
"Ping si ate muna magbabantay sayo uuwi muna kami,bukas na kami babalik dito."sabi ni mom
"Ok mom ingat sa daan."sabi ko
"Wag magpapasaway kay ate ok,magpahinga ka."
"Mom hindi nako bata,sige na mom alam kung may work pa kayo bukas."sabi ko
"Ok ok magpagaling ka para kay belle,bukas pwede mona syang dalawin,hinahanap kana ni mareng maria."sabi ni mom
"Ok mom gagawin ko yan,bye mom ilove you."sabi ko
"Oh sige na,thena ikaw ng bahala sa kapatid mo."sabi ni dad
"Yes dad,alam ko napo ang gagawin."sabi ni ate
"Sya sige aalis na kami,oh dylan,aalis na kami."sabi ni mom
"Ingat kayo mom dad."sabi ko
Lumabas na sila,hinatid ni ate sila mom hanggang parking lot,kaya naiwan ako mag isa,napagdesisyonan ko na puntahan si belle.
Kinuha ko yung dextrose ko at lumabas sa kwarto,nag elevator ako at daretsong pumasok sa kwarto.
Nagulat sakin si mark,lumapit sya at tinapik ako.
"Take care of my sister,thank you for the visit."sabi nya at lumabas na
Lumapit ako at umupo sa tabi nya,hinawakan ko yung kamay nya.
"I'm so sorry belle,gising na dyan gusto mong gumala tayo diba,gising na,wag mokong iiwan yari ka sakin,sorry dahil hindi kita nakilala nong sumisigaw ka,sorry kasi hindi kita naprotektahan sorry kasi pinaniwala ko yung sarili ko na totoo yung samin ni merriel pero hindi pala,naalala kona lahat belle,kaya gumising kana dyan."sabi ko
Hindi kona mapigilan yung luhang papatak sa mukha ko.
"Alam mo ba belle,nong nasa japan ka lagi akong nag message sayo,kaya belle honeybabe ko gising na,ipaparinig ko sayo yung mga menessage ko sayo."sabi ko
Hinigpitan ko pa yung pagkakahawak sa kamay nya,ngayon ko lang naranasan na mas masakit pang makita yung mahal mo na parang lantang gulay na nakahiga sa kama ng ospital.
"Belle nong pumunta ako don nakita ko kayo ni kyle,nililigawan na nya si pein belle,kaya wag matigas ulo mo gising na makinig ka naman sakin,makinig ka sa mapapangasawa mo,gising na dyan,pag gumising ka magpapakasal na tayo agad tapos bubuo na tayo ng pamilya natin."sabi ko
Gusto na kitang makasama belle gustong gusto.
Gusto ko ng gumising ka belle,gusto kong sabay natin gagawin lahat ng gusto mong gawin hanggang sa tumanda tayo.
Gusto kong ipagpatuloy natin ang pag aaral natin at sabay tayong magtatapos sa pag aaral.
Gusto kung maranasan ulit yung pag aalagang binigay mo sakin non,namimiss kona ang mga halik mo belle.
Gustong gusto na ulit kitang makasama katulad noon.
Diba nag promise pa tayo na magpapakasal tayo at bibigyan moko ng maraming anak.
Gumising kana dyan,gustong gusto kona marinig ulit ang maganda mong boses,ang mga makikinang mong mata na parang bituin na kumikislap sa madilim na langit,yung mga ngiti mong napakaganda at yung tawa mong kasing ganda ng ibong kumakanta.
Sana ay gumising kana para makasama na kita at magsasaya tayo hanggang sa tumanda tayo.
After one year,January 4 2024
Isang taon ng comatose si belle,sabi ni doc mga aparatus nalang daw yung bumubuhay sa kanya,sinabi sakin ni tita na hindi na sya magigising at ipapatanggal na daw yung bumubuhay sa kanya.
Hinihiling kong sana magising na si belle,isang taon na pero hindi parin sya nagigising.
Lagi akong nagdadasal para magising na si belle.
Ipinagpatuloy ko ang college at nakakuha ako ng scholarship sa GU kaya ipinagpatuloy ko yung pagiging engineer ko.
Nakita kong naguusap sila tita at doc kaya lumapit ako.
"Mrs ipapatanggal nyo na po ba yung aparatus?"tanong ni doc
"Bakit doc?"tanong pabalik ni tita
"Hindi na po kasi kaya ng katawan ng patiente,malala na po yung kondisyon ng anak nyo,baka po hindi na sya aabot ng isang buwan."sabi ni doc
"Wala na po ba kayong magagawa doc?May pambayad naman po kami eh,may magagawa pa po ba kayo?"umiiyak na tanong ni tita
"Ginawa na po namin ang lahat,himala nalang pong gigising sya."sabi ni doc
"Sige po doc,kung yun talaga ang mangyayari sa anak ko."sabi ni tita
Yumakap sya kay tito jewel habang umiiyak.
"Doc wag,tita mabubuhay si belle,plss tita wag plss,wag nyo pong ipapatanggal plss doc wag po."sabi ko
"Pero ping hindi na magigising si belle masakit man sa loob mo pero mas masakit sakin ina nya ako."umiiyak na sabi ni tita
"Tita plss kahit dalawang buwan lang kung hindi parin sya magigising plss tita,kung hindi parin po sya nagigising ako na po ang kusang mas sasabi kay doc,basta sa ngayon po tita gusto ko pong magtiwala kayo sakin."sabi ko at lumuhod
"Pero ping,hindi natin pwedeng pilitin ang lahat."sabi ni tita
"Plsss tita kahit ngayon lang po pagbigyan nyo yung kahilingan ko."sabi ko
"Sige tumayo kana dyan,hindi kona ipapatanggal doc."sabi ni tita
"Kung iyan po ang gusto nyo,maiwan kona po kayo."sabi ni doc
Tumayo ako at niyakap sya.
"Thank you tita,thank you,thank you kasi hindi nyo pinatanggal yung bumubuhay kay belle,thank you tita."umiiyak na sabi ko
Kahit nakikita na kami ng mga tao,ok lang sakin basta maging ligtas lang si belle ng biglang.....
"Mom si belle!"sigaw ni mark
To be continued......
YOU ARE READING
I'm With The Five Badboys[Under Revision]
Teen FictionWhen you met a Five Badboys in the University and you see that they bullying a girl so you decided to protect her. She Maribelle Luis Gomez the Transferre in GU or Gomez University. She met so many students there and the other she became friends. Su...