Belle POV
"Lady Belle, gising na, umaga na oh." sabi ni Knight, Butler ko at driver ko.
Nagising ako sa boses ni Knight, ke aga aga naman!
"5 minutes Knight."ungol na sabi ko.
"Male-late ka, Lady Belle. First day mo ngayon."pilit nyang gising sa'kin.
"Tss! Oo na, tatayo na. ‘Ge, labas do’n liligo na ‘ko."ungot na sabi ko at bumangon na.
Hays! Oo nga pala ‘no. Hi! I'm Maribelle Luis Gomez. Mayaman ako pero gusto kong simple lang. Ayoko ng dress, ayoko ng short na maiikli at ayoko ng make up. Gusto lahat simple pero may dating. Pumunta na ‘ko sa cr at naligo na, pagtapos kong naligo nagpatuyo ako at nagbihis ng pang school. Pagtapos ko do’n kinuha ko yung salamin ko, nag liptint at nagpabango ako pagtapos lumabas. Pumunta ako sa hapag nandon na sina Mom and Dad at ‘yung gwapo kong Kuya.
"Oh, panget kain na." asar ni Kuya Mark.
"Huh! Talaga, kuripot."asar ding sabi ko.
Pinandilatan n’ya ako ng mata at syempre di ako papatalo inirapan ko sya. Nakakinis talaga yan si Kuya Mark, laging ganyan nyan, mukha naman syang puwet.
"'Wag mo nga 'kong inisin ngayon kuya at baka masapak kita ng 'di oras." mayabang na bantang sabi ko.
"Gawa! ano? Gawa! Ano, ano!" naghahamong tanong niya.
Matalim ko naman siyang tinignan kaya napataas siya ng kilay. Natapos lang ang tensyon namin ng magsalita si Dad.
"Oh, tama na ‘yan nasa harap kayo nang pagkain, diba!" sermon ni Dad.
"Sorry, Dad." sabay naming sabi ni Kuya at sabay kaming yumuko.
"Kumain na lang kayo, kung ano-ano kasing mga kalukuhan 'yang ginagawa niyo! Sige kain na." utos ni Mom.
Hindi nalang kami nagsalita dahil sa pagka pahiya, itinuloy namin ang pagkain. Habang kumakain ay tinanong ako ni Dad.
"Maribelle, why did you change your mind and transfer to our University?" biglang tanong ni Dad.
Napahinto ako sa pagkain ko at tinignan silang tatlo na parang inuusisa ako.
"Eh, Dad...Wala lang... Nabo-boring na ‘ko do’n." palusot ko at saka itunuon ulit sa pagkain ang paningin.
Ang totoo kasi eh nasapak ko yung bully do’n sa dati kung school kaya ganoon. Maganda ang grades ko do'n, yun nga lang basag ulo talaga ako, tsaka yung bully naman nauna eh! Pinatid ba naman ako, ayon plakda ako at ang sakit ng pagkabagsak ko! Namula pa nga ang mga tuhod ko dahil 'yun ang unang bumagsak sa madulas na sahig ng hallway.
"Good choice. Continue your studies." nakangiting sabi ni Dad.
Sheesh kung alam niya lang......
Hindi na lang ako sumagot at kumain na lang. Magalit pa si Dad pag nalaman niya yun, alam ko yung ugali ni Dad kaya ayokong sabihin dahil baka sang katerbang sermon na naman ang aabutin ko kapag nalaman niya. Minsan pa nga eh nalaman niyang sinipa ko yung ibang bully don sa dati 'kong school eh, grabe yung sigaw ni Dad sakin. Abot hanggang kabilang subdivision yung sigaw niya dahil sa galit nya sa'kin, mabait naman 'yan si Dad ayaw niya lang na sinusuway yung utos niya dahil ika niya eh para daw yun sa ikabubuti ko. Ako lang talaga 'tong suwail kaya gano'n ang inaabot ko tsaka 'di ko kasi mapigilan lalo na't sila ang unang lumalapit sa akin.
Fast forward...
Pagtapos ko kumain pumasok na ‘ko sa kotse ko, ayoko nga magkotse kaso si Dad over reacting na naman kaya ayan. Masyado daw kasing takaw aksidente ang motor, eh 'di naman ako kaskasera para mangyari yun pero wala eh pag si Dad ang nagsabi no choice.
YOU ARE READING
I'm With The Five Badboys[Under Revision]
Teen FictionWhen you met a Five Badboys in the University and you see that they bullying a girl so you decided to protect her. She Maribelle Luis Gomez the Transferre in GU or Gomez University. She met so many students there and the other she became friends. Su...