Beverly POV
Two weeks nakong nililigawan ni kurt,hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko parang patagal ng patagal nahuhulog nako sa kanya.
Ang sweet nya,lagi nya akong pinapatawa,lagi nya akong pinapasyal sa ibat ibang lugar,siguro oras na para maging akin na sya.
Hindi ko lang alam kung may iba syang babae,kilala ko si kurt na puro girls ang kasama kaya hindi ko pa talaga alam.
Kaso hindi ko mapigilan tong puso ko para hindi mahulog.
Kasama ko sya ngayon dito sa basketball court,nanonood ako sa kanya.
"Go kurt kaya nyo yan!Go!Go!Go!"sigaw ko
Nakita ko namang tumingin sya sakin at kinindatan ako.
Sino ba naman kasing hindi maiinlove sa kanya.
Bukod sa gwapo mabait sya at napakagentleman pa.
Pinagtitinginan na nga ako dahil sa kakasigaw ko eh.
Marami namang nagcheer sa kanya kaso lang hindi nya pinapansin kasi nga sakin lang sya nakatingin,edi lalong nahulog puso ng lola nyo.
Matatapos na kasi yung laro at lamang sila,nong sya na yung titira,last five seconds nalang,tumingin sya sakin at shinot yung bola at pasok.
Nanalo sila.
"Woahhh ang galing mo babe!Ang galing galing mo babe!"sigaw ko
lahat sila napahinto pati si kurt,bigla ko namang tinakpan yung bibig ko,lumapit sakin si kurt.
"Say it again?So it means you are mine?Akin kana ba?"naeexcite nyang tanong
Tumango lang ako habang sya sumisigaw dahil nga kami na,habang yung iba nag bubulungan.
"I love you baby,i love you i love you i love you."sabi nya
"Shhh ang ingay mo,andami kayang tao dito,nakakahiya."saway ko
"Coach narinig mo yun,akin na sya!Akin lang sya!"sigaw nya
"Ayieee sana all,mr Montecarlos!"asar ng mga teammates namin
"Oh congrats mr Montecarlos ms Francisco."sabi ni coach
"Tayo na ba talaga?"tanong nya
"Hahaha oo na nga tayo na."sabi ko
Niyakap naman nya ako bigla.
"Kala ko wala ng magmamahal sa totoong ako pero andito ka,thank you i promise that i will love you forever,i love you."sabi nya
"Hahaha nahihiya talaga ako pero i love you too."sabi ko
Hindi ko akalain na isang badboy ang magkakagusto sakin.
"Promise ko din na aalagaan kita at mamahalin habang buhay,hindi ako magbabago sayo."sabi ko
"Mahal ko si beverly!"sigaw nya
Nagtawanan at naghiyawan naman lahat ng nasa court.
"Sana all!"
"Mr Montecarlos lang salakam!"
"Sana all!"
"Ang sweet!"
"Ang swerte ni ate gurl!"
Mga sigawan nila.
Pagtapos ng eksena na yun pinagbihis kona sya,napahdesisyonan din naming pumunta sa ospital kasi nong linggo kami nalang yung hindi nag sasabi sa kanila.
At the hospital....
Pagdating namin sa ospital ay dumaretso agad kami sa room ni belle,pagpasok namin ay andon ang lahat,ilang araw nalang kasi ay uuwi narin si belle kaya nagsasaya kami ngayon.
"Guys may iaanounce kami!Wag kayong mabibigla at magugulat ahhh."sabi ko
"Oh ano yun?"tanong ni belle
"Anong sasabihin mo?"tanong ni red
"Wait lang pandak masyado kang excited,wait mo lang sige na beverly sabihin mona."sabi ni yuri
"Ahhh sinagot kona si kurt kaya kami na."masayang sabi ko
"Weeee?!Congrats verly!"sigaw ni pein at niyakap ako
"Congrats bhie,sure akong magiging masaya kana dahil may magpapasaya na sayo."sabi ni merriel
"Ayieee congrats bhie,ninang ako sa kasal mo ahhh."sabi ni melody
"Congrats sa pinakatahimik satin,wag ka sanang mahawaan ng sa kadugyutan ni kurt,joke lang,gusto ko lang sabihin na congrats sa inyong dalawa dahil kayo ang nagkatuluyan sa huli."sabi ni belle
"Congrats for the two of you."sabi ni dylan
"Congrats dre,beverly."sabi ni yuri
"Congrats dre beverly."sabi ni red
"Oh mag celebrate tayo!"sigaw ni kurt
"Wep,hindi pwedeng uminom si ping kaya kung mag iinuman kayo,kayo nalang dahil bawal si ping."sabi ni belle
"Ang oa mo naman belle,parang inuman lang,painumin mona yan."sabi ni red
"Maraming chicks don sa pupuntahan namin."biro ni kyle
"Ano?!Wag kana din sumama,ako lang diba?!"galit na sabi ni pein
"It's just a joke love,binibiro ko lang si belle."sabi ni kyle
"Hindi.Hindi ka sasama don."sabi ni pein
"Love naman,mag celabrate lang kami."sabi ni kyle
"Nako beverly kayo nalang mag celebrate,baka kung san nanaman to dalhin ng mga gunggong nayan si kyle."sabi ni pein
"Love naman,hindi naman ganon tong mga to."sabi ni kyle
"Tumahimik ka dyan."sabi ni pein
"Oh tama nayan,kebago bago nyo,nag aaway kayo."sabi ni belle
"Oo nga buti pa kami ni red,diba red."sabi melody
"Oo naman babe,ikaw paba."sabi ni red
"Eh belle kilan kaba makakauwi?"tanong ni merriel
"Sa linggo na,yung daddy mo kilan sya makakalabas?"tanong ni belle
"Bukas na,nga pala next month na yung kasal namin kaya pumunta kayo ahhh."sabi ni merriel
"Nako congrats talaga,nakakainggit dahil ikakasal kana."sabi ni melody
"Edi magpakasal na kayo ni red."sabi ni pein
"Bawal pa,kailangan mona naming mag ipon ng pera tapos kunin yung trabahong gusto namin,kumbaga pagsasabayin namin ang work tapos love,diba babe."sabi ni melody
"Oo naman,kaya gumawa narin kayo ng plano nyo,basta ako kontinto nako sa babe ko."sabi ni red
"Ano din kontinto nako sa honeybabe ko."sabi ni belle
"Mas ako no,kontinto nako sa mahal ko."sabi ni yuri
"Pinaka kontinto naman ako sa beverly ko,mabait at tahimik."sabi ni kurt
Kinilig tuloy ako sa sinabi nya.
"Super content naman ako dahil andito ang love ng buhay ko."sabi ni kyle
"Nako bola ka nanaman kyle."sabi ni pein
"Bati na tayo?"tanong ni kyle
"Oo na po,matitiis ba kita?"tanong ni pein
"nako nako nako,honeybabe naiingit ako sa kanila,lambingin mo rin ako."sabi ni belle
"Mamaya na,gusto ko kapag nilambing kita tayong dalawa lang."sabi ni dylan
Nag kwentuhan lang kami at nagbatian,dumating naman sila tita maria,di parin ako makapaniwala na jowa ni ate thena si kuya mark,pero ang cute nila.
To be continued......
YOU ARE READING
I'm With The Five Badboys[Under Revision]
Teen FictionWhen you met a Five Badboys in the University and you see that they bullying a girl so you decided to protect her. She Maribelle Luis Gomez the Transferre in GU or Gomez University. She met so many students there and the other she became friends. Su...