Pagtapos 'kong kumain ng siopao pumunta ulit kami sa garden kasi nandoon pa ‘yung mga kasama namin, habang nag lalakad ay wala kaming pansinan ni Kyle.
Wrong timing kasi siyang mag confess. Jusko hindi ko siya maintindihan, totoo rin 'yung sinabi ko. Nangako na ako sa lalaking gusto ko noon, masyadong naging mahirap na mahanap siya. Hanggang ngayon nga ay hinahanap ko pa rin siya. Suot ko pa rin 'yung binigay niyang bracelet sa'kin. Sa totoo lang gusto ko ng mag give up na mahanap siya, kaya nga ang priority ko ngayon ay pag aaral dahil gusto ko kapag nagkita kami may ipag mamalaki ako sa kaniya pero parang hindi na iyon mangyayari.
Pagdating doon ay umupo ako katabi ni Merriel.
"Ang tagal niyo naman ata. Mukhang nagsolo kayo, huh." sabi ni Merriel.
"Tsk! Pinagsasabi mo? Kumain lang ‘tong mukhang siopao na ‘to." natatawang sabi ni Kyle.
Maka ano eh 'no, kung hindi mo naman ibinida 'yang confession mo eh 'di sana andito na tayo kanina pa! Tsk.
"Kyle, you want sapak?" nakangiti kong tanong.
Makisabay nalang sa trip buset.
"Hehe, joke lang." sabi niya.
"Teka, nasaan si Dylan?" tanong ko at luminga linga sa paligid.
Akala ko andito na siya, tsk at ano naman kaya ang ginawa no'n? Nakita pa siya ni Trish.
FLASHBACK~
pagtapos malinis ng sugat ni Kyle ay inayos ko ang kit at binigay kay nurse Trish. Nagulat naman ako dahil bigla niya akong hinila papunta sa isang sulok.
"Heheh uusap lang kami." nakangiting sabi nito kay Kyle.
Tumango naman ito kaya tumingin ako kay Trish.
"Woi Belle ano 'yan? Magpaliwanag ka, anong nangyayari? May hindi ka sinasabi, kilala mo ko Belle, ano 'yan ba ang jowa mo?" Hindi mapakaling tanong niya.
"Eh?! 'Yan ba ang tingin mo sa'kin? Hatdog ka!" naiinis na bulong ko at napatingin kay Kyle, napangiti naman ako sakaniya at muling tumingin kay Trish.
"Sagutin mo nalang ako, andami mong ebas dyan eh, ano nga?! Jowa mo ba o hindi?!" nauubos na pasensyang tanong niya.
"Hindi. Alam mo ang issue mo talaga!" naiinis pa ring bulong ko.
"Sorry na, akala ko kasi tatanggapin mo 'yung confession niya." bulong niyang sabi.
"So nakikinig ka pala? Hindi ko siya gusto, kaibigan lang talaga." sabi ko sabay tingin sa nakangiting si Kyle.
"Ay nga pala, nasa labas si pogi ayon oh. Inaantay ka ata." sabi niya sabay turo sa nakatalikod na si Dylan.
Nangunot naman ang noo, hindi na siya kinausap pa at lumabas na.
END OF FLASHBACK~
"Uy! Hinahanap nya." asar ni Beverly.
"Luh, gusto ko lang mag-thank you. Nakita ko din kasi siya kanina malapit sa clinic kaya akala ko nandito na siya." sabi ko naman at tumingin ulit sa paligid pero wala talaga siya.
YOU ARE READING
I'm With The Five Badboys[Under Revision]
Teen FictionWhen you met a Five Badboys in the University and you see that they bullying a girl so you decided to protect her. She Maribelle Luis Gomez the Transferre in GU or Gomez University. She met so many students there and the other she became friends. Su...