CHAPTER 35

242 21 0
                                    

"Belle, sikat ka na." pang-aasar ni Pein.

Nakabusangot akong nagsalita, "Nakakainis lang. Maka-maliit, eh. ‘no?"

"Nagcomment ‘yung mga kaklase natin, ang lupet mo daw Belle sabi ni Jerome."

"Ayoko ng ganyan. Sabi ni Lolo sa’kin ‘wag gamitin ang kakayahan para sumikat o manakit ng tao. Ibina-bahagi ito, hindi ipinagdadamot." paliwanag ko.

"Kulit, okay lang ‘yan. Nandito naman ako." Pang-aalo ni Ping sa akin.

“Naku, Ping! Baliw ka talaga." sabi ko.
"Syempre, baliw ako sa’yo."

Nagulat ako ng sumingit na naman si Pein.

"Naks, naman. Sana all."

"Wag kang ma-inggit nandyan si Kyle." Nakangiting balik-asar ko.

"Ano ba, Belle! Parang ano!"

Ang saya ko ngayon kahit nasaksak ako nandito pa rin sila. Sana ‘wag na ‘tong matapos pero
alam ko naman, sabi niya, nila, sa may saglit na kasiyahan.

Umuwi na kami. Inalalayan ako ni Ping hanggang sa kwarto, si Knight binake ako ng cake para
daw mabilis akong gumaling.

"Salamat, Knight. Ang sarap talaga nitong cake na ginawa
mo—oh, Ping kain ka pa."

"You’re welcome, Lady Belle."

Bumaling ako kay Ping. "Ping, tumawag ka na ba kila Tita?"

"Oo. Tumawag na ako. Dito muna daw ako matutulog bukas na lang daw ako umuwi sabi ni Mom sa’kin saka miss ka na daw niya, minsan daw ay dumalaw ka sa bahay." Ani Ping.

"Ako din naman saka ‘yung cookies ni Tita miss ko na din. Oh, kain ka pa."

"Uh-uh, basta magpagaling ka. Babantayan kita."

"Lady belle, siya ba si Ping? Yung kinu-kwento mo?" singit ni Knight.

"Yes, Knight. Kagabi ko lang nalaman. Nagulat nga ako na iisa lang sila ni Dylan."

"Ang laki ng pinagbago mo, Ping. Dati payatot ka lang, ngayon medyo maangas na." natatawang
wika ni Knight.

"Haha. Grabe ‘to si Knight. Pogi naman si Ping, eh. Oh, Ping tikman mo ‘to, masarap." Sinubuan
ko siya.

"Ang sarap nga. Na-miss talaga kita."

"Ako din miss na miss na miss." madamdaming sabi ko.

Napasimangot lang ako dahil sa biro ni Knight. "Lady Belle, sikat ka na. Painom ka naman."

"Sige, Knight. Pag-gumaling na ako, pero hindi naman ako sikat. Hinati ko lang ‘yun, eh. Tapos ganoon?" tanong ko.

"Ay, naku! Yabang mo, Kulit. Kumain ka na lang diyan." sabi ni Ping.

"Di ako nagya-yabang! Hay, saka ayoko maging sikat. Gusto ko lang maging masaya sa piling mo."

"Kumain ka na lang, oh! ‘wag mo’kong pakiligin." sabi ni Ping tapos sinubuan ako.

"Nga pala, Ping, natanong mo na ba kung sino nanalo?" tanong ko.

"Hindi pa, Kulit. Mamaya tanungin natin si Tito."

"Si Merriel ba? Okay na ba siya?" hindi ko mapigilang itanong.

"Oo, sinabi sa’kin ni Kyle kanina kaso tumakas siya. Okay lang ba ‘yun sa’yo?" tanong ni Ping.

"Hayaan na natin siya. Si Selena nakakulong naman na."

"Sana ay hindi na nila tayo guluhin, naalala mo ba ‘yung nangyari noong una tayong magkakilala?" balik-tanaw ni Ping.

"Oo naman. Napakatapang mo kaya noon kasi niligtas mo’ko kay Yaya. Ang totoo ay natakot talaga ako may mga dugo pa ‘yung nandoon kaya nanghihina talaga ako."

"Bakante na ang bahay na ‘yun hindi ko lang alam kung bakit madaming dugo."

"Nakakatakot doon, buti na nga lang at niligtas mo’ko kundi patay na’ko noon pa."

“Sige na, kain ka na ulit." sabi niya tapos sinubuan ako ng cake.

Fast forward...

6:30 PM kumain na kami. Naging masaya ang hapag dahil kay Ping. Kinwento niya noong pangalawa naming magkita sa school pagtapos kumain umakyat na ‘ko sa kwarto ko, si Ping naman nasa guess room. Nakahiga lang ako at nagbu-browse sa fb, bawat scroll ko, video ko
‘yung nakikita ko. Ayoko maging sikat, ayokong maging mayabang dahil lang sa video na ‘to. Pinanood ko ulit ‘yung video at tinignan lahat ng nagcomment.

‘Ang galing ni ate.’

‘Ang galing ni Maribelle.’

‘Napansin niyo ‘yung hawak niyang gitara naging espada.’

‘Ang lupet ng espada ni ate gurl.’

‘Yung iba hindi ko na binasa dahil may kumatok bigla.

"Pasok," sabi ko.

"Kulit, oh, cake. Maraming cake doon sa ref, ‘yan mooncake." Si Ping.

"Salamat, Ping." sabi ko. Sumubo ako, tinignan ko siya na nakatitig sa’kin.
"Ang ganda mo talaga, kulit." sabi niya.

"Haha, di ka pa rin nagbabago. Akala ko nagbago ka na dahil nangbu-bully ka na. Tsk! Sabi sa’ kin ni Lolo ayos lang kung ikaw ‘yung inaapi kaysa ikaw ‘yung nangaapi, ang tigas ng ulo mo!" sabi ko.

"Sorry na matigas lang talaga ulo ko lalo na ‘tong nasa baba." biro niya.

"Parang ano diyan. Teka, realtalk tayo."

"Sige, tanong ka na." sabi niya.

"Sino first kiss mo?" tanong ko.

"Ahm... ikaw," sabi niya. "Eh, ikaw? Sino first kiss mo?"

"Tinatanong pa ba ‘yan, syempre ikaw. Baka hindi ako ‘yung first mo, ah? Matagal tayong nagkalayo sa isat-isa baka..."

"Wala, ah. Ikaw lang naman noon hanggang ngayon pero muntik na kitang makalimutan dahil nagkaroon ako ng Belle pero iisa pala kayo."

"Sino pa niligawan mo bukod sa’kin?" tanong ko.

"Ahm... si Selena kaso si Kyle ang gusto niya," sabi niya. "Ikaw? Sino nanligaw sa’yo?"

"Ahm... ‘yung apat tapos ‘yung mga nagcomment doon sa video."

"Anak ng! Akin ka lang bawal ka sa iba."

"Luh, ba’t galit ka? Ako ba ‘yung nanligaw?"

"Hay! Liligawan kita kaya kong maghintay kahit ilang years pa ‘yan hindi ako katulad ng iba na
magsasawa sa napakagandang babaeng katulad mo."

"Naks, naman! Swerte ko. Nga pala, naaalala mo pa kaya kung kailan ang birthday ko?" tanong ko.

"Ahm... oo naman, ‘no." sabi niya.

"Ahm... okay akala ko limot mo na," Pagtapos ko, humiga ako tapos tinabihan niya ko.

"Akala ko talaga di na kita mahahanap. Pinahanap kita kung saan-saan minsan nga gusto ko na
lang mag-give up." sabi ko.

"Don't worry, I'll stay with you. Do you remember our promise?"

"Oo, na ako lang at ikaw. Magpapakasal tayo, magkakaroon ng maraming anak at mamahalin
natin ang isat-isa." sabi ko.

"Tutuparin natin ‘yan, lahat ng gusto mo ibibigay ko, hindi ako maghahanap ng iba dahil ikaw
lang sapat na."

“Hindi kita masisisi kung maghanap ka ng iba kasi kung mahal mo talaga ako hindi ka maghahanap ng iba."

"Naks! Sa he's into her ‘yan ‘no?"

To be continued......

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now