CHAPTER 27

272 30 0
                                    

Bigla naman akong napatingin kay Kyle sa sinabi niyang 'yun.

Akala ko ba ay malinaw na ang napag usapan namin? Hatdog talaga! Kakausapin ko nga ito mamaya at mabatukan ng 10 times!

"Baka malunod lang si Belle doon. Belle, sa’kin ka na gagawa tayo baby." Wala sa hulog na ani Dylan.

"Baboy ng bunganga niyo! Ang iingay niyo! Tsaka ikaw Kyle! Mag uusap tayo ulit." seryosong sabi ko.

"Bakit mo na naman siya kakausapin?! Ako nalang kausapin mo!" maktol ni Dylan.

"Anong ikaw?! Ako dapat! May pag uusapan kami ni Belle!" sigaw ni Kurt.

"Wag mo nga akong sigawan!" sigaw na ganti ni Dylan.

"Ako dapat ang kakausapin ni Belle, kaya wag na kayong mag sigawan." singit ni Yuri.

"Mga pinagsasabi niyo. Mas gusto ko pang sumama kay Knight kaysa sa inyo, eh. Tsaka si Kyle ba kayo? Lagi kayong naeksena, malalaman niyo rin ang pinag uusapan namin sa tamang panahon kaya please lang no, wag na kayong magsigawan dahil baka marinig ni Kuya ang mga boses niyo at malilintikan kayo lalo na ako." paliwanag ko habang nakatingin sa kanila.

Nakita ko namang nakaupo lang si Knight at parang relax na relax. Weird talaga yan minsan, napailing naman akong magbalik ng tingin sa lima.

"Alam niyo, pagbutihan niyo na lang ang pagpractice niyo sa hide-out. Kaunti palang ang tauhan ni Selena, taob na kayo kaya magpractice kayo hindi puro landi. Hambalusin ko kayo diyan! Mag ayos na kayo dito, pumili na kayo ng kama niyo. Kakausapin ko lang si Kyle." sabi ko sabay tingin sa nagtatakang si Kyle.

Tinginan ko lang siya at tumingin sa mga kasama niya na nakatingin sa akin at sinasabing wag ko na kausapin si Kyle. Napailing na lamang ako at lumabas sa secret room, agad namang sumunod si Kyle.

Paglabas namin ay agad ko siyang hinarap at seryosong tumingin sa kaniya. Nagugulat naman niya akong tinignan.

"Akala ko ba ay napag usapan na natin na kay Pein ka na?" tanong ko.

"Pero Belle, hindi napipigilan ang puso." seryosong sabi niya.

"Pero napapalitan ng iba ang pagmamahal dyan sa puso mo. Kyle naman, You're the one that I trusted the most. Please don't give up our friendship, bukod kila Pein ay ikaw ang nagtanggol sa akin noon kaya nagpapasalamat ako pero wag mo namang itapon ang pagkakaibigan natin para diyan sa nararamdaman mong hindi ko matatanggap."

"I know it but I just can't help it."malungkot niyang sabi.

Napabuntong hininga nalang ako tsaka hinawakan siya sa balikat.

"Cherish the person who always care and loves you, don't ignore that person before you regret it. May mga taong hindi maibibigay ang gusto mo pero may isang taong nag mamahal sayo ng hindi mo napapansin, taong hihigitan ang nararamdaman mo sa akin. I'm just here to support you cause I'm your friend and not more than that." mahabang paliwanag ko.

"Then sino ang nagugustuhan mo?" tanong niya.

Gulat ko naman siyang tinignan kasabay no'n ay pagtataka sa tinanong niya. Hindi ako nakasagot agad at napapalunok akong nag iwas ng tingin.

Kinakabahan akong malaman niya kaya agad din akong tumingin sa kaniya.

"S-Si Ping. Siya ang nagugustuhan ko. Noon hanggang ngayon." may pautal na sabi ko.

"Ahh that childhood friend." malungkot niyang sabi.

"Hays sige na. Matulog kana rin at maaga pa tayo bukas. Mag shade tsaka mag foundation muna kayo para hindi halata yang mga pasa niyo, kung gusto niyong kumain, meron sa frige. Sige na goodnight." pilit ngiting sabi ko.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now