Napanganga naman sila sa pagbukas ng pinto sa secret room ko. Tsk namangha na naman sila, tsk. Nakakatawa 'yung mga itsura nila, parang first time HAHAHA. Pinapasok ko sila sa secret room ko na ako at si Knight lang ang nakakaalam. Bukod naman samin ni Knight ay puro members ng gang lang ang nakapasok dito.
"Knight, sinigurado mo bang naka-lock ‘yung pinto? Baka pumasok si Kuya Mark. Yari tayo, lalo na ako
kapag nalaman niyang may limang lalaki sa kwarto ko. Alam mo naman na galit si Kuya diyan sa lima kaya kailangang mag ingat tayo. Ngayon lang naman ito, kailangan ko lang ng tulong sa ibang bagay.""Naka-lock ang pinto, Belle. Naiintindihan ko naman iyon." sagot ni Knight.
Hindi nga pala nila alam na butler ko si Knight. Ang alam lang nila ay kapatid ako ni Kuya Mark at bunsong anak ng may ari ng Sky University.
Tinignan naman namin ang lima na naglilibot sa secret room ko, namamahanga sila sa mga kagamitan sa kwartong ito, puro pc kasi ang mga nandito. Naacess ko rin kasi ang lahat ng CCTV sa bahay pati na rin sa school, minumunitor ko rin minsan ang loob at labas ng hide out namin."Wow! Parang gamer ka pala, Belle. Kumpleto ka sa gamit!" namamanghang ani ni Red.
"Oo nga, ang astig." sabi ni Yuri.
"Ang astig mo nga Belle, kaya gusto kita eh." sabi ni Kurt at tumataas baba ang kilay.
Napailing nalang ako at tumingin sa kanila.
"Ehem! Lumapit nga kayo dito at may pag-uusapan tayo, seryoso ito kaya wag kayong magulo kundi sisipain ko kayo palabas." bantang sabi ko.
Lumapit naman agad sila sa’min kaya napa-ayos ako ng tayo.
"Hindi ko pa rin akalain na kapatid mo si Mark." agad na sabi ni Dylan.
"Oo nga, nakakagulat." sabi ni Red.
"Oo nga Belle, masyado kaming naging curious sa iyo." sabi ni Kyle.
"Sayang nga at huli na namin nalaman." sabi ni Yuri.
"Oo nga Belle, sorry ulit." paghingi ng tawad ni Kurt.
Tinignan ko naman silang lima. Ang drama naman, wala tayo sa pelikula para mag drams kayo!
"Hindi porke pinapasok ko kayo sa kwarto ko ay pinapatawad ko na kayo. Ayoko muna pag usapan ang tungkol dyan, bigyan niyo ako ng oras para makapag isip tungkol sa ginawa niyo. Kailangan niyo akong tulungang mahuli kung sino ang muntik ng lumunod sa akin." seryosong paliwanag ko sa kanila.
Muling nagtanong si Dylan. "Bakit kami andito kung pwede naman sa bahay namin tayong dalawa mag usap?"
"Bakit kayong dalawa lang?" tanong ni Red kay Dylan.
"Oo nga! Baliw ka ba?!" naiinis na tanong ni Kyle.
"Kaming dalawa dapat ni Belle ang mag usap." sabi ni Kurt.
"Hindi! Kaming dalawa!" si Yuri.
"Manahimik nga kayo! Buti nalang at sound proof 'tong kwartong 'to kaya walang makakarinig sa kaingayan niyo! Tsk! Narinig niyo naman diba? Kailangan ko ng tulong niyo, hindi 'yung kakausapin ko kayo isa isa! Hindi ito oral recicitation! Tsk nakakapagod mag salita." naiinis na sabi ko.
"Sorry Belle." sabay nilang sabi.
Napangiti ako ng palihim, para silang Minions, ang cute.
"Wag nalang kayo masyadong maingay dahil naririndi na ako. Uuwi ba kayo mamaya o dito na kayo matutulog?" tanong ko at napaisip naman silang lima.
"Dito kami matutulog." Sagot ni Kyle.
"Oo nga para naman, malibot namin 'tong secret room mo." sabi ni Yuri.
YOU ARE READING
I'm With The Five Badboys[Under Revision]
Teen FictionWhen you met a Five Badboys in the University and you see that they bullying a girl so you decided to protect her. She Maribelle Luis Gomez the Transferre in GU or Gomez University. She met so many students there and the other she became friends. Su...