CHAPTER 25

275 28 0
                                    

Nagmadali akong sumakay, papalapit na kasi si Kuya at baka mabatukan ako no'n dahil pumasok ako ng hindi niya alam. Masyadong OA si Kuya pagdating sa mga kalukuhan ko, dati ka siyang gano'n.

"Tara Knight, makikita ako ni Kuya. Bilis na! Ayan na siya!" sabi ko kaya mabilis na kumilos si Knight.

Mabilis niyang pinaandar ang kotse, yumuko naman ako para hindi ako makita ni Kuya. Pag labas namin sa gate ng school ay nakahinga ako ng maluwag.

"Hay grabe! Buti naman at nakaalis na tayo. Kinabahan ako kanina." sabi ko habang hawak ang dibdib ko, grabe yung kaba ko.

"Hay nako Lady Belle! Sabi ko naman kasi sayo wag ka nang pumasok, malay mo bukas mahuli ka na?" alalang tanong ni Knight.

"Wag kang mag alala Knight, kaya 'kong lusutan si Kuya. Pustahan pa tayo bente." mayabang 'kong sabi sabay tapik sa balikat niya.

Umiling iling lang naman ito at tinuloy na ang pag drive. Mabilis kaming naka-uwi ni Knight. Dali-dali akong pumunta sa kwarto at nagbihis. Humiga ako sa kama at pinanuod si Knight na pumasok sa kwarto ko at umupo sa sofa. Angas diba? Ganyan talaga si Knight, para ko na siyang kapatid kaya hinahayaan ko lang pero hindi naman ibig sabihin no'n eh pwede siyang pumasok kahit anong oras.

"Nandyan na si Mark." Imporma niya.
Nagmadali naman akong lumapit kay Knight ng sabihin niya ‘yun.

"Ano sabi? May sinabi ba siya sa’yo? Tinanong ka ba niya kung nasaan ako kanina?" hindi mapakaling tanong ko.

"Wala. Sabi niya tawagin kita, may sasabihin ata? Basta bumaba ka daw. " sabi ni Knight.

"Sige, sige. Diyan ka muna, huh." sabi ko at bumaba.

Ano naman kayang sasabihin nito? Nakita niya kaya ako? Isusumbong niya ba ako kina Mom? Hays! Wag munang mag overthink!

"Bakit, Kuya?" tanong ko agad pagdating ko sa living room.

Kinakabahan tuloy ako. Ano kayang sasabihin nitong kuripot 'kong
Kuya? Kinakabahan talaga ako!

"Sa friday pa daw uuwi sila Dad, panget. Kaya ‘wag kang magku-kulit, ‘wag ka munang pumasok bukas. Makakapag pahinga ka bukas bago ang show na gagawin niyo, we will watch your performance. "

"Sige, Kuya. Thank you." sabi ko.

"Buti na lang hindi nag-hinala sina Dad, sinabi ko nalang na natulog ka kina Ashley dahil naprepare kayo para sa performance niyo sa friday." sabi niya. "Tara, kain na tayo. Tawagin mo si Knight sabay na siya sa’tin."

Pagtalikod ko ay napangiti ako dahil hindi talaga ako nakita ni Kuya
kanina, ganoon na lang ulit ang gagawin ko bukas para masaya. Kinabahan pa ako kanina, hays buti nalang hindi niya alam ehehehe papasok ulit ako bukas at magiging masaya 'yun dahil hindi na ako mahuhuli ni Kuya katulad kanina. Masaya naman akong naglalakad paakyat papunta sa kwarto ko, tinawag ko na si Knight at
kumain na kami. Pagtapos kumain nagpaalam na ‘ko kay Kuya na papasok na sa kwarto.

Pagpasok namin ni Knight sa kwarto, humiga na ako habang siya nasa secret room, malaki doon at may malaking kama din kaya okay lang siya doon. May ref din doon kaya hindi siya mahihirapan. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit laging nakakapasok si Knight kahit alam ni Kuya? Diba sinabi ko na parang kapatid na namin siya? Kaya hindi na nakapagtataka 'yun tsaka tiwala naman ako kay Knight na wala siyang gagawing masama sa akin, habang nagmumuni muni ay biglang pumasok si Dylan sa isip ko.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now