PROLOGUE

2.3K 68 17
                                    


"Hoy! Bitawan niyo nga siya! Mga walang modo! Pati babae inaaway niyo!"sigaw ko.

Ke gagwapo niyo eh sasama ng ugali, turn off!

"Alis nga dyan! 'Di pa kami tapos sa babaeng ‘yan, eh."galit na sabi no'ng leader nila.

Aba! Ang angas nito ahhhh, pag ba ito sinapak ko... Tulog to?

"Aba sabi ng tigilan, eh! Bingi ka ba?! Babae nga yan tas ginaganyan nyo, bakla ba kayo!" sigaw ko.

Lumapit siya sakin at hinawakan nong leader yung kwelyo ko.

"Di ka aalis? O ikaw ang sasaktan namin?" tanong niya.

Aba magtapang!

Hawak pa rin niya iyong kwelyo ko.

"Bibitaw ka ba o hindi?" seryosong tanong ko.

"Eh, kung hindi anong gagawin mo?" pabalik na tanong niya.

Nararamdaman ko ang mga students na nakatingin sa amin at naririnig ko yung mga bulungan nila.

"OMG! Who's that b*tch?!"

"Bebs tignan mo may kaaway sila Dylan!" 

Hindi ko pinansin ang mga narinig ko at ibinalik ang atensyon sa lalaking hawak ang kwelyo ko. 

"Ah, anong gagawin ko?" nakangising tanong ko, "Ito." sabi ko tapos tinuhod yung ano niya...Yung ano niya... Basta alam niyo na ‘yun.

"OMG! How dare she do that!"

"She's so mean!"

Mga bulungan nila.

Mayabang si gunggong! 'Yan ang napapala ng bully!

"F*ck! How dare you to do that to me?!" galit na tanong niya.

"Sabi mo anong gagawin, eh. Iyan tinuhod ko yung ano mo. Ano masakit, diba? Sabi ko kasi tigilan na, tsk tsk." pang aasar na sabi ko.

"You will pay for this, sisiguraduhin 'kong maghihirap ka sa school na ‘to." bantang sabi nya sabay alis.

Napairap nalang ako at tahimik namang natawa, paika ika kasi siyang maglakad.

"Sisiguraduhin 'kong mahihirapan ka sa school na ‘to. Nye-nye. Daming ebas tiklop naman." Pang-gagaya ko at hinarap ‘yung babaeng nagkaupo pa rin.

To be continued.......
__________________
Disclaimer

This is work of fiction.
unless otherwise indicated,all the names,characters,businesses,places,events and incidents in this story are either the products of the authors imaginations or used in a fictitious manner.

any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events are purely coincidental.

© All Rights reserved.
Lotus 2021

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now