CHAPTER 39

185 22 0
                                    

"Ano ba akin na ‘yan!" sigaw ko.

"Hindi! Tara, umuwi na tayo." sabi ni Kyle.

"Hindi! Dito lang ako! Doon ka na, iiwan mo rin ako!" pagtataboy ko sa kanya.

"Hindi kita iiwan, lagi lang akong nandito." sabi niya.

"No, I hate fake promises. Iwan mo na ako dito!"

"Hindi ako aalis dito!"

“E di ‘wag! Isang alak pa dito!" sigaw ko.

"Ah, hindi na. Tara na." sabi niya at binuhat ako na parang sako ng bigas.

"Ano ba?! Ibaba mo’ko, ano ba?!"

"Hindi. Iuuwi na kita."

Kahit anong pagpupumiglas ko hindi ko magawa sa sobrang kalasingan.

Dylan POV

Nagpaalam ako kay Belle na mag-iinuman lang kami nila Kyle. Pumunta na ako doon sa minibar
at umupo katabi ni Kyle.

"Oh, ito, inom na." sabi niya.

"Shot! Happy birthday sa pinakamamahal kong babae." sabi ko.
"Happy birthday!" sigaw ni Red.

"Happy birthday, Belle!" sigaw ni Yuri.
"Mahal namin si Belle!" sigaw ni Kurt.
"Hoy! Akin lang si Belle." sabi ko.

Nakita ko ‘yung tatlo na may tama na sila. Ininom ko ‘yung alak. Nakakatatlong shot palang ako bigla na lang akong nahilo.

"Sige d’re, puntahan ko lang si Belle." paalam ko. Pagpunta ko doon wala si Belle. Medyo umiikot na ang paningin ko saka ko nakita si Pein.

"Ahm... Pein, si Belle?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya, "Hindi ko alam, eh. Nandito lang ‘yun kanina."

"Sige, thank you."

"Ingat ka, Dylan." Paalala niya.

Pumunta ako sa elevator, pagbukas nakita ko si Princess.

“Hi, Tobi! Tara, sabay ka na sa’kin." sabi niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at biglang nag-init ang buo kong katawan.

"Hindi... sige." sabi ko pero hinila niya ako. Tinitigan ko siya hanggang sa nagdilim ang paligid.

"Ano ‘to, Ping?" tanong ni Belle.

Doon lang ako natauhan at nagulat na nasa kwarto na ako. Nagmakaawa ako kay Belle pero hindi niya ako pinakinggan, sinubukan ko din siyang pigilan pero hindi ko nagawa.

"Kasalanan mo’to lahat!" galit na sisi ko kay Princess.

"Tobi, nasarapan ka naman, di ba? Gusto mo gawin ulit natin?" tanong niya habang nakayakap sa’kin.
"Lumayo ka sa’kin! Susundan ko si Belle."sabi ko.

Nagbihis ako at tumakbo papuntang elevator, pagbukas ng elevator nakita ko si Pein, lumapit siya sa’kin at sinampal ako!

"Hay*p ka!” malakas na sigaw niya sa mukha ko, “Bakit mo ginawa ‘yun kay Belle? Kulang ba siya sa’yo?!"

"Sorry, Pein pero nilagyan ni Kyle yung alak ng gamot kaya ko nagawa ‘yun."

"Wag ka ngang manisi ng ibang tao! Cheater ka! Ano masarap ba?! Masarap ba sa pakiramdam?!"

"Please, Pein... kailangan kong makausap si Belle." Pakiusap ko.

"Hindi! Hay*p ka, di ka pwedeng umalis."

"Pero Pein kailangan kong magpaliwanag kay Belle."

"At ano?! Magsasabi ka na naman kay Belle ng mga kasinungalingan mo?! ‘Wag na, Dylan! Akala ko pa naman si Belle lang dahil magkababata kayo pero nagkamali ako." sabi ni Pein.

Sinubukan kong umalis pero wala talaga, hindi ko naman sinasadya ‘yun, eh. Tarantado ka, Kyle! ‘Yari ka sa’king hay*p ka! Pinuntahan ko siya sa minibar pero wala na siya, sila, wala na sila. Hinanap ko sila at natagpuan sa parking lot. Nandoon sila pwera kay Kyle at Belle.

"Nakita niyo ba si Kyle?" salubong ko sa kanila.

"Ano bang nangyayari, d’re? Si Belle umalis, tinawagan ko si Tita Maria pero wala daw sa kanila." Ani Kurt.

"Sige, hahanapin ko na lang si Kyle." Pinaandar ko na ang kotse ko saka pinuntahan si Kyle sa bahay nila pero wala siya don kaya pumunta ako sa bar pero wala din siya, pumunta na lang ako kina Belle. Hininto ko ang sasakyan ko sakto lumabas doon si Kyle. Dali-dali akong lumabas at
sinapak siya.

"Gag* ka! Dahil sa’yo nasira kami ni Belle. Ano aagawin mo siya sa’kin?"

Tinulak niya ako at sinapak.

"Mas gag* ka! Balita ko may nangyari sa inyo ni Princess? Ano masarap ba? At oo, aagawin ko siya sa’yo."

"Gag* ka talagang hay*p ka!" sigaw ko saka siya pinaulanan ng suntok. Bigla na lang akong sinapak ni Mark.

"Gag* ka! Niloko mo ang kapatid ko! Nagpadala ka sa tukso! Umalis ka na dito kung ayaw mong bugbugin kita!"

"Sorry, hindi ko sinasadya... hindi ko talaga sinasadya. Please, pakausap ako kay Belle kahit saglit lang." pagmamakaawa ko.

"Tang*na mo! Alam mo naman kung anong ugali ni Belle, di ba? Bakit?! Bakit mo niloko ang kapatid ko?!"

"Sorry... hindi ko sinasadya, Mark... sorry." nanghihina kong sabi.

"Lumayas ka! Walang kasalanan si Kyle dito wag ka nang magpapakita kay Belle!"

Nagulat kami ng lumabas si Tito.

"Mark! Anong nangyayari diyan?"

"T-Tito... pakausap naman po kay Belle, saglit lang po, Tito. Saglit lang po." pakiusap ko.

"Magpahinga ka muna, hijo. Sa susunod mo na lang siguro kausapin si Belle dahil natutulog na
siya." Ani Tito.

Patuloy akong nagmakaawa. "Kahit saglit lang po, Tito."

"Bumalik ka na lang, Hijo.Sige, bumalik ka bukas. Wag ngayon dahil gabi na, magpahinga ka na
muna."

"Sige po, Tito." sabi ko saka lulugo-lugong tumalikod.

"Mag iingat ka, Hijo. At ikaw Mark, pumasok ka dito at mag-uusap tayo. Dito ka na muna matulog, Kyle." rinig kong sabi ni Tito.

Sorry. Hindi ko ‘yun sinasadya, nilagyan ni Kyle ‘yung alak kaya nawala ako sa wisyo ko. Hindi
ako umuwi at pumunta sa bar.

"Isang alak nga ‘yung kayang makalimot."

Tumango lang ito saka ako binigyan ng alak. Nilaklak ko ‘yun, nagpakalasing ako, kung anu-
anong nakakahiya ang ginawa ko sa bar na ‘yun. Uuwi na sana ako ng may mabangga ako, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad. Nakakailang hakbang palang ako biglang may humarang sa’kin.

"Alis! Dadaan ako." lasing na sabi ko.

"Hindi ka magso-sorry?" tanong no’ng lalaki.

"Bakit kilala mo ba ako?! Hindi naman, di ba. Umalis ka sa daanan!" sigaw ko.

"Aba’t— tar*nt*do ‘to, ah." sabi niya tapos sinapak ako. Napahiga naman ako sa sakit, nagtawag pa siya ng mga lalaki at pinagbubugbog ako.

"Hoy! Itigil niyo ‘yan!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses.

Hinihingal na ako at hindi ko na
madilat ang dalawa kong mata. Mamatay na ba ako? Hindi ko alam kung anong nangyayari
sa’kin.

"Ano, Dylan? Okay ka lang?" tanong no’ng babae.

"Belle, ikaw ba ‘yan?"

"Ako ‘to, si Sheilla. Ano bang nangyari sa’yo? Tara na, iuuwi na kita." sabi niya. "Saan ba kotse
mo?"

"Andyan," sagot ko.

"Ayon! Nahanap ko na. Tara na." aniya saka ako tinulungang sumakay.

"Salamat,"

"Okay lang. Nakita kita kanina naglalasing halatang may problema ka. Sige na, iuuwi na kita."

Pagkauwi sa bahay ay nagalit sa’kin ang parents ko dahil naglasing daw ako, nakakahiya. Buti na nga lang daw nandyan si Sheilla. Si Sheilla kasi siya ‘yung leader ng fansclub namin.

To be continued.....

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now