CHAPTER 20

323 38 0
                                    

Lumapit ako kay Merriel at hinawakan ang panga niya. Nakakainis titigan ang mukha niya, nararamdaman ko pa rin ang sakit sa mukha ko dahil sa pag sampal niya.

Masyado niya akong dinidiin sa kasalanang alam niyang hindi ko kasalanan. Walang may gusto na mangyari iyon, nagkataon lang talaga na may tinik ang utak ng Congressman at nandamay pa. It's been 5 years at hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nag mumukha akong tanga kakapaliwanag sa kanilang wala akong kasalanan. Nag sisisi na nga ako dahil nangyari iyon, wala na rin namang magagawa iyon dahil nangyari na at hindi na maibabalik pa ang nangyari noon.

"Wala akong kinuha sa’yo! Hindi kita kilala dahil si Selena lang ang nakita ko pero wala akong kinukuha sa’yo! Kilan niyo ba maiisip na aksedente 'yum at nagkataong lumabas ang nanay niyo?! Hindi ko alam kung saan kayo kumukuha ng kakapalan ng mukha para maghiganti sa taong wala namang kasalanan?!" galit na tanong ko. "Sana nagpakabait ka na lang, wala naman kasing may gusto sa nangyari sa nanay niyo, masyadong mabilis ang pangyayari sa pagitan namin at ng Congressman. Nagkataon lang na lumabas ang nanay mo at siya ang ginawang pang salag sa bala, kaya wag mo akong paratangan at gantihan sa bagay na hindi ko ginawa!" inis 'kong sabi.

Hinihingal naman siya sa galit at parang torong aatakihin ka ano mang oras.

"Walang hiya ka! Pinlano niyo talaga ‘to! Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal ng mukha mo para gawing inosente ang sarili mo sa iba! Gangster ka diba?!" Sigaw niya.

Nag mamatigas si gaga niya, para siyang taeng matigas at hindi mailabas.

"Tsk, oo dati pero ibang uri ng gangster. Tsk alam mo nakakabagot ka kausap, para kang silang plaka beh! Para kang charger na sira, imbes na tumaas ay bumababa ang tingin ko sa utak mo! Akala ko ba ay matalino ka? Tsk anyways, binabalik ko lang ang ginawa niyo sa’min. Tiniis ko ang hirap, maprotektahan lang ang
pamilya namin. Walang may gustong mangyari ‘yun sa kaniya, hindi ko kayo maintindihan. Andon na tayo sa point na nadamay ang nanay niyo, ginawa ko naman ang lahat para isalba ang buhay niya pero siya lang din ang sumuko. Kasalanan ko pa rin? Sige! Kwento niyo 'yan eh, syempre masama ako dyan!" sabi ko.

Natigilan ako nang may pumalakpak.

"Wala ka pa ring pinagbago, Belle. Ikaw na ikaw pa rin ang nakalaban ko noon at hanggang ngayon ay bidang bida ka pa rin." Si Selena.

"Hindi! Nagbago ako pero hindi ang kakayahan ko. Tsk! Ikaw, wala ka pa ring pinagbago... anak
ka pa rin sa labas." Pangungutya ko.

"Matabil pa rin ang dila mo Belle at nakakainis iyon." nakangiti ngunit halatang naiinis na siya.

"Tsk, syempre ako pa tsaka kwento mo 'yan, siguro ay sinulsulan mo 'tong babaeng 'to kaya kung ano ano binibintang sa akin. Tsk hindi ka na natuto Selena, barber story pa rin iyang bibig mo, kaya hindi na ako magtataka kung pati tatay nito ay nabihag ng nanay mo. Like Mother like Daughter huh." pamimilosopong sabi ko habang tumatango tango ang ulo.

Di na siya nakapagpigil kaya inatake ako nang magkapatid. Habang naglalaban kami basic lang
ang mga galaw ko. Napakahina nila. Minsan ay sinasalag ko lang ang mga atake nila, nag eenjoy nga ako sa ginagawa nila, para akong nasa training.

"Belle, sa likod mo!" sigaw ni Dylan.

Mabilis kong na-ilagan ang espada na hawak ni Selena. Habang kinakalaban si Selena nakita ko si Merriel na inaasinta ako ng baril kaya sinipa ko ang baril pero nadaplisan ako nang espada ni Selena. Nakakita na naman ako nang dugo. Bigla na lang nag-iba ang pakiramdam ko lalo akong
lumalakas at ayoko sa nararamdaman ko, biglang nanginig ang mga tuhod at mga kamay ko. Sinipa ko ng malakas sina Merriel at Selena, napaluhod naman ako dahil pinipigilan ko ang sarili 'kong makapanakit ng tao lalo na ngayong andito ang mga kasama ko. Iba ako kapag inaatake ng ganitong sakit dahil kahit malalapit sa akin ay nasasaktan ko ng hindi pinasadya.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now