CHAPTER 10

404 35 0
                                    

KINABUKASAN~

"Hoy panget! Gumising kana nga! Kanina pa kita ginigising!" gising ni kuya sa'kin habang niyuyugyog ako.

"Oo na! Labas, potek! Sarap sarap ng tulog ko nang gigising!" reklamo ko.

"Ano nagrereklamo ka?!" sabi niya sabay pingot ng ilong ko.

"Aray! Aray! Oo na hindi na! Aray bitaw na!" indang sabi ko.

"Dalian mo na dyan! Ikaw nalang inaantay sa baba!" sabi niya sabay alis at pabagsak na sinara ang pinto.

"Mauna na kayo kumain, susunod ako!" sigaw ko naman.

Tsk sarap na sarap ako matulog tas pag gising ko ang ingay! Hatdog talaga 'yung lalaking 'yun! Hindi na ako magtataka kung bakit wala pang girlfriend si kuya, masyadong masermon at maarte, mukha namang pwet.

Inayos ko muna ang higaan ko at pagtapos mag ayos ng higaan ay nag inat ako. Isang magandang araw na naman! Kung no'ng mga nakaraang araw ay bagot na bagot akong pumasok, iba naman ngayon. Parang lumulutang ako sa saya dahil wala na akong mortal enemy.

Nagpunta na ako sa cr at nagsimulang maligo, habang naliligo ay inalala ko ang mga nangyari kahapon.

Nagtataka talaga ako sa mga kinikilos nila, lalo na kay Kyle tsaka kay Dylan. Masyado silang fast, ni hindi nga nila alam kung sino talaga ako. Iniisip ko rin, imposibleng mahulog ka sa taong kakikikala mo lang ng ilang araw. Masyadong imposible, pwera nalang kung noong unang araw palang ay gusto mo na ang isang tao, pero para sa'kin kasi imposibleng mangyari 'yun.

Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang nangyayari sa kanilang lima. Hindi ko rin mabasa ang iniisip nila, I mean not literally reading their mind, I mean I can't read their actions now. No'ng first day at no'ng mga sumunod na araw ay nababasa ko talagang bully sila pero ngayon hindi ko na alam.

Masyadong magulo pero sa totoo lang masaya na rin ako dahil hindi na nila ako binubully, ayoko lang umabot na malalaman pa ni Dad lahat ng kalukuhan ko sa school kaya gusto ko ng tapusin lahat, kaya nga ako lumipat ng school para makapag aral ng tahimik.

Pagtapos maligo ay nagsuot lang ako ng pantalon






Pein POV

Kanina pa ako gising kasi excited na ako. Naaalala ko pa kung paano pumayag si Mom and Dad
na doon kami sa resort.

Flashback...

"Mom, Dad, pwedeng sa resort kami tumambay?" tanong ko.
"Sino kasama mo?" tanong ni Mom.

"Mga bagong friends ko, Mom." sabi ko."Okay, but no alcohol, huh!" paalala ni Dad.

"Opo, Dad. Promise! Thanks, Dad, Mom I love you." sabi ko.

"Isama mo ‘yung dalawa mong Kuya." sabi ni Dad.

"E Dad, aasarin lang ako noon."

"Hindi, sasama sila. Right, honey?" tanong ni Dad.

"Hehe, Honey hayaan mo na. Minsan lang maging masaya si Pein." sabi ni Mom.

"Okay. Do whatever you want basta bawal uminom." sabi ni Dad.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now