CHAPTER 17

361 35 1
                                    

Pumunta ako sa canteen mag isa, 'di ko na isinama sila Pein, gusto 'kong mapag-isa muna. Ayaw 'kong pati sila ay mahawa sa pagkainis ko o di kaya ay sila ang pag buntungan ko ng inis ko sa lima. Bumili ko nang pagkain saka pumunta sa music room, walang tao. Hindi ko alam pero nalulungkot ako at kasabay no'n ay naiinis, hindi ko maiwasan ang maalala ang lahat ng nalaman ko. Tumingin ako sapaligid at dahil walang tao at kinuha ko ang gitara at tumugtog.

“Ipikit mo man ang iyong mata. 'Di pa rin naman mag-iiba. Nabalutan ng poot ang puso mo.”

Habang tinitipa ang gitara naalala ko ang mga moments naming magkakasama. It's not okay, I'm not okay right now and I'm so stupid to keep it by myself.

“Tila malimit kang ngumiti ngayon. 'Di ka rin naman ganyan noon. Naubusan ng tibok ang puso
mo.”

Hindi ko talaga alam na ganoon lang ako sa kanila. Makikita 'kong sincere sila pero naiinis ako dahil do'n, ayoko muna silang makita, naiinis ako.

Kulang na ba ang mga ulap sa langit at buwan? Di ka na babalik sa lilim ng ulan. Sa bawat saglit, handang masaktan. Kahit 'di mo alam. Subukang muli at pagbigyan. Ang ating nakaraan
Kahit 'di mo na alam...”

Habang kinakanta ko ang chorus, tumutulo na ang luha ko. Gusto ko lang ibuhos ang mga hinanakit na aking nararamdaman ngayon, mga sakit na hanggang ngayon ay narito pa rin.

“Ipikit mo na ang iyong mata. Ang nakaraa'y limutin na. Umaasang 'di ka na mawawala,”

Bakit ganito? Dati matatag ako, masyado na ba akong nagiging emosyonal ngayon?

“Sadyang mahirap lang ngumiti ngayon... Minahal kita mula noon. Ibalik na ang tibok ng puso
mo. Kulang na ba ang mga ulap sa langit at buwan? 'Di ka na babalik sa lilim ng ulan...”

Pumikit ako at dinama ang kanta habang patuloy na dumadaloy ang luha, “Sa bawat saglit, handang masaktan. Kahit 'di mo alam. Subukang muli at pagbigyan, ang ating nakaraan. Kahit 'di mo na alam. Kahit 'di mo na alam. Kahit 'di mo na... Sa bawat saglit, handang masaktan. Kahit 'di mo alam. Subukang muli at pagbigyan. Ang ating nakaraan. Kahit
'di mo na alam... Kahit 'di mo na alam... Kahit 'di mo na alam... Kahit 'di mo na... Kahit 'di mo na... Kahit 'di mo alam,”

Pagtapos ng huling linya doon na tuluyang bumuhos ang mga luha sa mga mata ko. Ang hirap pala nang ganito, feeling ko ang sikip at sakit ng dibdib ko. Nakakainis lang dahil hindi ko magawang saktan sila. Kung nandito lang sana si Ping hindi na
ako lalapit sa kanila pero wala siya. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung nakalimutan na ba niya talaga ako? Kailangan ko siya ngayon, miss na miss na miss ko na siya.

Umiyak lang ako ng umiyak, I don't why I'm too emotional? I just want to be happy, not this painful things.

Dylan POV

Ramdam ko yung sakit habang kumakanta siya ngunit kasabay niyon ay namangha ako sa galing
niyang kumanta, lagi nalang niya akong pinabibilib sa talento niya. Ewan ko ba? Kahit yata wala siyang ginagawa ay napapabilib ako at napapahanga sa ganda niya, hindi ko rin alam. Lalo yata siyang gumanda sa mga oras na ito, ang ganda niya kapag nakangiti, lalo nakapag hindi nakasalamin. Ang cute cute niya kapag nagagalit at lalo na ngayong umiiyak siya, masaya na malungkot dahil masyado siyang nasaktan pero masaya kasi ang cute cute ng mukha niya. Hindi ko sinasadyang saktan siya, siguro no'ng una pero ng unti unti ko siyang makilala ay hindi ko namamalayang nahuhulog na pala ako, para siyang isang bangin na sobrang lalim at ako naman ay handang mag pahulog kung siya ang sasalo.

Namamangha ako sa kakayahan niya, lagi kasi siyang positibo na parang walang problema sa buhay niya. Maganda siya at mabait na lalong nagpahulog sa puso ko. I don't know why but she's different from other girls, just like Kulet. They have similarities especially in their personality. Maraming nagawa si Belle na hindi nagawa ni Kulet at ng ibang mga babae sa akin, naging basag ulo ako at naging mapang buyo sa mga schoolmates ko. Dati ay sinasabi ko na hindi ako magbabago dahil alam 'kong hindi na babalik si Kulet pero nabago iyon ni Belle. Siguro nga ay nakalimutan na ako ni Kulet, masaya akong mangyari iyon dahil alam 'kong wala na siya sa puso ko. Si Belle na ang na roon at hindi na mababago iyon.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now