CHAPTER 3

708 43 3
                                    

KINABUKASAN~

"Hoy, panget! Gising na male-late tayo!" sigaw sa’kin ni Kuya.

Hays! Umagang umaga naman! Ingay ingay! Napabangon ako at masamang tumingin sa pintong nakasara.

"Oo na! Tsk, kuripot." Bulong-bulong ko habang inaayos ang kama ko, ayaw ko kasing magulo 'to tuwing umaga.

"Ano? May sinasabi ka?" tanong niya mula sa labas.

Lakas ng pandinig, amput*! May powers ata siya.

"Wala. Sabi ko maliligo na ako!" sigaw ko saka nagtatakbo papunta sa cr.

Habang naliligo ay naalala ko yung kahapon.

Tsk! Makikita ko na naman 'yung lalaking 'yun hays, masisira na naman siguro ang araw ko.

Pagtapos ko nagbihis na ako at bumaba.

"Good morning Mom, Dad and Kuya." bati ko at saka umupo sa tabi ni Kuya.

"Let's eat, baby ang bango mo naman." malambing na sabi ni Mom.

"Mom naman hindi na ako bata, dalaga na ako Mom." pagtatama 'kong sabi kay Mom.

"Dalaga nga, isip bata nga lang." bulong ni Kuya habang umiiling iling pa.

Potek 'to ahhh! Hatdog ka kuripot!

"Mas isip bata ka! Spongebob boy." asar ko at dumila. "Alam mo kuya may tula ako para sayo." nangising sabi ko habang tinataas baba ang kilay ko.

Tumingin lang ito sa akin habang nakataas ang kilay.

"EHEM! Oh kuya Mark, kapag nakikita ko iyang mukha mo parang gusto 'kong masuka, the end." pagtapos 'kong sabi.

Tinignan naman nila ako habang ako eh nagpipigil ng tawa, si kuya naman ay mukhang galit na, namumula na siya, mamaya ay sasabog na 'yan.

Aambahan niya dapat ako ng sawayin kami ni Dad. "Stop! Kumain na puro kayo asaran. Ikaw  Maribelle, ‘wag mang-gugulo sa school. Kapag may nalaman ako, I will punish you and bring you to that place again." bantang sabi ni Dad.

Hindi na lang ako sumagot at napayuko.

Ang tinutukoy niya kasi ay iyong sa dati naming bahay, marami akong naranasan doon na hindi ko na gugustuhin pang balikan, kaya ayaw ko na ulit mapunta doon kung hindi ay basta. Mahirap e-explain.

Kumain na lang ako at pagtapos ko nauna na ako kay Kuya lumabas.
Nakita ko si Knight na nag-aantay sa’kin. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na ni Knight.

"Knight, sino nagsabi kay Kuya sa nangyari sa’kin?" tanong ko.

"Hindi ko alam, Lady Belle. Siguro sa tsismis o baka narinig dahil alam ng Dean at pinatawag ka." paliwanag ni Knight at itinuloy ang pag mamaneho.
Bwesit 'yung kuripot na 'yun! Pag talaga siya may kalukuhan sa school tamo lang!

"Tsk! Hayaan mo na nga. Wala naman akong pakialam sa Hari nang mga ugok na ‘yun, nakakainis lang si kuya." inis sabi ko tsaka tumingin sa labas ng bintana.

"Wag mo na lang pansinin, Lady Belle, para walang gulo. Initindihin mo nalang si Mark, 'di naman niya sinabi diba, kaya hayaan mo nalang." suggest ni Knight tsaka ngumiti.

"Hindi ko siya papansinin 'kong wala siyang gagawin na ikakagalit ko, tsaka ginawa ko lang 'yun dahil ayoko ng bully diba, kilala mo ko kaya alam mong ayoko ng Gano'n. Malakas lang talaga ang loob ng limang iyon, lalo na 'yung Dylan na 'yun,  nakakainis siya." naiinis namang sabi ko habang inaalala 'yung mga naganap o nangyari no'ng first day ko rito.

Hindi na siya sumagot pa at pinagpatuloy ang pagdrive. Nakarating na kami sa school. Katulad
ng nakasanayan, pinaalis ko si Knight. Sabi ko nga, sanay na si Knight sa'kin, habang naglalakad papasok sa hallway nakita ko si Pein kaya lumapit ako at pinuntahan ko siya.

I'm With The Five Badboys[Under Revision]Where stories live. Discover now