PROLÓGO

609 17 0
                                    

Hindi kami normal na tao ng pamilya ko.


Iyan ang palaging sinasabi ng ina ko.


At mismo ako alam ko na oo, hindi kami normal na tao.


Ang ina ko at ang kuya ko, nakokontrol nila ang apoy. Habang kami ng ama ko ay kayang kontrolin ang tubig.


Pero nang ipasok ako ng ina ko sa isang paaralan, naranasan kong maging malaya.


Alam niyo kung bakit?


Dahil mismong mga estudyante doon ay may kapangyarihan. Mga sorcerers, enchanter/enchantress, good witches. Mga may special abilities, gaya nang pagpapatigil ng oras o ang tempus, hearing ability at iba pa. At higit sa lahat ay ang mga kagaya ko na kayang kontrolin ang mga elemento. Apoy, hangin, tubig, lupa at kidlat.


Bienvenida a Melodía Academia.


- - -


Note: This is a little inspired by 'Encantadia' because lately, I like their powers.

©All Rights Reserved. 2020.

2021. Fixed.

Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon