__________________________________________________
* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«“ Capítulo Uno ”
"Auli'i! Diba sinabi ko sa iyo na wag kang lalabas pag walang klase? Saan ka nanggaling?" iyan ang bungad sa akin pagdating ko sa bahay namin.
"May ibinili lang ako mama." agad na sagot ko.
"At talagang lumabas ka nang wala man lang suot na contact lens!"
"S-sorry ma." iyan lang ang tangi kong nasabi.
Iba yung mga mata namin. May ilang hibla ng buhok namin na may kulay. At mas nakakaiba ay kaya naming makontrol ang elemento. In short, hindi kami normal na tao.
Si mama at kuya, kulay kahil ang mga mata nila habang pula naman ang ilan sa mga hibla ng buhok nila. At kaya nilang makontrol ang apoy. Habang kami ng aking ama ay deep green ang kulay ng mga mata namin pati na ang ilang hibla ng aming buhok. At kaya rin naming makontrol ang tubig.
Palagi ko nalang iniisip kung kailan ako makakagalaw ng malaya. Ni hindi ko alam kung may mga kalahi pa ba kami. Lahat ng galaw ko, binabantayan ni mama. Si kuya at si papa, nagtatrabaho at sa gabi sila palaging umuuwi kaya palaging si mama ang kasama ko.
Hindi naman ako galit kay mama kasi naiintindihan ko siya. Ang akin lang naman, di ko malayang nagagawa ang gusto ko. Si Nora. Siya lang ang naging kaibigan ko.
"Nora, hirap na hirap na ako. Di ko talaga nagagawa ang gusto kong gawin. Palaging 'wag kang umalis' 'dito ka lang'. Anong gagawin ko?" pangrereklamo ko sa kanya.
"What up with your parents? Bakit palagi silang ganyan?" takang tanong ni Nora. Yes, hindi niya alam na may kapangyarihan ako. I always hide my eyes by using contact lenses and I always say na nagpakulay ako ng ilang strand sa kulot at mahaba kong buhok na hanggang bewang ko na.
(A/N: Nasa multimedia ang itsura ng buhok niya. Yung buhok lang tapos i-imagine niyo nalang na may green highlights ang buhok niya. Btw, she's not the portrayer, okey?)
Hanggang sa naka-uwi na sila papa at kuya, tahimik lang kaming kumakain. Walang nagsasalita, tanging mga kaluskos lang sa mga plato namin ang maririnig. Ni hindi ko sinubukang magsalita. Kapag nagtatanong si papa, tanging tango lang talaga ang naisasagot ko.
"Mauuna na po ako." sabi ko nang natapos akong kumain. Ni hindi ko sila tinignan bago ako umalis. Nang marating ako sa kwarto ko ay agad akong nagtungo sa bintana, kung saan nakaharap sa pool namin. Inilagay ko sa harap ang mga kamay ko at iminimwestra, kinokontrol ang tubig sa pool namin. Tumataas, nagwe-wave, iyan ang pag-galaw na nagawa ko sa tubig ng pool.
Hindi lang basta pagkontrol ang nagagawa namin. Kaya rin naming magbuga ng apoy at tubig galing sa mga kamay namin. Nakita ko noon si mama na naglalabas ng apoy galing sa kamay niya at lumiliwanag ang mata niya. Iyan ang nagagawa ng kapangyarihan namin. Kapag naglalabas kami ng kapangyarihan, lumiliwanag ang mata namin.
Nakarinig ako ng ilang katok sa labas ng kwarto ko kaya itinigil ko ang pagkontrol ng tubig bago ako pumunta sa pintuan at pinagbuksan ito.
"Anak, pwede ba tayong mag-usap?" Sabi ni mama, kasama sina Kuya at Papa sa likod. Tumango naman ako at iginaya na pumasok. Nauna akong umupo sa kama sumunod si Kuya na tumabi sa akin. Umupo naman si Mama at Papa sa upuan na nasa harap namin.
"Anak, galit ka ba sa Mama mo?" Tanong ni Papa. Umiling naman ako.
"Hindi naman ako galit. Alam ko naman kasi ang point of view niyo pero nahihigpitan na po kasi ako." Sagot ko habang kinakalikot ang mga kuko ko na nasa lap ko. "Nahihirapan na akong mag-adjust dahil hindi ko malayang nagagawa ang gusto ko. Gusto kong maglakad nang maglakad hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan malaya ako. Malaya kong nagagamit ang mga itinatago natin." Nakatingin lang ako sa mga kamay ko na nasa lap ko.
Nagkatinginan muna silang tatlo bago nagsalita si Mama. "Gusto mo ba talagang makagalaw ng malaya?"
Agad akong tumango. "Well, Mama. I think kailangan na natin siyang ilagay dun tutal 16 na naman siya." sabi ni Kuya kaya agad akong napatingin sa kanya. Nakakunot ang nuo dahil hindi naiintindihan ang sinasabi nila.
Tumango si Mama sa sinabi ni Kuya. "Magligpit ka na dahil bukas na bukas, pupunta tayo sa lugar kung saan malaya kang makakagalaw gaya ng isinasabi mo." napayakap ako bigla kay mama at papa dahil sa saya.
"Mama, Papa, totoo na to?" agad na tanong ko. Tumawa sina Mama at Papa habang tumatango kaya niyakap ko pa sila ng mahigpit.
"Ako? Walang yakap?" sabat ni Kuya kaya tumawa kami at niyakap siya.
Nang gabing iyon ay hindi ako makatulog dahil sa excitement na nadarama ko. Marami-rami rin ang dinala ko dahil ibinanggit sa akin ni Mama na hindi na kami babalik dito. Pero naisip ko rin si Nora. Maiiwan siya dito. Naisip ko na puuntahan nalang siya bukas bago ako umalis.
Kinaumagahan, alas quatro pa lang ng umaga ay naghanda na ako. Walang tulog pa ako. Dala na rin ito sa excitement. Naligo na ako't nagbihis. Nang makababa ako ay nagulat sina Mama dahil ang aga ko raw. Ginamit ko namang excuse si Nora na kailangan kong magpaalam sa kanya. Pero sinabihan nila ako na mamaya na dahil kailangan ko pang i-check ang mga bagahe ko para tuloy-tuloy na kami dahil malayo-layo daw ang pupuntahan namin.
Ginawa ko naman ang iniutos nila sa akin bago kumain. Mga alas singko na ng umaga nang naisipan kong kumain dahil tumutunog na ang sikmura ko.
"Mama, aalis muna ako. Pupuntahan ko muna si Nora." Pagpapaalam ko nang matapos akong kumain. Pinayagan naman ako ni Mama. Para maitago ang kulay ng aking mata ay nagsuot ako ng sunglasses tutal ay sumikat na ang araw.
Nang makarating ako sa kanila ay agad kong nakita ang isang karatula na may nakalagay na 'house and lot for sale'. Nagtataka ako dahil wala naman siyang sinasabi sa akin na aalis siya. Siya nalang kasi ang nakatirang mag-isa diyan dahil namatay ang mga magulang niya.
Agad ko siyang tinawagan pero out of coverage ang phone niya. Nag-aalala na ako. Tinatawagan na ako ni mama, hinahanap na ako kaya umuwi nalang ako nang hindi man lang nakapagpaalam kay Nora.
Sa ngayon ay nagbabyahe na kami. Si Papa ang nagda-drive at si Mama ang nasa shotgun seat kaya magkatabi kami ni Kuya sa likod. Nae-enjoy ko yung mga tanawin na nadadaanan namin pero bumibigat iyung mga talukap ng mga mata ko. Dahil na rin siguro sa wala akong tulog, dun na ako sa biyahe namin natulog.
Nagising nalang ako nang bigla akong niyugyog ni kuya. Nasa balikat na niya pala ako nakatulog. Nang tumingin ako sa paligid ay puro kakahuyan na ang nakikita ko. Nakakapagtaka dahil wala man lang bahay na makikita sa paligid. Nasaan na ba kami? Ilang minuto ang lumipas nang biglang itinigil ni Papa ang sasakyan namin. At may malaking gate sa harap namin.
"Natatandaan mo pa ba ang mga spanish words and phrases na itinuro namin saiyo?" tanong ni Mama. Tumango naman ako habang nakatingin sa malaking gate. Hindi ko alam kung bakit iyon itinuturo ng mga magulang at Kuya ko pero hindi na ako nagtanong dahil nae-enjoy ko naman iyon.
Biglang bumukas ang malaking gate kaya ipinaandar na ni Papa ang sasakyan at pumasok na. Puro mga malalaking gusali na ang nasa loob. Parang nasa bayan lang namin. Hindi ko akalain na may ganitong lugar pala.
Bumaba na kami nila Papa at Mama nang mai-park na ni Papa ang sasakyan. Naglakad na kami papunta sa isang malaking gusali. At may nakalagay na pangalan sa itaas nito.
Binati naman kami ng mga guards.
"Bienvenida a la Academia de Melodía."
__________________________________________________
2021. Fixed.
BINABASA MO ANG
Melodía Academia (COMPLETED)
FantasyA girl, named Auli'i Fryxell lived in a town normally, yet she and her family is the one who is not normal. They used to hide what's weird on them so that people don't call her weird. She's sick on hiding so together with her family, they moved on a...