__________________________________________________
* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«“Capítulo Siete
Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Liwanag agad ang bumungad sa akin kaya napapikit ako saglit at idinilat ng dahan-dahan.
Napatingin muna ako sa paligid at si Aviona lang ang nakabantay sa akin. Bumangon na rin ako pero napadaing din nang makaramdam ng sakit sa tiyan. Biglang lumapit si Aviona nang makita niya akong pilit na bumabangon.
"Auli'i, wag mong ipilit ang sarili mo." sabi niya at pinahiga ako ulit.
"Gaano ako katagal na nakaratay dito?" wala sa sarili kong tanong.
"Mag-iisang linggo na."
"Ano?!" sigaw ko. "Bakit isang linggo? 'Di ba saksak lang naman iyon?"
"Yung panaksak na ginamit saiyo, may lason. Buti nakita ka ni Cherauno kaya agad pinatigil ang misyon. Yung kuya mo, alalang-alala sayo."
"Anong nangyari sa misyon?" tanong ko.
"Hindi muna pinagpatuloy." sagot niya kaya napakunot ang nuo ko.
"Bakit?"
"Cherauno wished for it."
"Why would he do that?" I asked then she asnwered a shrug. "Gutom na ako." wala sa sariling tanong ko. "Pero maliligo muna ako. Parang ang lagkit ko na." sabi ko.
Napatawa naman siya at inalalayan na ako. Sasamahan pa nga niya ako sa banyo pero sinabi kong kaya ko. Alangan naman na parehas kaming nasa banyo.
Nang natapos ako ay inalalayan na naman ako pahiga sa hospital bed. Masakit parin kasi ang sugat ko. Ang sabi niya, pinadalhan daw ako ng pamilya ko ng prutas habang wala pa akong malay. Kinuha ko naman ang mansanas at kinain iyon.
Dahil sa pagkabusog ay nakatulog na ako. Nagising lang ako nang may marinig akong ingay. Kaya dinahan-dahan ko ang pagdilat ng mata ko.
"Presentador, presedenta gising na siya." narinig kong sabi. May naglakad naman papunta sa hospital bed ko at naaninag ko si mama.
"Anak. Okay ka lang ba?" nag-aalalang sabi ni mama. Naramdaman ko nalang ang nagbabadya kong luha.
"M-mama," sabi ko. Niyakap naman niya ako. "Namiss po kita." naiiyak na sabi ko. Napatingin naman ako kay papa na ngayon ay nakatingin sa akin. "Papa!" pasigaw ko nang sabi. Daddy's girl ako at alam ni mama iyon kaya humiwalay si Mama sa akin para bigyang daan si Papa. Napayakap naman ako ng mahigpit kay Papa at tuluyan nang napaiyak.
"Papa ayoko na po rito." bigla kong sambit na ikinagulat ng lahat. "G-gusto ko lang mamuhay ng normal. Please papa iuwi niyo nalang ako sa bahay natin ..." napahagulgol ako. "Ayoko ng gulo at ayokong pumatay."
Bumitaw naman si Papa sa pagkakayakap. "Makinig ka sa amin. Dito, ang tahanan mo. Nandito ang mga kaibigan mo..." itinuro niya yung nasa likod niya. Nandun ang mga kaibigan ko, sina Storm, Cassian at Azel pati na rin si Cherauno. "... Nandito kami. Dito ang bahay mo. Dito na nabibilang." sabi ni Papa kaya napaiyak ako.
Umalis na sina Mama, Papa at Kuya at ang natitira nalang ay ang mga kaibigan ko.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Aviona. Tumango naman ako pero deep inside, masakit pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Melodía Academia (COMPLETED)
FantasyA girl, named Auli'i Fryxell lived in a town normally, yet she and her family is the one who is not normal. They used to hide what's weird on them so that people don't call her weird. She's sick on hiding so together with her family, they moved on a...