CAPÍTULO TREINTA

136 10 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Treinta ”


"Hi bessie!" agad akong napatingin sa kanya at tumayo.


"Nora?" tawag ko sa kanya. "I-isa kang—"


"Hindi ko totoong pangalan ang 'Nora'. I'm Zemelee nga pala."


Zemelee? Parang narinig ko na iyong pangalan na iyon.


At isa siyang Harmonico.


"Anong pakiramdam ng nawalan ng pamilya?" she suddenly asked.


Biglang umusbong ang galit ko. "Ikaw ba ang pumatay sa kanila?!"


Then she laughed. She snapped her fingers. "Zico!" tawag niya. Bigla namang dumating ang tinawag niya.


Siya yun! Siya yung gusto akong makuha sa bayan!


At hawak-hawak niya si Mama habang nakatutok sa leeg nito ang kutsilyo.


"Mama!" sigaw ko. "Wag na wag mong sasaktan ang Mama ko!" tumawa lang siya. "Bakit mo pinatay ang Papa at Kuya ko?!"


"Bakit mo rin pinatay ang magulang ko?!" bigla niyang tanong pabalik sa akin habang nanlalaki ang mata. Pinatay? Siya yung— "Oo! Ako yung batang pinatayan mo ng magulang! Pero it doesn't matter. Matagal kaming nanahimik kaya ngayon, it's payback time." then she let out a smirk.


"Bitawan mo ang Mama ko! 'Di ba ako naman ang pumatay sa magulang mo?! 'Di ba ako naman ang kailangan niyo?! Heto ako oh, nakatayo sa harap niyo! Gusto niyo akong patayin?! Sige gawin niyo na!" galit na sigaw ko sa kanila.


Ngumiti siya saka tinignan si Zico. Bigla niyang pinakawalan si Mama kaya agad akong lumapit sa kanya.


"Anak, hindi mo kailangang gawin ito." sabi ni Mama sa akin.


"Hindi Mama. Kailangan ko itong harapin. Puntahan mo sina Papa at Kuya. Bantayan niyo ang katawan nila." sabi ko kay Mama.


"Pero mapapahamak ka lang—"


"Please Mama. Sundin niyo na lang ako." sabi ko sa kanya.


Bigla niyang hinawakan ang mukha ko. "Mag-iingat ka." habilin ni mama sa akin saka naglaho.



"What a scene!" Nora— Zemelee scoffed. Agad akong napaiyak.


"Hindi na ikaw ang kaibigan na nakilala ko. Tinuring kitang kaibigan at kapatid—"


"Well, I didn't!" sigaw niya. "Alam mo ba kung gaano ako nandidiri kapag kasama kita? Hindi mo alam kung gaano ko ito pinaghandaan! Nawalan ako ng magulang sa mura kong edad! Kung hindi mo lang sila pinatay, sana hindi tayo aabot sa ganito!"


"Edi gumanti ka!" sigaw ko. "Nasa harapan mo na ako! Saktan mo ako! Patayin mo ako! 'Di ba yun naman talaga ang gusto mo?!" galit na sigaw ko. Tumingin siya kay Zico, signaling something.


Agad itong tumingin sa akin. "Tumingin ka sa mga mata ko at sundin ang aking hipnotismo. Inuutusan kitang patayin ang sarili mo." seryosong sabi ni Zico.


"At sino ka naman para sundin ko?" inisahan ko sila ng kilay. Nagulat sila.


"Bakit hindi gumagana?! Ulitin mo!" sigaw ni Zemelee.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon