CAPÍTULO VEINTIUNO

121 10 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Veintiuno ”


Dalawang buwan na ang lumipas at ilang linggo nalang ay birthday ko na. Sa dalawang buwan na iyon, training lang kami ng training. Palagi ko ring napapanaginipan ang batang babae't lalaki na nagsusumpaan sa isa't-isa. Pati na yung batang babae na galit na galit sa isa ding batang babae. At unti-unti ay nagiging close na kami ni Uno.


Oo. Sa dalawang buwan na iyon naging close kami. Hindi yung close na close talaga kagaya namin ni Aviona pero alam mo yun? Mas naging better na ngayon.


Si Nora naman, hindi parin nagpaparamdam. Ilang text na ang nasend ko sakanya pero wala pa ring reply. Ang stalker ko naman, hindi parin tumitigil sa pagtext sa akin, minsan nirereplyan ko.


And one more thing. We found out that Reignne and Azel are already together.


"Hoy! Bakit ganun? Parang ang simple-simple niyong gumalaw tapos kayo na pala ni Azel ha!" reklamo ni Aviona.


"Oo nga. Unexpected ha! Aminin niyo, matagal niyo nang gusto ang isa't isa no?" tanong ko sa kanila, pinasingkit ang mata.


Nagkatinginan sina Reignne at Azel, refusing to answer my question.


"Ay hindi sinagot." sabi ni Aviona kaya tumawa kami.


Bigla naman akong kinalabit ni Cherauno kaya napatingin ako sa kanya.


"Bakit?" bulong kong tanong sa kanya.


"Pinapatawag tayo ng Mama mo." bulong niya rin. Tumango ako sa kanya saka tumingin sa mga kaibigan ko.


"Guys kailangan naming umalis. Pinatawag kami ni mama eh." pagpapaalam ko sa kanila na tinanguan naman nila.


Naglalakad na kami papunta sa office nila mama't papa nang bigla naming makasalubong si Eevee. Bigla niyang iniwas ang tingin sa amin saka naglakad ulit at nilampasan kami kaya hinawakan ko siya sa braso.


"Eevee, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya.


"Busy ako. Baka bukas o sa susunod na araw pwede ako." sabi niya saka binawi ang braso niya't umalis.


"Hayaan mo na." rinig kong sabi niya kaya napabuntong-hininga nalang ako't naglakad ulit kasabay si Cherauno hanggang sa nakarating na kami sa office. Si Cherauno na ang kumatok at unang pumasok kaya sumunod ako.


"Ma, Pa." bati ko sa kanila at nagbeso. "Bakit niyo po kami pinatawag?"


"As you can see, dalawang buwan na ang lumipas and maybe, tapos na sila sa rehabilitation doon kaya ngayon, I want you to go back to the town and check." diretsang sabi ni mama.


"Like, right now?" tanong ko. Tumango silang dalawa kaya tumingin ako kay Cherauno. Tinanguan niya ako kaya tumingin ulit ako sa mga magulang ko.


"Your service are already in the outside. Cuidate!"


[¡Cuidate!- Take care!]


Bumeso ulit ako sa kanila habang si Uno ay yumuko at umlis na kami.


Tinext nalang ni Cherauno ang anim saka kami sumakay sa sasakyan.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon