CAPÍTULO VEINTICUATRO

121 12 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Veinticuatro ”


Isang linggo na ang lumipas at sa loob ng mga araw na iyon, hindi na ako pinapansin ni Cherauno. I deserve it, right? Pero bakit ko siya palaging hinahanap?


Hindi na rin kami nagkikita ni Eevee. Sigurado akong iniiwasan niya pa rin ako.


Naging okay na rin kami ng magulang ko pati si Kuya. They kept saying sorry dahil matagal daw nila iyong tinago. Pinatawad ko rin naman sila. Hindi ko sila kayang tiisin.


Naging maayos na rin kaming magkakaibigan. Tinatanong nila kung bakit ko daw sila iniiwasan.


"Pasensya na. Stressed lang talaga ako dahil sa mga nalaman ko lately at naaapektuhan na ang emosyon ko kaya nadamay kayo." sagot ko sa kanila. Naiintindihan naman daw nila ako.


Papunta na sana ako sa room nang bigla kong makita si Neon, ganun din siya kaya yumuko muna siya bago bumati sa akin.


"Hello, friend."



Natawa naman ako. "Hi, friend." bati ko din sa kanya. Bigla naman siyang natawa.


"Ew, ang O.A pala. Anyways, papasok ka na sa room mo?" tanong niya kaya tumango ako. "Oh sige. See you around nalang. Bye!" sabi niya sa akin saka tumakbo papunya sa classroom Dos.  Napatawa nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom ko.


Bigla silang tumingin sa akin at saka bahagyang yumuko. Ngumiti lang ako ng konti saka tumango kaya pinagpatuloy naman nila ang ginagawa nila.


Agad na napadako ang tingin ko kay Cherauno na ngayon ay naka-nap sa table niya. Last week pa siya ganyan. Madali na ring uminit ang kanyang ulo.


Agad na tumingin sa akin si Cassian. "Hayaan mo na. Kulang sa tulog, e," bulong niya sakin. Ngumiti lang ako saka umupo sa upuan ko. Dumating naman bigla si kuya kaya agad kaming tumayo, yumuko at binati siya. Pinaupo na niya kami kaya sumunod kami.


"Where is Mr. Cherauno Grayson?" tanong ni Kuya. Kaming lahat ay agad na tumingin kay Cherauno na ngayon ay mahimbing na natutulog.


Agad na ginising ni Storm si Cherauno dahil siya ang katabi nito.


"Ano ba?!" nagulat kami sa sigaw ni Uno.


"Mr. Grayson, ako ang nag-utos na gisingin ka. Bakit ka natutulog sa klase?" seryosong tanong ni kuya.


Nag-crossarms lang siya, hindi sinasagot ang katanungan ni Kuya. Halatang naiinis.


Napabuntong-hininga si Kuya. Inalis ko ang tingin kay Cherauno at tumingin sa harap.


"Auli'i." tawag ni Kuya sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya.


"Po?" he motioned me to come over kaya tumayo ako at naglakad papalapit sa kanya.


"Tinatanong ni Mama kung ano ang gusto mong theme sa birthday mo para mahandaan daw at para masukatan ka na ng damit." mahinang sabi ni Kuya.


"Gusto ko lang na simple Kuya." sagot ko. "Pero gusto ko na cocktail dress ang susuotin namin." nakangiti kong sabi.


"Sige sige, sasabihin ko iyan kay Mama. Siya nga pala ibinilin niya na pumunta ka daw sa pagawaan ng damit, magsukat ka raw. And you like designing, right? Ikaw nalang daw din ang mag decide ng gusto mong style." dahil sa sinabi ni Kuya, napatili ako. Agad akong tumingin sa mga kaklase ko at nagsorry bago tumingin kay kuya at pumalakpak dahil sa tuwa.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon