CAPÍTULO CINCO

245 11 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Cinco ”


"In fairness sa secret admirer mo ah, ang sweet." kinikilig na sabi ni Aviona. Napailing naman ako. Nandito na kami ngayon sa room namin. Pagkapasok ko palang ay may bouquet of flowers na sa upuan ko. Ibinigay ko naman iyon kay Reignne at Azel.


"Anong gagawin namin dito?" takang tanong nilang dalawa.


"'Di ba lupa ang kapangyarihan niyo at kayo ang tagapangalaga ng mga puno't halaman? Ako ang nasasayangan sa mga bulaklak na iyan kaya itanim niyo iyan sa garden, ako na ang bahalang magdilig niyan." sabi ko at agad na umupo.


"Bakit mo ba ibinibigay sa amin ang dapat para sa iyo? 'Di ka ba masaya na may nagbibigay sa iyo niyan?" takang tanong ni Saorise.


"Babae ako pero ayoko sa mga ganyan. 'Yung pabulaklak kemerut na iyan. Oo mahilig ako sa tsokolate pero wala akong sweet tooth. I find it weird at ako mismo ang nasasayangan kaya sa inyo na lang." sambit ko at saka nag nap.


Kulang kasi ako sa tulog at talagang kailangan kong mag-gain ng energy dahil maglalaban pa kami ng kung sino man ang makakalaban ko mamaya sa E.P.S training namin.


Ilang sandali pa'y may biglang tumatapik sa akin kaya agad kung tinignan iyon. "Ano ba." reklamo ko.


"Hoy gising na. Dalawang oras ka nang tulog." sabi ni Aviona kaya agad akong napabangon ng wala sa oras.


"Ano?!" sigaw ko. "Bakit hindi mo man lang ako ginising?!" inis na sigaw ko habang sinasabinutan ang sarili.


"Sinubukan ka naming ginising pero pinigilan kami ni asesor Fryxell dahil sabi niya... masama ka raw gisingin lalo na 'pag kulang ka daw sa tulog." sabi niya. Napatingin naman aki sa paligid at kami nalang dalawa ang natitira. Nasa dining hall daw sila, kumakain ng snacks.


Dahil ayoko pa namang lumabas sa room ay sinabi ko nalang kay Aviona na pakibilhan nalang ako ng pagkain which she immidiately obliged. Ngayon ay mag-isa nalang ako sa room kaya naisipan ko nalang kumanta.


"Fly me to the moon and let me sing among the stars. Let me see what's spring is like on jupiter and mars. In other words, hold my hand, in other words, darling kiss me. Feel my heart with song and let me sing forever more. You are all I long for all I worship and adore. In other word, please be true. In other words, I love you."


Nang matapos kong masambit ang salitang iyon ay may biglang bumagsak kaya agad akong napatingin sa likod ko.


"Sino iyan?!" tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot kaya pumunta ako sa may pinto kung may tao. Pero wala. Hindi ko na pinansin iyon at nagtungo na sa dining hall dahil medyo natatagalan na si Aviona. Kanina pa ako naghihintay ng pagkain.


Nang makarating ako sa dining hall ay gulo ang nakita ko.


May nagkukumpulang tao sa gitna kaya agad akong lumapit doon. Baka si Cherauno na naman ang nanggugulo!


Pero hindi.


"Ano na naman 'to?" tanong ko. Hindi siguro nila ako napansin dahil tutok nang tutok sila sa gitna kaya sumingit ako at nakita ko si Saorise na nakahiga sa lupa habang dinaganan at sinasakal ni Eevee. Agad akong lumapit doon at tinulak si Eevee. Napaupo naman siya sa sahig.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon