CAPÍTULO VEINTISÉIS

119 11 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Veintiséis ”


"Ma, teka lang. Ako nalang magme-makeup sa sarili ko." sabi ko kay mama.


"Kailangang maganda ka, Auli'i." sabi naman ni mama.


"Lah? Ma maganda na naman lang ako ah."



"Kaya nga mag makeup ka para gumanda ka lalo mana sakin." sabi ni mama kaya natawa ako.


Today is my day. Kaninang umaga, pinalipat ako ni mama ng suite para makapaghanda ako. Mamayang gabi pa ang party. Nag-iisa lang ako ngayon sa suite. Pinagbawalan din ako na lumabas.


Para tuloy akong magde-debut.


Sa online app ko naman, bumati ang mga dati kong kaklase, they even chatted me. Nagpasalamat lang ako sa kanila.


Alas kwatro na ng hapon kaya naligo na ako. Mamayang alas sais magsisimula ang party ko. Nang matapos ako ay siya namang pagdoorbell ng pinto kaya agad akong sumilip sa peephole. Yung mag-aayos sa akin kaya agad ko silang pinagbuksan.


Yumuko sila. "Buenos días, señora." bati nila sa akin. Ngumiti lang ako saka ila pinapasok. Agad nilang ni-lock ang pinto para walang makapasok. Kabilin-bilinan iyon ni mama.


Nagset-up na sila doon. Sinabihan ko sila na ako na ang magme-makeup sa sarili ko. Pumayag naman sila pero dapat sila na daw ang bahala sa buhok, pagdamit at pag-aayos sa akin which is, okay lang naman sa akin. Nakita kong may inilapag na malaking box ang isang babae sa kama ko na ang hula ko ay ang damit ko.


Pinaupo na nila ako sa may salamin saka sinimulan na akong ayusan. Inaayos nila ang buhok ko habang ako naman ay sinisimulan na ang pag-makeup.


Para sa eye makeup ko, foxy style ang plinano ko. Then simple nude lipstick and lipgloss. Highlights, contour and done!


Napatingin naman ako sa buhok ko para malaman kung ano ang style non. They braided and and turned to bun my hair. Nasa may batok lang ang bun. May mga excess pang mga buhok sa gilid ng mukha ko. They put an accessory in my head.


Nang matapos iyon ay pinabihis na sa akin ang cocktail dress ko. Nilapitan ko ang malaking box at doon na lang susuotin sa banyo. Dinala ko narin ang heels na gagamitin ko.


Nang masiguradong locked ang pinto ng banyo ay agad kong binuksan ang box at bumungad sa akin ang cocktail dress na gusto ko.


Dali-dali ko itong sinuot pati ang heels ko. Pagkatapos ay agad akong tumingin sa whole body mirror. They actually did it! They copied my style and design and I love it! It was perfectly fit!


As usual, green ang kulay ng damit ko. Velvet ang napili kong tela and look at this! It's so beautiful. Backless ito at ang strap nito sa likod ay naka ekis hanggang sa may waist sa likod ko. May mga sequence din sa ibabang part ng cocktail dress ko.


My dress is above the knee. Hindi mahaba, hindi rin maikli, sakto lang. Kulay green din ang heels ko kaya bagay lang. My waist line showed more. Medyo mabigat-bigat sa lower part kasi may mga nets sa ilalim ng dress ko para medyo bukadkad ito ng konti.


Nang makuntento na ako ay lumabas na ako sa banyo para magsuot ng mga accessories. Nang paglabas ko ay nagulat ang mga nag-ayos sa akin.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon