CAPÍTULO VEINTINUEVE

134 11 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Veintinueve ”


Agad kaming nagkatinginan ni Aviona habang nanlalaki ang mata. Dali-dali naming kinuha ang proteksyon sa mata. Kahit na unti-unting lumalakas ang alarm, nilagay parin namin sa gilid ng mga mata namin iyon saka agad na lumabas.


Lahat ngayon ay nagtatakbuhan, ang iba ay tinatago ang kanilang mga batang kapatid para hindi sila masaktan. Diretso lang kaming tumakbo hanggang sa nakalabas kami sa paaralan.


Nagsilabasan sila sa malaking gate at dumiretso sa gubat.


"Sina Mama at Papa. Si Kuya, asan sila?" tanong ko sa sarili ko. Kinalabit ako ni Aviona.


"Tara na!" sabi niya sa akin saka tumakbo papalabas sa malaking gate.


Huminga ako ng malalim. This is my first time na makidigma. Agad akong sumunod kay Aviona hanggang sa nakarating kami sa gubat. Nakikipaglaban na ang mga guards namin, pati sina mama, papa at kuya.


Sinugod ng isang Harmonico ang Kuya ko na ngayon ay hindi napansin iyon dahil may kinalaban na siya kaya ako tumakbo saka sinipa. Agad kong sinummon ang arrow ko at bigla yong humaba saka ko iyon isinaksak sa sumugod.


Nakita kong may susugod sa akin sa likod kaya siniko ko iyon saka kinuha ang sandata niya't isinaksak din sa kanya.


Muntikan na akong masaksak nang biglang may pumalo na latigo sa kamay ng Harmonico kaya nabitawan nito ang kutsilyo kaya tinook advantage ko na iyon para suntukin siya ng malakas kaya napabagsak ito sa lupa, nawalan ng malay.


Tinignan ko ang taong tumulong sa akin. "Thanks." sabi ko sa kanya. Tinanguan lang ako ni Eevee saka nagkipaglaban ulit.


Nakita ko si Reignne na nahihirapan sa kanyang mga kalaban kaya sinummon ko ang pana ko saka sila pinatamaan sa likod. Tinignan niya ako, tinanguan ko lang siya.


Si Saorise naman ay pinagbabaril ang mga kalaban gamit ang baril na gawa sa apoy. Sunog kalamnan ng mga kalaban, alam ko.


May sumugod sa akin kaya agad akong napalingon sa likod ko saka iyon kinuha ang braso saka binack-flip. Agad din siyang napatayo at sinugod ako ng saksak. Napadain ako nang madaplisan ang braso ko kaya napahawak ako doon. Tinignan ko ng masama iyung kalaban saka umikot at pinatid ang pagmumukha niya ng malakas. Tumilapon ito.


Agad akong pumunta sa pwesto ni Norilee nang makita kong nahihirapan siya. Mas malakas sa kanya ang kalaban niya kaya ako na ang nakipaglaban doon. Nagpasalamat si Norilee sa akin saka ako nakipaglaban sa iba.


Kumikirot ang kanang braso ko kung saan ako nadaplisan pero ininda ko lang iyon hanggang sa mamanhid iyon.


Pinatamaan ko ng tubig ang mga kalaban kaya tumilapon sila. May sumakal sa akin mula sa likod ko kaya siniko ko ito at sinuntok sa may batok kaya nawalan ito ng malay.


"Masyado na kaming nanahimik. Kailangan na kayong mamatay! Papatayin kita Auli'i!" sigaw ng isang babae na nakaitim ang damit.


"Oh sige. Subukan mo." sabi ko sa kanya. Sinugod niya ako. Pinatid niya ako kaya napaatras ako ng konti. Bumawi ako saka mabilis na kumilos para makarating sa kanyang likuran saka sinakal gamit ang braso.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon