__________________________________________________
* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«“ Capítulo Catorce ”
"Where are you going?" takang tanong ni Reignne nang makita niya akong nakabihis. "Sabado ngayon ah. Akala ko ba magpapahinga ka."
"Akala ko rin pero kailangan kong makita sina mama at papa. May kailangan lang akong ibigay." sagot ko. "Aalis na ako. Babalik din ako pero baka matagalan. May dadaanan din kasi ako pagkatapos. Adiós."
Lumabas na ako at pumunta sa office ni papa't mama para ibigay itong binili ko sa bayan.
Medyo natagalan ako sa paghahanap sa office nila papa dahil maraming pasikot-sikot. Para na rin siguro na walang madaling makapasok.
Nang makita ko na iyon ay agad ko namang nakita si Eevee na kakalabas lang sa office ng magulang ko. Taka akong napatingin sa kanya. Inirapan niya lang ako bago ako nilampasan.
"Attitude talaga." napapailing na sabi ko saka ako tuluyang pumasok at nakita ko doon sina Mama't Papa at si Kuya na seryosong nag-uusap. Kumatok ako sa pinto kaya napatingin sila sa akin na parang gulat na gulat.
"Ang seryoso siguro ng pinag-uusapan niyo. Ano iyon?" tanong ko sa kanila at lumapit.
Nakita kong natataranta si kuya pero agad rin namang pinapakalma ang sarili.
"A-ah oo. Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tanong ni Papa.
Nag-pout namab ako. "Hindi mo ako miss Papa?" tanong ko.
Tumawa naman si Papa saka pinapalapit ako sa kanya. "Ikaw talaga! Biro lang."
"Pero ano nga talaga ang sadya mo dito? May gusto ka bang itanong?" tanong ni Mama.
Umiling ako saka inilagay sa lamesa ang pinamili. "Gusto ko lang ibigay ito. Para sa inyo iyan ni Papa." sabi ko.
Tinignan muna ako ni Mama bago kinuha at tignan ang laman.
"Sana magustuhan niyo. Pasasalamat ko na rin dahil pinayagan niyo kaming lahat na makabisita man lang sa Escortia." sabi ko sa kanila.
"Anything for you, Auli'i. At saka hindi mo naman kailangang gawin ito dahil para rin naman sa iyo iyon." sabi naman ni Papa.
Pagkatapos nun ay umalis na rin ako dahil ang sabi ng secretary nilang dalawa ay may kailangan daw silang i-meet. Taga ibang bayan daw.
Umalis na ako at saka naglakad-lakad. Ayoko munang magstay sa suite dahil mabo-bore ako. Hindi ko sinasabi na boring kasama ang tatlo, ang saya nga eh. Gusto ko lang talagang lumabas saka hindi ko pa fully nalilibot ang Academia. Pagpasok ko palang kasi, nagtraining na kami. Wala ring time kaya ngayon, maglilibot ako.
Pero sana pala ay sinama ko ang isa sa tatlo. Hindi ko na alam kung nasaan ako.
May isang cave doon, oo cave. Ang weird nga, e. May ganito pala. Maraming veins ang nakatakip sa cave. Pumasok ako doon nang walang kahit anong bahid ng takot. Nagulat naman ako sa nakita ko.
Isang garden na may lake. Hindi halata sa labas pero pag pumasok ka sa cave, ang ganda!
Samut-saring mga puno at bulaklak ang nasa paligid, halatang inaalagaan ng maayos. Lumapit ako sa may lake saka tinignan ang tubig.
BINABASA MO ANG
Melodía Academia (COMPLETED)
FantasyA girl, named Auli'i Fryxell lived in a town normally, yet she and her family is the one who is not normal. They used to hide what's weird on them so that people don't call her weird. She's sick on hiding so together with her family, they moved on a...