__________________________________________________
* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«“ Capítulo Trece ”
Hindi na ako makahinga.
Nagiging malabo na ang mga paningin ko.
"DIE!"
Narinig ko na naman siya.
Hindi ko na kaya...
"Auli'i! Auli'i!"
Agad kong idinilat ang mata ko habang hawak-hawak ang leeg ko, habol-habol ang hininga.
Bigla naman akong napaiyak. Naninikip ang dibdib ko.
"H-hindi... ako... m-maka... hinga..." nahihirapang sabi ko.
Malabo ang paningin ko pero sigurado akong binibigyan ako ng hangin ni Storm.
Habol-habol ko ang hininga ko at unti-unti namang nagiging normal ang paghinga pati ang paningin ko.
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ng mga kaibigan ko.
Napaiyak na naman ako.
Pinahid ni Cherauno yung mga luha ko, yakap-yakap ako.
"Ano bang nangyayari saiyo? Kanina lang ay natutulog ka sa bus. Bigla ka nalang umiyak at sumigaw. Nilapitan ka namin tapos saktong pagkapit namin saiyo naidala mo kami dito sa may gubat." nag-aalalang sabi ni Aviona.
"S-si Mama. Si P-papa. Si Kuya." nanginginig kong sabi at umiyak. "P-parang totoo ang p-panaginip k-ko. Nakita k-ko silang d-duguan. S-si Mama . . . naka h-handusay . . . AYOKO!" sigaw ko at tinakpan ang mukha ko. "Ayokong mawala ang pamilya ko!" umiiyak na sabi ko.
"Everything's gonna be alright." sabi ni Uno habang pinapahid ang luha ko.
Then... everything went black.
Nagising lang ako nang may narinig akong pagbukas-sara ng pinto.
"Oh buti nalang gising ka na!" sabi ni Saorise nang pagpasok niya.
Bumangon ako. "Gaano ako katagal nakahiga?" tanong ko.
"Mag-iisang araw na rin." sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Ano?!"
Tumayo na ako at pumunta sa banyo.
"Qué haces?!" tanong niya.
[¿Qué haces?- What are you doing?]
"Maliligo dahil mag-aaral pa ako!" then I stopped. "Anong subject ngayon?"
"Lunch pa naman." sagot niya kaya tuluyan na akong pumasok sa banyo at naligo. Binilisan ko nalang ang pagligo't pagbihis ng uniform. Binilisan ko rin ang pagsuklay saka lumabas. Kinuha ko na rin ang bag ko.
"Tara na." sabi ko sa kanya pero natigil din. "Nga pala, nakita niyo yung waffer na pagkain?" tanong ko sa kanya.
"Ah yun? Ibinigay na ni Cherauno nang sabihan siya ni asesor Aurelius na pumunta sa Councelor's office."
BINABASA MO ANG
Melodía Academia (COMPLETED)
FantasyA girl, named Auli'i Fryxell lived in a town normally, yet she and her family is the one who is not normal. They used to hide what's weird on them so that people don't call her weird. She's sick on hiding so together with her family, they moved on a...