__________________________________________________
* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«“ Veinte ”
I still did not get what Cherauno said to me pero hindi ko na iyon tinuonan ng pansin. Tinapos ko na ang assignment ko bago natulog ulit.
- -
"Bitawan niyo ako!" sigaw ng batang babae na nakaberde ang damit. Pilit siyang kinukuha ng isang babae at lalaki.
"Sumama ka sa amin! Wag ka nang pumalag!" sigaw ng matandang lalaki.
"Hindi ako sasama sa inyo! M-mama! Papa!" pilit niyang tawag sa kanyang mga magulang. Kinuha na naman siya ng babae at lalaki pero may biglang dumating at nakipaglaban doon. "Mama! Papa!" sigaw ng batang babae, tinutukoy ang dalawang bagong dating at nakipaglaban doon.
"Hinding-hindi niyo makukuha ang anak ko! Diba sinabi ko na sa inyo?! Hindi siya ang hinahanap niyo!" sigaw ng mama ng bata.
"At sa tingin mo maniniwala ako sa inyo?" mataray na tanong ng babae na pilit kinukuha ang bata.
"Mamamatay muna kami bago niyo makuha ang anak namin!"
Nagising ako bigla habang hinihingal. Sumasakit na naman ang ulo ko kaya napadaing ako. Wala pa rin ang mga kaibigan ko rito kaya sinikap kong lumapit sa dispenser para uminom ng tubig. Nang mahimasmasan na ako ata agad kong tinignan ang oras. Alas siete na ng gabi. Kumakain na siguro sila ng dinner ngayon.
Gutom na rin lang naman ako kaya pumunta ako ng banyo para mag ayos. Nagsuot lang ako ng short at huge sweater at naka flip-flops lang. Then I messy bun my hair bago lumabas.
Dumiretso na ako sa dining hall at pumila. Habang naghihintay sa turn ko ay biglang tumunog yung phone ko.
From: Stalker
Malapit nang matapos ang oras ng hapunan. Bakit ngayon ka lang kakain?Lumaki bigla ang mata ko saka napatingin tingin sa paligid. Damn. Where is he?!
Napatingin ulit ako sa phone ko nang bigla yong tumunog ulit.
From: Admirer
Even seeing you from afar, you're still beautiful.In-off ko na ang phone ko dahil turn ko na sa pag-order.
"One pork steak, two cups of rice and one mango juice. I'll just eat it in my suite. Gracías." pagsasabi ko sa order ko. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago inilahad sa akin ang tray. Inilagay ko naman iyon sa push cart.
Naglakad na ako papaalis doon pero nakita ko ang mga kaibigan ko na masayang nakikipag usap sa isa't-isa sa table namin. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila saka naglakad ulit hanggang sa makarating ako sa suite namin.
Tahimik lang akong kumakain doon. Nang matapos ay bumalik ulit ako sa dining hall para isauli yung tray, plate and utensils pati ang push cart. Pabalik na sana ako sa suite ko nang makita ko ang isang estudyante kasama ang kanyang mga kaibigan na may hawak na ukelele.
Lumapit ako sa estudyante. "Hi." bati ko sa kanila. Agad siyang tumingin sa akin saka nagbow.
"H-hola señora." sabay na bati nila sa akin kaya ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
Melodía Academia (COMPLETED)
FantasyA girl, named Auli'i Fryxell lived in a town normally, yet she and her family is the one who is not normal. They used to hide what's weird on them so that people don't call her weird. She's sick on hiding so together with her family, they moved on a...