CAPÍTULO SEIS

244 14 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Seis ”


"Siempre me fascina tu pelo rizado. Te queda perfectamente. Me gustas."  basa ni Aviona sa sulat na nakalagay sa mailbox na nasa labas ng suite namin.


[I'm always fascinated by your curly hair. It suits you perfectly. I like you.]


Kinuha ko naman iyon at binasa kung tama ba ang narinig ko. Totoo nga. Inilagay ko naman iyon sa drawer na nasa tabi ng kama ko.


"Ano? Wala ka man lang gagawin?" takang tanong ni Aviona.


"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.


"Iyan. Hindi mo ba gustong kilalanin ang admirer mo?" takang tanong din niya.


"Wala akong panahon para diyan." simpleng sabi ko. "Tara na. Male-late na tayo. 5 minutes nalang." sabi ko at agad na kaming tumakbo. Si Saorise at Reignne ay nauna na sa room namin. Sinamahan lang ako ni Aviona dahil natagalan ako sa pagligo.


Nang makarating kami sa room ay nandoon na si Kuya kaya agad kaming nag-bow ni Aviona. Then I smiled apologetically kay Kuya pati kay Aviona.


"Pumasok na kayo." sabi ni kuya kaya agad kaming pumasok. "So what I am saying, you need to be ready kasi di natin alam kung kailan susugod ang mga taga-Harmonico. Nakiusap ako na gagamitin ko ang time ng ibang subject teachers niyo dahil baka mamaya, gagawin niyo na ang misyon niyo. But for now, I need to focus on Auli'i since this is her first time to learn all of this. Are we clear?"


"Sí asesor." sagot naming lahat.


[Yes, adviser.]


"So after you eat your lunch, change your clothes, kung saan kayo makakagalaw ng maayos or what clothes are you comfortable with. That's all for today. Adiós."


[Goodbye]


All through out the subjects, hindi ako mapakali.


"Ano bang nangyayari sa iyo?" takang tanong ni Aviona.


"Kinakabahan ako." tanging sambit ko.


"Bakit?"


"Ano bang ginagawa sa misyon?" takang tanong ko.


"Ganito kasi iyon, may gagawing illusion ang asesor kung saan ay parang nasa digmaan talaga tayo. Kalaban laban sa kalaban. Bale, ang makakalaban natin ay ilusyon lamang. Gets mo?"


Dahan-dahan akong tumango habang pinoproseso sa utak kung anong sinabi niya. Hindi ko namalayan na lunch na pala. Ni hindi ko naramdaman na nag chime na. Hindi pa ako kumain ng recess kaya kahit naka heels, tumakbo na ako papuntang dining hall, ni hindi ko na hinintay sina Aviona dahil nagugutom na talaga ako.


Nang matapos akong kumain ay nag-teleport nalang ako at napunta na agad ako sa banyo para magbihis.


Nag black croptopped sleeveless lang ako. Yung mala, nylon na ang strap na naka 'x' sa likod. Pinaresan ko ito ng black short na may palda sa left side at nag black combat shoes na rin. I just tied my hair into high ponytail.


Narinig ko naman ang mga kaluskos sa labas at ingay, indikasyong pumasok na ang tatlo.

Naalala ko yung sinabi ni Kuya kahapon na mag-jogging pants daw kami pero sinabi naman niya na what makes us comfortable diba? So okay lang 'to.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon