CAPÍTULO TRES .2

265 17 0
                                    

Continuation . . .
__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Tres .2 ”


"Ano ba tama na!" rinig kong sigaw ni Saorise. "Uno!"


Nakita ko rin yung babaeng pumunta sa room namin na umaway sa kaklase ko, tinatawag niya yung isa sa kanila ng Uno.


Uno? Pamilyar sa akin ang pangalan na iyon.


"Uno." sambit ko dahilan nang pagtahimik ng lahat pati ang dalawang lalaking iyon. "Kung sino man sa inyo na tinatawag nilang Uno, tumigil na." tanging sambit ko dahil ako mismo ay hindi kilala kung sino ang tinatawag nilang Uno. Pero pamilyar siya sa akin.


Binitawan ng nakapula yung nakaputi tsaka tinignan ito ng masama. Bubugahan na sana ng kidlat ng nakaputi yung nakapula ng lumapit ako dun.


"Don't you dare." agarang sabi ko kaya natigil ito. "Umalis na kayo at pumunta na sa kanya-kanyang room. Balik!" sigaw ko sa mga nanunuod kaya agad silang nagkandarapang umalis. Ngayon, kami nalang ng mga kaibigan ko, yung nag-aaway kanina, pati na rin yung babaeng nang-away sa kaklase ko.


Nakita kong sinamaan ng tingin ng nakapula yung nakaputi, nakita ko ring sinamaan ako ng tingin ng nakaputing babae. Ano naman ginawa ko sa kanya?


"Ano pang ginagawa niyo? Tama na iyan at pumunta na sa room niyo." sinamaan ko muna sila ng tingin bago ako umalis. Nang makarating ako sa room namin ay doon ko na kinakain yung pagkain ko.


Since hindi pa naman dumadating yung ibang Asesor namin ay tinext ko muna si Nora. Sinabi  ko lang na maayos lang ako at sana ganoon din siya. Ilang sandali pa'y biglang dumating sa room namin iyong babaeng nakaputi na nang away sa kaklase ko.


"So, you must be the daughter of presentador." sabi niya habang nakataas ang isang kilay.


"Sí." simpleng sabi ko.


[Sí- Yes.]


"Alright, I'm your cousin. Eevee Fryxell." sabi niya.


"What are you doing here?" walang ganang sabi ko habang nagkakalikot sa phone ko.


Bigla niyang itinukod ang mga kamay niya sa lamesa ko. "I'm here for one thing. Get your ass off to Cherauno because he's mine. You hear me?! He's—"


"Ngayon ko lang nalaman na ang isang tao ay pwede na palang angkinin kahit walang pahintulot." sabi ko dahilan ng pagtahimik niya pati mga kaklase ko. "Sinasabi ko sa iyo na kung sino ka man, wala akong balak agawin siya. Ni hindi ko nga kilala 'di ba? Tsaka pwede ba? 'Wag kang susugod-sugod dito kung wala ka namang ebidensya. Umalis ka na."


"You— you— argh!" dinuduro duro niya pa ako at padabog na umalis nang wala siyang maisagot sa akin.


Napailing-iling ako. "Tsk. Ang lakas sumugod wala namang pruweba. Sino ba iyang Cherauno na iyan? Inaagaw daw 'di ko naman kilala. Baliw." reklamo ko.


Narinig ko namang tumawa si Aviona. "Ganun talaga 'yung pinsan mo. 'Di ko nga alam kung bakit baliktad kayo ng attitude eh."


"Teka nga lang," agad kong hinarap si Aviona at nag-cross arms. "Akala ko ba nasa ibang bayan nag-aaral ang ibang Fryxell? Ba't andito iyon?"


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon