CAPÍTULO NUEVE

178 11 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Nueve ”


"'Wag kayong lalayo ha! Baka mawala kayo 'di pa naman kayo pamilyar sa lugar na ito— Cassian, Azel! Ano ba! Wag matigas ang ulo! Storm! Wag mong hawakan iyan! Cherauno! Halika dito buset!" inis na sigaw ko. Talaga namang... naiinis na ako. Para na akong ina ditong inaalagaan ang mga paslit.


Nilapitan ni Saorise si Cassian at saka hinampas saka lumapit sa akin habang hawak hawak si Cassian. Si Reignne naman ay sinamaan ng tingin si Azel kaya napalapit sa amin. Si Aviona naman, binatukan si Storm saka kinaladkad papunta sa pwesto namin. Lumapit naman ako kay Cherauno at tumingkayad. Inilagay ko sa balikat niya ang braso ko saka inilagay sa leeg niya para masakal siya. Napayuko siya.


"'Di ba sabi ko sa inyo wag matigas ang ulo?! Pag ako nainis ibabalik ko kayo sa Academia!" sigaw ko saka binitawan siya. Pinatabi ko sila sa magkabilang side ko. "Wag niyo akong ginagalit." sabi ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman sila.


Ilang sandali pa'y nakarating na kami sa destinasyon namin. Escortia Town School.


Pumasok na kami doon. "Maraming tao ngayon kaya please lang, wag malikot okay?" mahinahong sabi ko na agad naman nilang tinanguan.


"So ayun, welcome sa paaralan ko nuon! Grabe namiss ko dito." masayang sabi ko. Napatingin naman ako sa kanila saka nag-explain. "Dito sa Escortia Town, taon-taon naming sinasalubong ang pyesta. Para na rin itong Christmas at New Year kung alam niyo iyon." sabi ko sa kanila.


"Dito sa paaralan, sine-celebrate namin ang pyesta at may mga palaro mamaya. Mamayang gabi, may fireworks display kaya aabangan natin iyon mamaya pero sa ngayon, bibisitahin muna natin ang mga teachers at kaklase ko." sabi ko sa kanila at agad na naglakad.


Nasa gitna kami ng paglalakad ng biglang may humarang sa amin. Yung bitch kong classmate. Si Jenny.


"Oh, hi Auli'i! Long time no see." pilosopong sabi niya. "Ang tagal mong nawala ah but it's okay." tinaasan niya ako ng kilay kaya napairap ako. "Ang dinig ko ay lumipat ka daw ng paaralan. Kung sabagay, mayaman ka pala. Di nga lang halata." at tumawa siya. Susugod na sana si Saorise nang pigilan ko siya.


"Cálmese." mahinang bulong ko kay Saorise saka tumingin kay Jenny.


[Cálmese - Calm down]


"Oh, so you bought your new friends." sabi niya saka tinignan sila isa-isa pero natigil iyon nang napadako ang tingin niya kay Cherauno. "Oh, hi there cutie." sabi niya, nakangiti habang nagkagat-labi. I looked at her with disgust.


"It's been one month but you're still a bitch." sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.


"What did you say?!" inis na sabi niya.


"Do I have to tell it again?" inisahan ko siya ng kilay. "Anyways, we need to go. Hindi ikaw ang pinunta namin dito." sinenyasan ko ang mga kaibigan ko na lumakad na.


Dadaanan lang sana namin siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ni Cherauno at napangiti. "Call me." sabi niya at nag-wink.


"Get lost." masungit na sabi ni Uno. Napabitaw naman si Jenny sa kanya kaya hinila ko na si Uno at nagsimula nang maglakad.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon