CAPÍTULO DIECINUEVE

136 11 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Diecinueve ”


Sabado na naman ngayon kaya as usual, nasa suite lang kami. Out of boredom, naisipan kong i-post yung mga old photos ko, yung mga hindi ko pa na-post. Especially yung picture namin sa plaza sa bayan. Isa isa ko muna yung tinignan para hindi ko mapost ang mga blurry photos.


Then one picture caught my attention. Zinoom-in ko iyon, in the picture, I was holding Cherauno's hand! This picture was taken in the plaza, fireworks display.


Nakatitig lang ako sa larawan, Storm took this picture for us, napansin niya ba ito?


Ugh! So annoying!


In the end, hindi na ako nag post. In-off ko nalang ang phone ko and decided to sleep. Humiga na ako at handa na sanang matulog nang nagsalita si Saorise.


"Hindi ka maga-assignment?" tanong niya. Hindi ko iyon sinagot at pinikit na ang mga mata. Bigla niya akong binato ng unan kaya inis akong napatingin sa kanya.


"Ano ba?!"


"Tinatanong kasi kita!" inis ding sabi niya.


"Aba, malay ko bang ako ang tinatanong mo." sabi ko sa kanya.


"Tanga! Tayo lang ang nandito!" napatingin ako sa kama nina Aviona at Reignne. "Kung nagtatanong ka kung saan sila, nasa dining hall, kumakain." tumango naman ako sa sinabi niya.


"Ano nga ulit tanong mo?" I crunched my nose at pinasingkit ang mata.


"Hindi ka ba maga-assignment?" pag-uulit niya.


Napakunot ang nuo ko. "May assignment pala?" takang tanong ko. "Anong subject?"


"Iyan! Tulaley ka kasi! Wag mo na kasing isipin si Cher—"


"What?! No! I wasn't thinking of him! I was t-thinking of other t-things!" I defended.


"So inaamin mo rin na iniisip mo nga siya?" at tumawa siya. "Ikaw haaa!"


"Stop it! Geez." sabi ko at nahiga ulit pinipilit na matulog.


- -


"Uy mangako ka." sabi ng batang babae sa batang lalaki.


"Anong ipapangako ko?" tanong ng batang lalaki.


"Na kung anong mangyari, poprotektahan mo ako." nakangiting sabi ng batang babae.


Kumuha ng singsing ang lalaki mula sa bulsa nito. Isang singsing na may berdeng bato sa gitna nito. Kinuha niya ang kamay ng babae at isinuot doon sa ring finger na nasa kaliwang kamay.


"Ipinapangako ko, na ano man ang mangyayari, poprotektahan kita. At kung magkalayo man tayo, ipinapangako kong hahanapin kita saang lupalop pa man ng mundo. Maghihintay ako sayo, hanggang sa pagtanda man, Auli'i."


Napabangon ako bigla saka napahawak sa ring finger ko, kung saan nakalagay ang singsing. Hindi ko alam kung saan o kailan ko ito isinuot. Naalala ko pa, nagising ako sa kwarto ko at may benda ako sa ulo, wala akong maalala. Hindi ko rin kilala sina mama at papa nun. Palagi nilang sinasabi na mga magulang ko sila kaya naniwala ako.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon