CAPÍTULO TRES

278 16 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»--› [ Melodía Academia ] ‹--«

" Capítulo Tres "


"Ano? First day of class niyo pa lang?" Takang tanong ko nang magising ako. Agad naman silang tumango. "Ang weird ha. Sa bayan, nasa gitna na kami ng topic namin tapos kayo, magsisimula pa lang?"


"Ganiyan talaga dito. Matagal bago kami magsisimula sa klase. Pero normal lang sa amin iyon." sagot ni Saorise.


Dahil nga first day of class namin ay agad kaming naligo. Nang matapos ay agad kong binlower yung kulot at mahaba kong buhok.


Nagsuklay na ako, oo sinusuklay ko yung buhok ko kahit na kulot iyan, inaayos ko naman siya. Nang matapos ay agad akong nagtungo sa cabinet ko para kumuha sana ng damit kasi wala pa akong uniform- pero nagkamali ako.


May nakasabit na doon at may nakalagay na iyon daw ang uniform ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan.


Isa itong turtle neck na puting polo na plain sa harap. Nasa likod naman ang kanyang zipper. Kailangan itong i-tuck-in sa itim at maikling palda. Papatungan naman ito ng kulay green na mahabang coat. May alambre o kung ano man ang tawag niyan sa may waist nito, para siguro ma-define at stay-put lang sa waist. Wala kasi itong belt. At ang weird lang ng school shoes nila. Isa kasi itong high-heeled knee-length boots na kulay green din.


Hindi ba ako magmumukhang gulay nito? Puro kasi berde ang kulay. Pero sabagay, ang ganda ng uniform nila dito, parang a-attend lang ng fashion show.


Sinuot ko na ito at agad na tinignan sa full-body mirror. Perfectly fit ito sa akin. Narinig ko namang tinatawag na ako ni Aviona kaya tumingin ulit ako sa uniform ko bago ako lumabas.


"In fairness Auli'i! Bagay sa iyo 'yung uniform!" masayang sabi ni Aviona. Tanging ngiti lang ang naisagot ko. Parehas kami ng disenyo ng uniform ngunit iba ang kulay base sa kanilang kapangyarihan.


Tulad nga ng sinabi nila, ang pula at kahil ay para sa apoy, asul para sa hangin, berde para sa tubig, kayumanggi ay dilaw ay para sa lupa, at puti para sa kidlat.


Pero sa kanilang Reignne at Saorise, kayumanggi at pula ang kulay ng kanilang coat at knee-length boots.


"Kain muna tayo bago pumasok tutal maaga pa naman." suhestyon ni Saorise kaya tumango kami.


Habang naglalakad kami ay palaging nagba-bow sa amin ang mga bawat estudyanteng dinadaanan namin. Ganito din ang nangyari nuong kakarating lang namin dito sa paaralan namin. Hanggang sa pagdating namin sa dining hall.


Naghanap na kami ng pwesto at umalis naman sina Saorise at Reignne para mag-order. Habang nakaupo kami ni Aviona ay nakatingin parin sa amin ang mga estudyante.


"'Wag mo na silang pansinin." napatingin ako kay Aviona nang sabihin niya iyon.


"Bakit ba sila nakatingin sa atin?"


"Ganyan talaga. Syempre ikaw yung anak ng presentador at isa kang Fryxell." masayang sabi ni Aviona.


"Paano ba nila nalalaman na isa akong Fryxell? Bago lang naman ako dito, ah." takang tanong ko.


"Ay oo nga pala nakalimutan naming sabihin. Ang mga Fryxell ay may kulot na buhok kaya madali lang kayong makilala."


"Nakakatakot at ang weird pala ng lahi namin." Komento ko. Tumawa naman si Aviona kasabay ng pagdating nina Saorise at Reignne.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon