CAPÍTULO DIECISÉIS

155 11 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítolo Dieciséis ”


"Why are you wearing that kind of clothes? Kitang kita na yung pusod mo! Pati na balikat mo!"  sabi ng batang lalaki sa batang babae na sa hula ko ay nasa mga 10 ang edad.


"Bakit ba?! Walang pakialamanan ng trip!" naiinis na sabi ng batang babae.


"Ah basta! Magpalit ka! Your clothes are too revealing!"


Agad akong napamulat sa mata saka napahawak sa chest ko. Bwisit na Cherauno 'yon!


Kinuha ko sa side table ang phone ko para tignan ang oras at alas tres na ng madaling araw. Sinubukan kong ipikit ang mga mata pero hindi na ako makatulog kaya napagpasyahan ko na mag-browse nalang.


Kapag may group photo ang mga kaklase ko noon at ipo-post, ita-tag nila ako, saying na belong parin ako sa school year nila kahit pa na umalis na ako sa paaralan na iyon. Nag-comment ako doon sa post, 'I miss y'all!'.


Sumakit ang mga mata ko dahil sa radiation kaya in-off ko na ang phone ko saka napagpasyahan na ipikit ulit ang mga mata at hindi na namalayang nakatulog na ako.


- -


"What did you do?!" sigaw ng batang babae, puno ng galit ang mukha pati ang sigaw nito.


"I-i'm sorry. Hindi ko s-sinasadya na—"


"'Pag ba pinatay ko ang mga magulang mo, tapos sasabihin kong hindi ko sinasadya, maniniwala ka?! Baliw ka! Umalis ka dito!" galit na sigaw niya saka tumingin sa mga magulang niya na nakahandusay sa sahig. "Mom! Dad! Gumising kayo!"


"Zem—"


"Ang sabi ko, umalis ka!"


"Pero kaibigan kita." naiiyak na sabi ng isang batang babae.


"Wala akong kaibigang mamamatay tao! Umalis ka na! Mamatay ka na!"


Bigla akong napabangon at nagising, hinihingal. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit.


"Auli'i!" may umalalay sa akin. "Kumuha kayo ng tubig bilis!" sigaw nito na sa wari ko ay si Saorise.


May nag-abot ng tubig sa akin at nang makita ko na si Reignne ang nagbigay kaya agad ko itong ininom hanggang sa nahimasmasan na ako.


"Ano bang nangyayari saiyo?" nag-aalalang tanong ni Aviona.


"Nightmare." sagot ko sa kanila. "Anong oras na?" tanong ko.


"Alas sais pa ng umaga." sagot ni Reignne. Agad akong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo. Nang matapos ay agad na akong lumabas sa banyo para ihanda ang bag ko bago ako tumingin sa kanila.


"Tara na?" aya ko sa kanila kaya nagsitanguan sila. Lumabas na kami at isasarado ko na sana ang pinto nang may napansin akong nakadikit doon na papel kaya kinuha ko ito't binasa.


'To: Auli'i,
  Kumusta? I hope you're doing well. You're okay, right?'


Nang mabasa ko iyon ay agad kong kinuha sa bag ko ang sticky note at ballpen ko saka nagsulat doon.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon