CAPÍTULO DOCE

152 7 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Doce ”


"Mom!"


"Please wake up!"


"Dad! No! Don't leave me! Mom! Dad!"


Then SHE stares at me with full of anger.


"DIE!"


Bigla akong nagising na hinahangos. Napahawak ako sa nuo ko nang maramdaman ang lamig doon, pawis.


That dream gave me an eerie feeling. She's a girl but I didn't even saw her face. It's blur.


Tatayo na sana ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay sa may tiyan ko. Nanlaki ang mga mata ko.


Hinawi ko ang kamay ni Cherauno na nakayakap sa akin. Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga nang bigla na naman niya akong hinila at niyakap.


"Sleep." bulong niya sa akin kaya tumayo ang mga balahibo ko. Hindi ako gumalaw, ganun din siya. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa bewang ko kaya bumilis ang tibok ng puso ko.


Para akong nagka-stiffneck. Hindi ko man lang siya nagawang tignan, hindi ko rin siya kayang itulak. Nararamdaman ko na rin ang init ng paghinga niya.


I just calmed myself.


I looked at my phone at tinignan kung anong oras na. It's 2:36 in the morning. Tinignan ko lang ang messages ko kung may nagtext ba sa akin na hindi ko nareplyan, pero wala naman.


Nakita ko ang name ni Nora sa messages ko kaya naisipan kong i-text siya. Hindi pa rin siya nagrereply sa mga texts ko sa kanya. Unti-unti ay kinakabahan na ako. Nago-overthink na ako kung ano ang nangyari sa kanya, kung okay lang ba siya.


Napaigtad naman ako nang biglang gumalaw si Uno... but still, hindi niya pa rin tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin.


Again, I calmed myself before turning off the phone kasi sumasakit na ang mata ko dahil sa radiation.


I just closed my eyes without even noticing na nakatulog na ako.


Nagising lang ako nang biglang tumunog ang phone ko, may tumatawag.


"Hello." I said without even looking the caller's I.D.


"Auli'i, five pieces of waffles. Just incase you forget. That's all." sabi niya saka ibinaba ang tawag. Buti pinaalala niya, muntik ko na kasing makalimutan.


Nagpunta lang ako sa food app sa phone at doon nag-order. Nag-order na rin ako para sakaling gusto naming kumain sa bus, may makakain kami. Sinabi ko nalang doon na ipapa-deliver ko nalang it ipahatid dito sa bahay.


Pumunta na ako sa banyo at nag-hilamos at nag-ayos sa sarili. Nagbihis din ako ng damit dahil naka nighties ako. Naka plain oversized white t-shirt lang ako saka naka shorts. Minessy bun ko na rin ang buhok ko.


Lumabas na ako at sakto namang may nag-doorbell kaya agad akong bumaba ng mabilis. Nakita ko naman si manang na bubuksan na sana ang pinto nang pinigilan ko siya.


"Manang, ako na." sabi ko sa kanya at agad na lumabas pero bumalik din sa loob nang nakalimutan ko yung pera. "Manang pahiram muna ng pera. Nakalimutan ko sa taas eh." sabi ko sa kanya. Napatingin naman ako sa delivery boy na nasa labas ng gate habang nagdo-doorbell. "Saglit lang!" sigaw ko saka tumingin kay manang. Agad naman niya akong binigyan ng pera kaya tumakbo na ako papunta sa gate.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon