CAPÍTULO OCHO

196 13 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Ocho ”


"Hoy dalawang araw lang tayo sa bayan! 'Yang damit mo parang pang-isang taon na!" reklamo ni Azel kay Reignne. Oo. Nandito sila sa kwarto namin.


"Pake mo? Palibhasa lalaki ka kasi!" inis na sabi ni Reignne. Napailing nalang ako. Ala una ng madaling araw at ang call time namin ay alas dos ng madaling araw at heto sila ngayon, nag-aaway at nagrarambulan.


Lumapit ako sa kanila saka ginabayan kung ano ang dapat dalhin at hindi. Umupo ulit ako sa kama at sinandal ang ulo sa headboard. Naramdaman ko ang antok ko. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko pero nilalabanan ko iyon.


Tinignan ko muna ang oras sa phone ko, 1:30 na kaya tumayo na ako saka kinuha yung maleta ko. "Tara na. Male-late na tayo." sabi ko. Tumango naman sila at agad na kaming lumabas.


Paglabas namin ay may mga bus na maghahatid sa amin. Nakita ko naman sina Mama, Papa at Kuya kaya nilapitan ko sila.


"Salamat po talaga." tanging sambit ko.


"Anything for you, Auli'i." nakangiting sabi ni Papa.


"Oh sige na, baka mahiwalay ka pa sa mga kaibigan mo. Dun nalang kayo sa bahay natin magstay." sabi ni Mama.


"'Di po kayo sasama?" takang tanong ko.


"May kailangan pa kaming asikasuhin." sagot ni Kuya. Tinatawag na kami dahil pinapasakay na kami kaya niyakap ko muna sila bago sumakay sa bus.


Nang makasakay ako ay ginabayan ako ng guard at sinabing sa harap ako dahil isa akong royalty. Umiling ako at sinabing yung iba nalang na estudyante ang paupuin kung gusto nila.


Napatingin naman ako sa likuran ng bus at dun nalang umupo sa gitnang portion ng bus, umupo ako sa may bintana. Nakita naman ako ni Aviona kaya tumabi siya sa akin.


"Hindi mo naman sinabi na nandito ka na pala. Kanina pa kami hanap ng hanap sa iyo." sabi niya.


"Pasensya na." sambit ko. Nasa harap ko lang ang bagahe ko. Wala akong planong ilagay sa itaas. Nagsquat lang ako sa upuan ko. Hindi ko mailalagay ang paa ko sa ibaba dahil nandoon ang maleta ko.


Kinuha ko ang phone ko at tinext si Nora, hoping na magrereply siya at nagbabaka-sakaling magkita kami.


"Maganda kaya doon?" takang tanong ni Aviona.


Napangiti naman ako. "Trust me."


Sa buong biyahe, naging maingay ang mga kaklase ko. Typical students ika nga. May kantahan, harutan, kainan o kung anu-ano pa. Minsan sumasabay ako sa pagkanta. Minsan si Cherauno ang mag gigitara. Hindi ko nga akalain na marunong siyang magitara.


Alas tres na ng umaga nang makarating kami sa terminal ng bus sa bayan. Sinabihan ko ang lahat na kung pwede ay itago ang kanilang mga buhok, mata (magsuot ng contact lens), pati ang ilong dahil sa nakakasulasok na amoy ng mga sasakyan which is sinunod naman nila.


Isa-isa kaming bumaba habang ako ay sinuot ang mask at hoodie.


Medyo marami-rami kami kaya ang ibang estudyante, sumusunod sa kanilang guide which is mga tauhan ng Melodía Academia habang kami ng mga kaibigan ko ay nasa ibang daanan. Sumunod lang sila sa akin.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon