CAPÍTULO ESPECIAL

181 11 0
                                    

I just want to put Special Chapter :>

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Especial ”

Kinabukasan ay naisipan namin ni mama na umuwi muna sa bayan. She called everyone on the Academia na pwede silang lumabas ngayon at pumunta sa bayan kung gusto nila na ikinatuwa naman ng lahat. One year din kaming hindi nakauwi doon.


Excited ang mga kaibigan ko, kasama na sina Eevee at Neon dahil part na sila ng pagkakaibigan namin. Eevee showed us her true attitude that's why we like her.


"Eevee." tawag ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa akin.


"Remember last year? We once had time to visit the town. I didn't saw you. Where are you that time?" takang tanong ko.


"Oh that. Nandoon ako sa paaralan na pinamumunuan nila mom at dad." sagot niya sa akin kaya napatango-tango ako.


Kinuha ko ang phone ko nang bigla itong tumunog. Tinag ako ng teacher ko noon sa isang post. Class photo iyon.


'Y'all are hard-headed kind of students, but trust me, you are the best students I've ever handled. Auli'i Fryxell, you might be not here but you will still belong here. I guess, this is our final farewell? Congratulations class one, school year  of 2020! It's a success!'


My classmates already graduated. Napangiti naman ako. I congratulated them.


"You look happy." agad akong napatingin kay Uno na ngayon ay katabi ko sa bus.


"Yeah. Graduate na ang mga kaklase ko and I'm happy for them." sabi ko sa kanya. Bigla niyang niyakap ang kanang braso ko at inihilig ang ulo sa balikat ko. "What are you? A baby?" natatawang sabi ko.


"Yeah. Your baby." napatigil ako. "Am I not your baby?"


"Yes. You're my baby." I said, smiling. Mas niyakap pa niya ng mahigpit ang braso ko at inihilig pa ang ulo. This is the other side of him. He's too sweet and clingy. Really really clingy. But I like it.


Nang makarating kami sa bayan, dumiretso kami sa bahay namin.


"Cous, bahay niyo to?" tanong sa akin ni Eevee habang nakatingin sa bahay namin. Tumango ako. "Hala ang laki!" sabi niya sa akin kaya napangiti ako.


"Auli'i! Bumalik ka!" masayang sabi ni manang at niyakap ako. Napatingin siya kay Mama. "Maam." sabi niya. Ngumiti si Mama. "Kayo lang? Asan sina Sir at Aurelius?" takang tanong ni manang. Napaiwas ako ng tingin.


"Wala na sila." sagot ni Mama. "Patay na sila." nakita ko ang pagkalito ni manang kaya ikinwento na namin sa kanya. Nakita ko ang pagkalungkot niya.


Nang matapos ay dumiretso kami sa aming kwarto. Si mama, dumiretso na sa palengke at sinamahan si manang. Nagpresinta sila na sila na daw ang magluluto.


"Ang ganda pala ng kwarto mo. In fairness, may taste ka." sabi ni Eevee habang nakatingin sa kabuoan ng kwarto ko. Nandito silang lahat sa kwarto ko.


"Oh ano? Dito na naman kayo matutulog?" tanong ko sa kanila. Agad naman silang nagsitanguan. "May lakad ako mamaya." sabi ko sa kanila.


"Where are you going?" seryosong tanong ni Uno.


"Uh, school?"


"I'll go with you." agad na sabi niya.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon