CAPÍTULO ONCE

178 12 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Once ”


"Sa mall."


"Mall?" takang tanong nila.


"Basta! Tara na!" sabi ko. Nagpaalam muna ako kay manang at saka sinabihan ang driver na samahan kami at ipagdrive sa mall sa city.


Sumakay kami sa van namin. Magkatabi kami ni Aviona ngayon.


"Saang mall po?" tanong ng driver namin.


"Sa Escortia City Mall po." sagot ko. Pinaandar naman ng driver namin ang sasakyan at nagsimula nang bumyahe.


"Maganda ba sa mall?" takang tanong ni Azel.


"You'll love it." sagot ko.


"Ano 'yung mall?" tanong ni Saorise.


Napa-face palm ako. "Seriously guys, hindi niyo alam ang mall?"


Umiling naman sila.


"Hindi nga kasi kami nakakalabas. At saka first time kaya naming makalabas at pumunta dito sa bayan." sabi ni Reignne.


"So you mean, para na kayong bilanggo?"


"Sort of." sabay-sabay nilang sagot.


Nalungkot naman ako sa nalaman ko.


"May dahilan naman eh." napatingin naman ako kay Saorise nang magsalita siya. "Para narin sa kaligtasan namin dahil anytime, pwedeng umatake ang mga taga-Harmoniço. Kung hindi mo alam, madumi kung makipaglaban ang kalaban. Kaya nilang mang-hypnotize. Malalaman mo lang na mga taga-Harmoniço sila kapag puti ang kanilang mga mata at kapag na-hypnotize ka, pati ang mga mata mo ay magiging puti rin kagaya nila."


"They also use black magic. It means, they are witch-blooded." sabat ni Storm.


"Wala na bang paraan para ma-disable ang kanilang kapangyarihan? I mean, para hindi na magana ang kanilang kapangyarihan?" tanong ko.


"Meron." napatingin kaming lahat kay Cherauno nang magsalita siya. "The Golden Voice o ginintuang tinig."


Magtatanong na sana ako nang biglang nagsalita ang driver namin.


"Nandito na po tayo."


Nauna na akong bumaba at naghintay sa kanilang bumaba.


Nang makababa na sila ay agad silang napatingin sa mall.


"Woah." manghang reaksyon ang kanilang ipinakita.


"Pasok na tayo." sabi ko sa kanila at nagsimula nang maglakad, sumunod naman sila. "Wala naman kayong dalang baril o kutsilyo diba?" tanong ko sa kanila.


Biglang nagtaas si Azel ng kamay. "Nagdala ako, nasa bulsa—"


"Bakit ka nagdala niyan?!" pabulong kong sigaw.


"Nagbabaka-sakali lang. Baka kasi may—"


"Ilagay mo iyan sa sasakyan. Jusko hindi pwede ang ganyan dito! Kinakapkapan at tinignan nila ang laman ng bag natin at kapag nahuli ka nilang may dala, sa prisinto ang bagsak mo!"


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon