__________________________________________________
* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«“ Capítulo Veintiocho ”
"Ipinapangako ko, na ano mang mangyayari, poprotektahan kita. At kung magkalayo man tayo, pinapangako kong hahanapin kita saang lupalop man ng mundo. Maghihintay ako sayo, hanggang sa pagtanda, Auli'i."
Iyan ang ipinangako ko seven years ago sa kanya.
Pero nawala nalang siya bigla.
Iniwan niya ako.
- -
"Hoy Uno! Gumising ka! First day of class natin ngayon!" niyugyog ako ni Cassian. Nainis ako kaya binato ko siya ng apoy. Nakailag pa!
"Ayoko ngang pumasok!" sigaw ko, naiinis na.
"Bahala ka na nga diyan." sabi ni Cassian. Hindi ko na sila pinansin saka ipinikit ulit ang mga mata. Narinig ko nalang na bumukas-sara ang pinto. Umalis na sila kaya napamulat ako ng mata saka bumuntong hininga.
Pitong taon na ang lumipas, hindi pa rin siya bumabalik dito. Noon, nagising nalang ako na wala na siya dito.
Bumangon na ako sa pagkakahiga, hindi alam ang unang gagawin. Ayokong pumasok. Ayoko ring maglakad. Ayokong tumayo. Ayoko sa lahat.
Nanatili akong nakaupo sa kama ko. Mag-iisang oras na akong nakatitig sa kawalan nang napagdesisyunan kong maligo na.
Nang matapos ako ay napatigil na naman ako, nagsisisi kung bakit nagdesisyon akong pumasok. Napabuntong-hininga ako saka kinuha ang bag at umalis.
Dumiretso ako sa dining hall para kumain tutal recess naman rin lang.
"Ang gwapo talaga niya."
"Oo nga!"
"Ang sungit pero gwapo pa rin."
Hindi ko na pinansin ang mga bulung-bulungan ng mga babae at dumiretso sa counter para bumili ng makakain saka ako nagtungo sa bakanteng lamesa nang may bumunggo sa akin.
Natapon sa kanya ang tubig kaya galit siyang tumingin sa akin.
"Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?!" maangas na tanong niya.
"Ikaw? Bulag ka ba?" malamig na tanong ko.
"Anong sabi mo?!"
"Do I need to say it again?" naiinis na ako pero hindi ko iyon pinahalata.
"Ang yabang mo ah!" saka niya ako sinuntok kaya natapon ang pagkain ko. Bwisit! "Team Captain ka lang! Kung maka-asta parang hari!"
Sinuntok ko siya pabalik. "Bayaran mo ang pagkain ko."
Inambahan niya ako ng suntok kaya napaiwas ako agad saka siya mabilisang sinuntok. Ang lakas sumugod, hindi man lang ako matalo.
Hinawakan ako sa collar ng lalaking to kaya hinawakan ko rin ang kanya. Nagsimula na kaming palibutan ng mga eatudyante pero hindi ko na iyon pinansin.
"Angas-angas ka pa." mahinang sabi ko sa kanya saka siya sinuntok ulit ng malakas kaya napa-atras siya. Tumakbo siya papunta sa akin saka ako hinawakan ulit sa collar kaya ginawa ko na rin ulit.
BINABASA MO ANG
Melodía Academia (COMPLETED)
FantasyA girl, named Auli'i Fryxell lived in a town normally, yet she and her family is the one who is not normal. They used to hide what's weird on them so that people don't call her weird. She's sick on hiding so together with her family, they moved on a...