CAPÍTULO CUATRO

244 14 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Cuatro ”


"Auli'i! Gising!"


"Ano ba! Kitang natutulog pa yung tao, e!" inis na sigaw ko habang pinipilit nila akong patayuin.


"Tignan mo kasi ito!" sigaw ni Saorise kaya bumangon na ako.


"Ano ba kasi iyan?!" biglang inilapag ni Reignne ang bouquet ng bulaklak. "Aanhin ko naman iyan?" inis na sabi ko.


"Tanga nito. Tignan mo kasi." sabi ni Aviona. Kinuha ko naman ito habang nakakunot ang nuo at tinignan kung may nakasulat ba doon.


"Kayo na nga magbasa niyan." sabi ko nang nakita ko ang sulat at ibinigay sa kanila bago ako humiga ulit at pumikit.


"Basahin ko, ah." rinig kong sabi ni Aviona kaya tumango ako. "Maganda ka pa sa umaga, señora." then she squealed.


"Ano ba!" inis na sigaw ko dahil sa sigaw niya.


"Pasensya na, kinikilig lang." then she squealed again.


"Anong nakakakilig don?" tanong ko habang nakapikit parin.


"May admirer ka na señora!"


"'Di ba sinabi ko na sa inyo na wag akong tawaging señora. Ano ba." tumayo na ako at agad na pumuntang banyo. "Maliligo na ako!"


Ngayon ay nandito na ako sa harap ng full-body mirror nang matapos akong maligo at magbihis ng uniform. I'm still fascinated sa uniform namin.


"Auli'i! Bilisan mo na diyan!" rinig kong sigaw ni Saorise.


"Oo na!" sigaw ko pabalik. Sinuklay ko nalang ang kulot kong buhok at inayos kahit basa pa ito tsaka lumabas na.


"Bilisan mo!" sabi ni Aviona.


"Tangina sandali lang! Kung mauuna na kaya kayo?!" inis na sabi ko. Nakakairita kasi. Nag-aayos pa ako ng bag ko. Nang matapos ako ay agad ko silang tinignan. "Tara na."


Nagmamadali namang naglakad si Aviona kaya nagtaka ako.


"Anong nangyayari dun?" takang tanong ko?


"Ganun talaga yun 'pag gutom." sabi naman ni Reignne.


Nang makarating kami sa dining hall ay agad kaming nag-order at kumain pagkatapos ay pumunta na sa room. Nagkasalubong pa kami ni Eevee pero hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na sa pagpasok sa room. Binati naman kami ni Cassian at Azel samantalang nasa phone naman ang tingin ni Storm. Hinahanap naman ng mga mata ko si Cherauno pero wala siya kaya umupo nalang ako sa upuan ko.


Pumasok naman si kuya at sinabi niyang mamayang hapon ay magsisimula na kaming magtraining. Kinakabahan tuloy ako kasi lahat ng mga estudyante dito ay bihasa na sa pag-gamit ng kanilang kapangyarihan.


Everything went smooth naman sa lahat ng subjects at recess hanggang sa nag-lunch na. Inaya naman kami ni Azel na sumabay na sa kanilang kumain na agad namang inaprubahan ni Aviona.


"Aviona, ganyan ba talaga si Storm?" takang tanong ko.


"Anong ibig mong sabihin?"


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon