CAPÍTULO QUINCE

153 9 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítolo Quince ”


"Saan ka na naman pupunta, ha?" tanong ni Aviona.


"Basta! Iiwanan ko muna kayo. Adiós!" pagpapaalam ko sa kanila saka lumabas.


Plano kong bumalik doon sa cave, garden pala. Wala lang. Ang ganda kasi doon. Saka hindi ko siya nakuhanan ng litrato. Kaya ngayon at pupunta ako ulit doon para kuhanan ng litrato.


Nang makapasok ako sa cave ay agad akong tumakbo sa loob at sumalubong sa akin ang magandang hardin. Agad ko namang kinuha ang phone saka kinuhanan ng litrato ang hardin.


Nang nakuha ko na ang mga tamang anggulo ay itinigil ko na ang pagkuha ng litrato saka isinauli sa bulsa ang phone. Agad akong lumapit sa may lake at doon umupo sa gilid nito.


"Pwede ko kayang kontrolin ang tubig nito?" tanong ko sa sarili ko. Saka inilagay sa harapan ang kanang kamay at sinubukang i-kontrol.


Pero hindi ko iyon makontrol. Sinubukan ko ulit pero hindi ko talaga kayang makontrol ang tubig doon. Ano kaya ang meron sa tubig nito? Nakakapagtaka lang kasi lahat ng tubig ay nakokontrol ko pero itong sapa na ito ay hindi.



"Dahil hindi gumagana ang mga kapangyarihan dito." napatingin ako sa nagsalita. "Anong ginagawa mo dito?"


Agad akong napatayo. "Kuya." sabi ko. "Kinuhanan ko lang ito ng litrato." sagot ko.


Napatang-tango naman si kuya. "Tara na. Hinahanap tayo ni Mama." napakunot naman ang nuo ko. Mukhang nakuha naman ni kuya na nalilito ako. "Bibisita dito mamayang hapon ang ibang Fryxell kaya pinapahanda tayo ni Mama."


"Makikita ko na ang iba nating pamilya?" bahagya namang tumango si kuya. Umalis na kami sa garden. Bigla ko namang nakasalubong si Saorise.


"Auli'i!" tawag niya sa akin pero natigil siya nang makita niyang kasama ko si kuya. Yumuko muna siya. "Asesor." tumango lang si Kuya.


"Maiwan ko muna kayo." sabi ni Kuya.


"Pero ang—" naputol ang sasabihin ko nang bigla akong inunahan ni kuya.


"Wag kang mag-alala. Mamayang hapon pa naman sila dadating." ngumiti muna si Kuya bago naglaho.


Napatingin naman ako kay Saorise. "Bakit?" tanong ko sa kanya.


"May pupuntahan tayo. Saglit lang." sabi niya sa akin.


"Saan?" takang tanong ko.


"Basta!" at bigla nalang niya akong hinila. Hanggang sa nakarating kami sa isang gubat.


"Hoy anong ginagawa natin dito!" tanong ko.


"Basta! Malapit na tayo!" tumigil kami sa gitna ng gubat at nakita ko doon ang mga kaibigan ko na nagsasanay. "Tara magsanay tayo!"


Umiling ako. "Wag muna ngayon. Wala ako sa mood mag training saka baka masaktan ko lang kayo so, nope!" sabi ko habang naka-ekis ang dalawang kamay sa harap.


"Sus, okay lang iyan! Halika na!" pagpupumilit ni Saorise pero nagmatigas ako.


"Sorry. Ayoko talaga." sabi ko. Tumalikod na ako at naglakad papaalis doon sa gubat pero bumalik din sa kanila. "Hindi ko alam ang daan pauwi. Sabay nalang ako sa inyo. Manunuod lang ako dito." sabi ko sa kanila saka umupo sa may bato na nasa gilid. Tumawa si Aviona kaya hindi ko na siya pinansin.


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon