__________________________________________________
* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«“ Capítulo Dos ”
"Ma, it means welcome to Melodía Academia, right?" Tanong ko. Tumango naman si Mama. Hindi ko naman alam na puro spanish words pala ang salita dito. Salamat nalang at tinuruan nila ako kaya medyo nakakaintindi ako pero hindi ako bihasa. Nahihirapan parin akong umintindi ng Spanish.
"Auli'i, simula ngayon, dito ka na mag-aaral." sabi ni Papa. Nakita ko naman ang mga bawat estudyante na dinadaanan namin ay yumuyuko. Nagtaka ako. Pero napansin ko rin na kagaya rin namin sila. Kakaiba din. Napangiti nalang ako sa mga iniisip ko na baka dito na talaga ako sasaya.
"Hanggang dito nalang kami dahil may aasikasuhin pa kami nila Mama at Papa. Huwag ka nang mag-alala dahil registered ka na dito." Nagsad-face ako. Iiwan na nila ako dito. Ilang sandali pa'y biglang may lumapit sa amin at kinuha ang mga bagahe ko. "Sila ang maghahatid sa iyo kung saan ka tutuloy ngayon. Huwag kang mag-alala, magkikita ulit tayo."
Nang umalis na sila ay inihatid nga ako ng mga kumuha ng mga bagahe namin. Hanggang sa makarating kami sa isang malaking pintuan. Kumatok ang nagsama sakin dito, bago ito buksan ng isang babae na may maikling buhok hanggang balikat pero wavy. Kulay asul ang kaniyang mga mata pati ang ilang hibla ng kanyang buhok. Napangiti naman siya nang makita ako.
"You must be Auli'i! I'm Aviona Sallow, your roommate." Agad niyang iniabot sa akin ang kanyang kamay. Inabot ko rin naman ito.
Iginaya niya ang mga naghatid sa akin na ipasok ang mga bagahe ko at kami na ang bahala. Ang bait naman niya.
Umalis na iyong mga naghatid sa akin kaya napatingin ako sa suite na tutuluyan ko. May apat na kama.
"Ah, hindi lang tayong dalawa ang magshe-share ng suite na ito. May dalawa pa." ngumiti lang ako at kinuha ang mga bagahe ko papunta sa isang kama na bakante. Tinulungan naman niya ako dahil medyo marami-rami akong bagahe. Nang matapos iyon ay nagpasalamat ako sa kanya. "Cómo estás?"
[¿Cómo estás?- How are you?]
Ngumiti lang ako sa kanya at umupo sa kama ko. Ganun din siya. Umupo siya sa tabi ko. "Estoy bien, gracias."
[Estoy bien ¡Gracias!- I'm fine, thanks.]
"Nakakaintindi ka ng spanish?" gulat na tanong niya. Tumango ako.
"Oo pero konti lang. Hindi ko kasi iyon prina-iority dahil hindi ko naman aakalain na papasok ako sa paaralang ito." Sagot ko at agad na tinignan ang buong kwarto. May suites kasi daw dito sa school na ito. Para hindi na kami lumabas. Sa bayan, dorms ang tawag namin. "Pwede bang magtanong?"
Tumango agad siya. "Oo naman! It's a pleasure to be asked by the daughter of presentador!" napakunot naman ang nuo ko. "I mean, president."
"I know what it means. Pero ako? Anak ng presentador?" takang tanong ko.
"Hindi mo alam? Si Antonio Fryxell ang presentador ngayon!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Walang sinasabi si Papa tungkol sa ganyan. President si Papa?
"N-no lo sabia." tanging naisagot ko.
[No lo sabia- I didn't know.]
Agad kaming napatingin sa may pintuan nang bigla itong bumukas at pumasok ang dalawang babae kaya agad na tumayo si Aviona.
BINABASA MO ANG
Melodía Academia (COMPLETED)
FantasyA girl, named Auli'i Fryxell lived in a town normally, yet she and her family is the one who is not normal. They used to hide what's weird on them so that people don't call her weird. She's sick on hiding so together with her family, they moved on a...