CAPÍTULO VEINTICINCO

127 10 0
                                    

__________________________________________________

* * *
»——› [ Melodía Academia ] ‹——«

“ Capítulo Veinticinco ”


Tahimik akong naglalakad papunta sa pagawaan ng damit para magsukat para birthday ko. Yumuko muna sila sa akin bago ako iginaya kung saan ako susukatan.


Pinahubad nila sa akin ang coat para maayos ang pagsukat. Saka sinimulan na nila ang pagsukat sa akin. From my shoulders, over-breast, breast, under-breast, then to my waist.


"Waist, 24." sabi niya sa nagsusulat ng sukat ko.   Nagulat ako sa sinabi niya.


"Po? Waist ko? 24?" tanong ko. Sinisiguro lang.


"Oo, señora. Saktong-sakto lang ang iyong bewang." sabi niya at inilagay sa isang kit ang measuring tape.


Nang matapos iyon ay agad ko nang plinano at sinabi sa kanila ang gusto kong style at design nito. Nagustuhan naman nila iyon at agad na sinunod at ni-sketch ang gusto ko. Nang matapos ay nagpaalam na ako sa kanila at lumabas sa pagawaan ng damit at dumiretso sa dining hall.


Natiyempuhan ko namang nakita si Norilee doon sa may hallway na hirap na hirap sa dala niyang mga gamit kaya agad akong lumapit sa kanya at tinanong kung bakit ang dami niyang dalang gamit, inutusan daw siya ng asesora namin sa Science. Naawa naman ako.kaya tinulungan ko siya.


"Naku, hindi na po! Kaya ko na ito!" sabi niya sa akin.


"But I insist." pagoupumilit ko.


"N-nakakahiya naman po." sabi niya saka yumuko.


"Just drop the 'po'. Classmates tayo, right?" sabi ko sa kanya.


"O-okay p— okay." sabi niya, nahihiya kaya napangiti naman ako. Okay lang, masasanay din siya.


"Nagkausap na raw po kayo ni Kuya, sabi niya sa akin." agad akong napatingin sa kanya.


"Ah oo. Okay lang naman kami. We're friends." sabi ko sa kanya habang naglalakad. "Uhm, Norilee, pwede bang magtanong?"


Agad siyang tumango. "Oo naman po—ay... Pwede naman!"


"Ano ba yung libro ng propesiya? Kung sa bibliya, alam ko na ang ibig sabihin non pero hindi ko lang gets kung para saan iyon." sabi ko sa kanya.


"Ah. Ang libro ng propesiya ang nagiging mata namin para makita ang future. Hindi lamang ang mga Tempus ng Sección Dos ang may kapangyarihang makita ang hinaharap. Ang libro ng propesiya rin ang aming tanging gabay, at gabay ng presentador at presidenta upang magawa ang kanilang tungkulin." kwento ni Norilee sa akin. Napatangu-tango naman ako.


"Eh 'yung, Golden voice?" tanong ko ulit sa kanya. Naalala ko lang yung sinabi ng mga kaibigan ko noong nasa bayan pa kami. "Anong ibig sabihin niyan?"


"Ah, iyan ang dahilan kung bakit umusbong ang digmaan laban ng Academia at Harmoniço." napakunot ang nuo ko sa sinabi niya.


"Anong ibig mong sabihin? Anong meron sa ginintuang tinig?" takang tanong ko.


"Ito ang pinakamalakas na kapangyarihan na tanging mga taga Academia lang ang meron. Hindi ako sigurado dito señora pero sinasaad sa libro ng propesiya na ginintuang tinig lamang ang makakatalo sa mga taga-Harmonico at tanging nag-aaral lang dito ang may tyansang mabiyayaan iyon pero ang problema, simula pa noong pinakauna hanggang sa panahon ngayon, wala paring nabiyayaan ng ganitong kapangyarihan kaya palaging sumusugod ang mga kalaban."


Melodía Academia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon