"Ree anak kakain na tayo..." tawag ni tita Sandy mula sa labas ng aking kwarto.
Ka-agad kong sinara ang kurtina sa aking bintana at tsaka kaagad na tumakbo patungong pinto. Pagkabukas ko ay kaagad sumalubong sa akin si tita sandy na naghihintay mula sa labas.
"Sige po tita susunod po ako" nakangiting paniniguro ko dito.
"Sumunod kaagad anak ha...habang maiinit pa ang pagkain" paalala pa niya na kaagad ko din namang tinanguan.
Pumanhik agad ako sa aking kama para ilagay ang mga gamit ko bago muling bumaba sa dining area kung nasaan sina tita. Humalik ako sa pisngi nila bago umupo sa silyang nakalaan para sa akin.
"How's your day sweety?" tanong ni tito saakin matapos itong umupo sa kanyang silya.
Napapaused muna ako sa pagkain. It was a routine, tanungin nila kami tungkol sa araw namin kapag nagkakasabay kaming magdinner, which is really rare. Madalas kasi silang mag overtime or out of town sa mga trabaho nila sa kompanya.
"It's fine po." sagot ko.
"How about you koji?" baling naman nito sa anak na lalaki.
"As usual dad." tipid na sagot lamang nito sa daddy nya.
"Good to hear that." nakangiti namang wika ni tita
"I heard ngayon week ang preliminary exams nyo?" tanong niya
Kumurap ako. "Yes, tita."
"How was your reviews?"
Nagfocus muna ako sa pagkain ko bago nagsalita.
"It's doing well naman po. Medyo madali lang po kasi iyong mga subject ngayong first semester." nakangiting baling ko ditto.
"oh! wow! Ang galing talaga ng aming bunso. Right honey? Hahaha" Masayang kumain naman ito habang pa minsan ay bumabaling sa amin gawi.
"Honey, Bata palang iyan si Ree madalas na iyang mag uwi ng mga achievement niya dito kaya wag ka ng nagugulat diyan."
"Tsk!"
Natigilan ako at walang nagawa kundi ipagsawalang bahala ang reaction ni koji. mukang Hindi rin Ito napansin nila tita dahil nag uusap na sila ngayon tungkol sa mga achievement ng mga anak nila.
"Naalala ko pa noong nag valedictorian si koji noong Senior high sila at Salotatorian naman itong si Ree natin. napakaraming medalya ang ipa-frame ko para ipag malaki sa mga tita at tito nila hahaha...."
Nagpatuloy sila sa pag uusap samantalng nag patuloy lang ako sa pagkain na para bang walang nangyari. na Hindi ko narinig Ang pag usling ni koji. Sanay na ako. It happens every time. lalo na kapag natutuwa si tita at Tito sakin
Bumalik ako sa kwarto ko matapos ang dinner. Nagbihis ako bago umupo sa aking kama. It was almost eight o'clock but I still have to prepare for my presentation for tomorrow.
Pinagmasdan ko ang ga-dangkal na projects proposal book na nakapatong sa aking table. Kabisado ko na ang presentation ko last weekend pa. But I have this feeling to review it over and over again para hindi ako magkakamali kapag nasa unahan na ako.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Mataas ang expectations nila sa akin lalo na si tita at tito. Sila ang kumupkop saakin, nag papaaral at pinapakain. Itinuring nila akong para na nilang tunay na anak. At minsan natatakot ako na hindi ko masuklian lahat ng kabutihan nila saakin. So, I have to keep up and do my best in my studies. Siguro sa paraan na ito ay hindi ko sila madi-dissapoint.
"Happy?" nagulat ako sa biglang nag salita at walang pasintabing nasa loob na ng aking room. kahit Hindi ko tingnan alam ko Kung kanino ang tinig na iyon.
BINABASA MO ANG
Unnoticed but noticeable
FanfictionRee Avila, A very kind but has only one friend. She abortively lost his family suppossing her to live in galvez family. Elders Galvez was really love her but young kon jiester Galvez was really hate her. Will she stay there or choosing to be gun awa...